Kabanata 24

780 6 3
                                    

Kabanata 24

Batangas


''Congratulations, Falcons and to the whole Adamson Community!'' the university President yelled after his appreciation message to the athletes. ''To continue our celebration, I will formally announce that we will have no classes for a week! Again, congratulations to everyone!''

''Wooh! Oh my God!'' sigaw ko at pumalakpak habang tumatawa. ''Finally! This is heaven!'' 

Tumawa si Bea sa tabi ko. ''Heaven ngayon, pero after this month, ewan ko na lang!'' sigaw niya pabalik habang tumatalon dahil nag-simula nang magpatugtog ng mga kanta. Binabati niya rin iyong ibang dumadaan.

''Shh! Just enjoy the day! Ang nega mo!'' Humalakhak ako. Pinasadahan ko ng tingin ang buong quadrangle upang hanapin si Jarrell. He's with the basketball team because this bonfire is dedicated to their championship. Magkakasama silang bumababa ngayon ng stage.

Fortunately, sila ang nag-champion ngayong season ng UAAP. They were able to beat UP, iyong team ng tatay niya. Bukod kasi sa coach iyon sa PBA, head din daw ng athletics department ro'n. His father initially wanted him to play lousy because he wanted his team to win, but Jarrell disagreed. 

Sinong tatay na tanga ang uunahin ang sarili kaysa sa anak? I mean, in the field of sports, it should be done fairly! Hindi iyong mangdadaya para lang manalo!

There is no glory and honor in cheating. He should have known that!

That's why when Jarrell opposed, I was so happy because he was able to stand up for himself! Naaalala ko pa rin iyong sakit sa boses at mga mata niya noong nagku-kuwento siya sa akin. Ayoko nang makita iyon ulit. Ako ang nasasaktan para sa kaniya.

He was so brave and I'm so proud of him!

Nakangiti akong kumaway nang maglapat ang tingin namin. 

''I miss you,'' I mouthed. Kinindata ko siya at kumagat sa labi. Hinampas ako ni Bea at may tinuro. Hindi ko siya pinansin.

He laughed. He must have remembered what we did on MOA's locker room! Sa sobrang in the mood namin, doon na namin ginawa after his game! E', ang dami pa namang fans ang naghihintay sa kaniya no'n! I swear to God it was so thrilling!

Napatingin sa kaniya si Javier pero inirapan niya lang. Bukod kay Bea at Cyrille, wala ng ibang nakakaalam sa relasyon namin.

''Let's go!'' Hinatak ako ni Bea kaya't nalipat ang tingin ko sa kaniya. Papalapit na kami sa gitna. Nakapalibot na ang mga estudyante at unti-unti nang pinapaliyab ang bonfire. 

Everyone was so loud and cheerful! May mga drummers din sa gilid at tumutugtog ng mga cheer ng university.

''Unawakanahimo! Unawakahima!'' sigaw ng lahat.

Sayang at wala si Lia rito! Siguro'y matutuwa rin siya kung sakali. Katatapos lang kasi ng finals ngayon kaya sigurado akong tumutulong 'yon kay Tita sa salon. Yayayain ko na lang siyang lumabas minsan.

''After nito, kain tayo. May pupuntahan ka ba?'' wika ni Bea habang nagre-record ng instagram story. 

Umiling ako. ''Wala naman. Hindi kami magkikita ni Jarrell after kasi may celebration 'yung team, e.''

Nilabas ko ang phone ko at nag-record na rin. He told me that they have an outing in Batangas later tonight at tatlong araw sila ro'n. I guess I have to spend my time doing other things. Ilang araw rin kaming hindi magkikita. Maybe I'll just paint? 

''Sus! 'Yan din sinabi mo last time.'' Tumawa siya. ''Tapos anong sunod na nangyare? Ayon! Pumunta ka kay Jarrell!'' Umirap siya.

Humalakhak ako. Kasalanan ko bang gusto ko siyang i-comfort?!

Lay A Glance On Me 1 (Lost and Retained #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon