Kabanata 18

704 8 11
                                    

R18. Read at your own risk!

--

Kabanata 18

Intimate


''Ouch!'' I winced after I tried to touch the hot stock pot. Kanina pa ako paulit-ulit na napapaso at namumula na ang mga daliri ko dahil sinusubukan kong magluto ng sinigang dahil favorite 'yon ni Jarrell.

Pangalawang araw ko na 'to at katulad noong sa una ay 'di ko pa rin alam kung paano ba gawin 'tong lintek na sinigang na 'to. I thought I just have to put the ingredients all together but it isn't easy as what I expected!

Bakit kasi ang hirap mag luto?!

''Hindi pa luto ang baboy, Lucia. Mamaya mo na ulit tignan. Ayan, napaso ka tuloy,'' ani Manang at linagyan muna ng takip ang kaldero. ''25 to 30 minutes 'yan bago lumambot. Nakaka-tatlong minuto ka pa lang.'' Humalakhak siya.

Manang is guiding me how do it. Dapat ay kare-kare ang susubukan ko but she told me that it is too hard for a beginner kaya't sinigang na lang daw muna para mas madali. Nandito kami sa kusina at kasalukuyang nakakalat ang mga ingredients ng sinigang sa mesa. I don't know how to start cooking alone that's why I had to call her.

I sighed heavily. ''Bakit ang tagal, Manang?'' Ngumiwi ako at sumandal sa sink. ''Ang sakit na ng mga daliri ko.. Pinagtatawanan mo na nga ako, e. Wala bang mas madaling paraan?'' Humalukipkip ako at ngumuso.

Muli siyang humalakhak. ''Hindi ka matututong mag luto kung hindi ka masasaktan, hija.'' Inabutan niya 'ko ng tubig at pamunas. Pinagpapawisan na kasi ako. ''Ganyan talaga sa simula. Bakit ba gustong-gusto mong matuto mag-luto? May pinaghahandaan ka ba?''

Humarap ako sa kanya at aktibong binigay ang atensyon. Speaking of preparing.. Magugustuhan kaya agad ni Jarrell ang luto ko kapag binigyan ko na siya? Shall I make him a lunch box? 

''Manang.. nasubukan mo na bang maipagluto ang ibang tao bukod sa 'min? I mean, that's your job here..'' I had a hard time explaining. ''But.. you cook for other people that are, uhm, special for you, too, right? Have you tried that? How's the feeling? Anong reaction nila?'' sunod-sunod kong tanong.

Lumapit siya sa 'kin at kuryosong tumingin. ''Dalaga ka na talaga, hija. Parang kailan lang.'' Bumuntong hininga siya at hinaplos ang buhok ko bago ngumiti. ''Para ba 'yan sa natitipuhan mo?''

I nodded. ''Yes, Manang.. But keep it as a secret for the meantime, ha? I don't want Daddy and my Kuyas to know it yet.''

Tumango siya. ''Hindi ko pa 'yan nasusubukan.. Alam mo namang wala akong pamilya. Pero kung sakaling ibigay mo 'to sa natitipuhan mo, kahit hindi pa 'yan masarap, papahalagahan niya iyan.''

I pouted. I don't know if Jarrell would like this but I certainly made sure that I made efforts in order to know how to cook. Kahit magluto ng itlog ay hindi ko alam dati pero para sa kanya, sinubukan ko. 

Nang magising ako kinabukasan ay agad akong nagluto ulit ng sinigang but this time, we no help from Manang. I figured out that I won't really learn unless I would do it myself kaya't maaga pa lang ay bumangon na 'ko para mag simula. Sinigurado ko na kumpleto ang rekados at sakto ang oras ko sa paglagay ng baboy sa kaldero.

''You're cooking?'' Kuya Ismael asked when he went to the kitchen. Mukhang bagong gising pa siya dahil kinukusot pa ang mga mata. Magulo rin ang kanyang buhok. He's only wearing his boxers and sando.

Ngumiwi ako bago tumango habang hinahalo ang sabaw. Lumapit siya sa 'kin at tinignan ang niluluto ko.

''Sinigang ulit?'' He frowned. ''Tatlong araw nang sinigang ang ulam..'' 

Lay A Glance On Me 1 (Lost and Retained #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon