Kabanata 8

661 16 15
                                    

Kabanata 8

Brave


Nagising ako dahil sa sakit ng ulo at sinag ng araw. My head is aching at kailangan ko nang bumangon para hindi masuka. I feel like I'm in my most miserable state. I feel like shit. Hindi ako makapag-isip nang tuwid.

Hirap na hirap akong bumangon. Nang sa wakas ay nakaupo na ay naabutan ko si Manang na tinatagilid ang kurtina sa kwarto ko para pumasok lalo ang sinag ng araw.

Lumingon siya sa akin. ''Oh! Buti naman at gising ka na, hija. Anong oras ka na nakauwi kagabi! Buti na lang at hinatid ka noong kaibigan mo. Nag-alala pa naman ang Daddy mo at hindi na kayo macontact kagabi,'' aniya at pumiling nagpunas. Umiling-iling pa.

Agad na kumunot ang noo ko at sinubukang alalahanin ang nangyari kagabi. My face heated when I remembered kissing Lionel last night! Not just a simple kiss.. we made out! Sa harap pa ng blockmates ko! Paano na ako haharap sa kanila nito?!

Napapikit ako at napahilamos sa mukha. Such a dumb bitch, Lucy! Hindi porket nasaktan ka kagabi ay sapat na dahilan iyon para gumawa ka ng kagagahan!

''Nahihilo ka ba? Nagluto ako ng sabaw sa baba. Naku! Lasing na lasing ka kagabi. Buti na lang at maayos pa iyong kasama mo noong inuwi ka rito. Mabait na bata,'' ani Manang ulit. ''Kaso mukhang may tama rin, e. Namumula ang mukha pati ang bibig! Nakipag-away ba iyon?''

Napalingon ako sa kanya habang nakakunot ang noo. ''Anong ibig mong sabihin, Manang?''

''Kako, e namumula iyong kaibigan mo. Parang nakahalik sa pula, e,'' halakhak niya. Nag-init ang pisngi ko. I'm sure its because we made out! ''Oh siya at mag-ayos ka na. Hindi ka ba papasok? Nasa baba ang mga Kuya at Daddy mo. Sabihan mo, hija.'' 

Sinubukan kong tignan iyon ngunit hindi ko makita. Imbis na pagtuunan pa iyon nang pansin ay nahagip ng mata ko ang suot ko. Agad akong kinabahan. I'm wearing a shirt! Sino ang nagpalit nito?!

Nagtaas ang tingin ko kay Manang. ''Manang, sinong nagpalit ng damit ko?'' kabado kong tanong.

''Ako. Bakit, hija?''

Parang may bigat na nawala sa balikat ko. I thought Lionel changed my clothes! I almost got scared! Sapat na iyon para kumpirmahin na walang nangyari sa amin. Kung mangyari man iyon ay sigurado akong hindi ko na siya kakausapin! Nakakahiya!

Hindi ko na pinansin ni Manang at tumayo na. Agad akong napapikit dahil nandilim ang paningin ko. Probably because of too much alcohol I drank last night. Hindi ko na nabilang kung ilang shot iyon but I know its alot. Kaya nga nakahalik, e!

''Papasok po ako. I'm.. just going to eat, Manang. Pakilinis na lang po rito.''

Halos pikit mata akong bumaba. This has got to be the worse drinking session I did. Sobrang sama ng pakiramdam ko at parang hirap akong kumilos. Gusto hindi ko mang lumiban but I have no choice but to attend my classes later dahil delikado ang grades ko. My exam scores were low and I can't afford to miss my attendance. Malakas pa naman ang kutob kong mababa ang mga grado ko.

Although I'm already running late, I still have to try. Sa attendance na nga lang ako bumabawi.

Habang pababa ay parang gusto kong iumpog ang ulo ko. The fuck did you do, Lucy? Kiss your senior? Make out with him in a club? Ang tanga lang! Paano na ako haharap sa kanya ngayon? I'm sure it would be awkward at siguro rin akong uulanin ako ng asar galing kay Lionel. I need to avoid him!

Nang nasa huling hakbang na ako ay nakasalubong ko si Kuya Roman na may dala-dala na cup ng kape at pancake. Mukhang aakyat sa kanyang kwarto para roon mag breakfast.

Lay A Glance On Me 1 (Lost and Retained #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon