Kabanata 13

664 9 2
                                    

Kabanata 13

Third


''Magtatagal ba kayo riyan?'' tanong ni Liana habang nakikita ko siya sa screen na umiinom ng kape.

Bakasyon na ngayon at napagdesisyonan nina Daddy na lumipad kaming tatlo papunta rito sa California dahil titignan niya ang bahay na binili niya. Kuya Roman isn't with us because he's busy with school, kahit na ilang beses siyang pinilit ni Daddy na sumama ay wala pa ring nagpa-oo sa kanya. Kaya ngayon, kaming tatlo lang ang nadito. Wala si Daddy ngayon dahil kinita ang batchmates niyang dito nag migrate habang si Kuya naman ay nasa kwarto pa rin niya, natutulog.

Pangatlong araw na namin at binabalak lang naming magtagal ng isang linggo. Enrollment na ulit next week at hindi ako pwedeng mahuli dahil ayokong mawala sa block namin. Kapag nawala ako ro'n, edi hindi ko makakasama sina Liana at Cyrille. Ayoko makisalamuha sa ibang ka-course ko dahil masyadong matatalino, 'di ko keri makipag-usap. I'd probably be a loner and I don't want that to happen!

''Hindi. One week lang kami rito, ayaw magtagal ni Daddy e,'' I hugged my pillow. ''Anong gusto mong pasalubong? Para mabilhan kita!''

''Umuwi ka lang na safe rito sa Pilipinas, okay na 'ko.''

I scoffed. Kahit kailan talaga, sweet si Liana. Kahit na minsan ay nahihirapan siyang ipakita yung nararamdaman niya. Kita ko 'yon dahil madalas ay nananahimik na lang siya kaysa magsalita. Matagal na kaming mag kaibigan kaya alam na alam ko kung kailan siya komportable, iritable, o kung ano.

Ang hindi ko pa nakikita sa kanya ay kung paano siya mag selos. Lintek, Toran, kilos naman!

After that call, I spent my remaining days roaming around California. Masaya dahil bago sa akin ang klima. Medyo malamig pero dahil palapit na ang summer, may mga oras na mainit ang panahon. Pero hindi naman kasing init katulad sa Pinas. 

Sinubukan namin nina Daddy iyong sikat na burger store rito na in&out. We took several photos together with Kuya Ismael and had it printed. Nakita kong nilagay ni Daddy sa wallet niya ang picture naming tatlo nang matapos. 

Nag shopping din kami para pasalubong sa mga kasambahay, kay Kuya Roman, at kay Liana. Nang natapos ay nag empake na kami para makabalik na sa Pinas.

Vacation went smoothly. Kahit na busy ako dahil sa bakasyon, hindi ko pa rin kinalimutang magparamdam kay Jarrell. Hindi ko naman 'yon ina-araw-araw dahil baka ang dating sa kanya e nakakairita na 'ko. Ayoko namang mangyari 'yon. I made sure that I got to message him every week. Kahit simpleng 'hi' lang para maramdaman niyang may Lucy pa rin.

Pinapansin niya naman ako, e. Katulad na lang nung birthday ko last year. He greeted me! Bago 'yon sa 'kin dahil hindi naman siya nagrereply talaga, madalas hindi niya binabasa o 'di kaya ay sini-seen lang ang messages ko. Kahit pa na munting interaksyon lang 'yon, masaya pa rin ako.

Idagdag pa sa pagpansin niya ay ang makailang beses niyang pagngiti sa 'kin sa mga araw na nanood ako ng mga laro niya. Unfortunately, nalaglag sila nang nag semifinals na kaya't wala na 'kong paraan para makapagpansin ulit.

Kaya ngayon na bago na ang school year, sisiguraduhin kong mas maglalapit kami. Last year niya na rito sa Adamson, graduate na siya kasabay nina Lionel at Toran pero dahil basketball player siya, may isang year pa siyang pwedeng gamitin. 'Yun kasi ang rule sa UAAP, nasa player na lang talaga kung gagamitin ba o hindi.

Nang makauwi kami sa Pilipinas ay agad 'kong inasikaso ang mga papeles ko para makapag enroll. Unlike the other days, simpleng itim na fitted jeans at v-neck shirt lang ang suot ko nang pumunta sa university. Nakapusod lang din ang buhok ko dahil mainit, summer pa naman.

Lay A Glance On Me 1 (Lost and Retained #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon