Kabanata 10
Smirk
''Ano? Pupunta ka ba sa Christmas party?'' tanong ni Cyrille pagkatapos naming panood ng practice game ng team.
Sandali akong natahimik habang sabay kaming naglalakad palabas. Hindi ko alam kung pupunta ba ako o hindi.
Weeks.. and months passed since that day when Lionel confessed to me. At simula ng araw na iyon, hindi na kami ulit nag-usap.
There were instances when I had bumped into him in the hallway or canteen. Kahit gusto ko mang kausapin siya o kahit kumustahin man lang, parang automatic na nagsasara ang bibig ko at pinipiling manahimik na lang. I saw several times how he looked like he wanted to talk to me, too, pero katulad ko, tila nanahimik na lang siya.
I'm not gonna lie. I miss his presence. Iyong magaan lang at nakakatuwa. Natural akong natatawa tuwing nandyan siya, e. Even though he's annoying, I won't lie with the fact that I'm really comfortable around him. Kaso lang.. parang agad din nawala.
Kaya ngayon, I don't know if I'm going to attend the Christmas party or not. Sigurado akong pupunta siya roon dahil siya ang vice president kaya't malaki ang posibilidad na makita ko siya. Sa susunod na linggo pa naman iyon kaso may babayaran na fee para sa ihahanda ng organization. Kaya kailangang habang maaga pa e makapagbayad na.
Mahigpit kong hinawakan ang shoulder bag ko. Madilim na ang paligid dahil gabi na. It is almost seven at wala na masyadong tao sa university.
''Alam mo, Lucy, pwede ka namang huwag muna mag decide pero bayaran mo yung fee. Four hundred lang naman 'yon. Para kung sakaling magbago man ang decision mo at naisipan mong sumama, makakapunta ka pa rin.''
Ngumuso ako. She knew that I'm having troubles with deciding. Gusto ko naman talagang pumunta. Hindi na kasi kami masyadong nakakapag-usap ni Liana kaya gusto ko sanang gawing opportunity iyon. Kaya palaging sina Bea at Cyrille ang kasama ko.
Liana and I are both busy. Sila na kasi ni Toran. Aba ang gaga, binigla na lang ako na sila na pala!
I thought they weren't in good terms pero bigla na lang silang dalawa pumasok at magka holding hands na! I was fooled! Ha! Another dumb bitch moment for me!
''Kailan ulit iyon? Pupunta ako,'' sagot ko.
Nalagpasan na namin ang simbahan at nasa walkway na kami. I suddenly remember when Lionel fooled me here. Tapos noong sinamahan niya akong maghintay kay Kuya Ismael dahil gabi na at delikado.
I wonder what we would be now if he didn't confess? O 'di kaya ay normal ko pa rin siyang kinausap kahit umamin siya? O kung.. hindi rin siya umiwas? He told me that he wished for our relationship to not change but.. he avoided me. Bakit siya umiwas?
''December 3. A week from now! Ano? Pupunta ka? Akala ko ba e ayaw mo?''
I sighed. Birthday ko bago ang araw na iyon. It would be a fun day naman, right? Saka.. dinner lang naman ang pinaplano ni Daddy kaya mas maganda na ring may pagkaabalahan ako kinabukasan.
''Gusto ko na pala. Tabi na lang tayo nina Liana, ha? Gusto ko ring mag enjoy, 'no!''
''Kung ako kasi sa 'yo, hindi ko iiwasan si Lionel. Halik lang naman 'yon! Sus! Saka ikaw pa ba ang magrereklamo? He's a god like! Baka magpasalamat pa ako kung ako 'yon!''
Umirap ako. Hindi nga pala niya alam. Akala niya, iniiwasan ko lang dahil do'n sa halik. 'Di niya alam e may aminan pang nangyari.
Isa pa, it doesn't work like that. Hindi naman porke gwapo yung lalaki e may free pass na sila sa kung anong gusto nilang gawin. Saka sa case namin, ako naman yung unang humalik kaya nasa akin ang problema.
BINABASA MO ANG
Lay A Glance On Me 1 (Lost and Retained #2)
General FictionElegancia Lucia is the only girl in the family. Namatay ang kanyang ina pagkatapos siyang ipanganak. Dahil doon, lahat ay binigay sa kanya ng ama at mga kapatid para punan ang espasyong hindi na mapupunan ng ina. She had all of the things she wante...