Kabanata 3
Tanner
That night ended with me and my blockmates getting drunk. Pumunta pa kasi kami sa isang bar sa BGC para doon mag-inom. Hindi sumama si Liana dahil hindi naman iyon mahilig sa ganito.
My head is aching terribly. Ilang buwan na rin pala akong hindi nakatikim ng alak kaya't parang nanibago ang sistema ko. We had a lot of bottles of cuervo and it is making me vomit every now and then! Bwisit!
''You look like shit,'' narinig kong sabi ng kung sino.
I turned my head and saw Kuya Roman. Mukhang bagong gising din at tanging itim na shirt at boxers lang ang suot. He sat on the dining table and ate a peace of bread habang ako ay nilalantakan ang tubig dahil dehydrated ata ako. Naka pajama lang ako at walang lakas kumilos. Must be the alcohol speaking.
Tumingin ako sa labas at napansin kung gaano na kainit sa labas. It's probably eight or nine in the morning that's why the sun is in its hottest form.
''I know. Where's Daddy?'' garalgal ang tono ko.
Hinawakan ko ang noo ko at pinakiramdaman kung may lagnat ako habang naglalakad papunta sa mesa. Thank the Heavens at hindi naman mainit albeit my head is still slightly spinning at parang kumukulo ang sikmura ko.
''Firm. Uminom ka ba?''
Kumuha ako ng bacon at itlog at nilagay sa plato ko. I'd probably vomit this later but I don't care. Nagugutom na ako.
''Yeah.. May event kasi sa school kagabi. Nagkayayaan,'' nagkibitbalikat ako at sinubo na ang bacon.
''Lagot ka kay Daddy,'' aniya at tinignan ako.
I can't see any emotions on him. Para siyang robot na nagsasalita at systematic kung gumawa. Ganito ba nagagawa ng law school? Mas mukha siyang shit kesa sa akin.
''Susumbong mo 'ko?'' nagtaas ako ng kilay.
''Hindi. Laki-laki mo na para ibabysit. Lagot ka lang kasi hindi ka pumasok, 'di ba?''
My lips twisted. ''Hindi nga. I'm too tired. Isang beses lang naman, 'di ako babagsak dahil sa isang absent, ano.''
Umiling-iling siya. I heard him sighed heavily. ''Pakisabi kay Manang pakihanda ako ng sandwhich maya-maya. Magd-digest pa ako,'' aniya at tumayo na may dala-dalawang plato. Its full of bacon and two eggs. Mauubusan ba siya?
Ako pa inutusan. Where is Kuya Ismael, anyway? Dapat siya ang kinakausap ni Kuya Roman, e. I rolled my eyes.
Nagpatuloy na lang ako sa pagkain. Uminom na rin ako ng energy drink dahil pakiramdam ko e magkakasakit pa ako. I can't afford another absent. Malapit na ang prelims. And I have to watch Jarrell's practice games, too.
After eating, I went to my room to rest. Nag upload na lang ako ng pictures from last night and of course, turned my photo with Jarrell as my wallpaper! Tinanong ko rin ang ibang kaklase kung may ginawa ba sa school.
Hours after, I felt okay. Nawala na ang sakit ng ulo at pagod ng katawan ko. Natulog ako kaninang hapon pagkatapos istalk ang account ni Jarrell. Wala namang bago roon kaya pinatay ko na lang ang phone ko. I slept early to fully take a rest.
Kinaumagahan ay maayos na maayos na ang pakiramdam ko. I wore my uniform and ties my hair into a low bun. Mas nadepina noon ang medyo mahaba kong legs kahit hindi naman katangkaran. I put a little blush on to put colors and life in my face.
''Ihahatid ka ni Kuya Ismael mo,'' bungad sa akin ni Daddy pagkababa ko.
He's seating on the beige colored sofa near the stairs. May hawak-hawak siyang newspaper at may suot na salamin habang nagbabasa. Pormal din ang suot habang nakadekwatro ang legs.
BINABASA MO ANG
Lay A Glance On Me 1 (Lost and Retained #2)
Fiction généraleElegancia Lucia is the only girl in the family. Namatay ang kanyang ina pagkatapos siyang ipanganak. Dahil doon, lahat ay binigay sa kanya ng ama at mga kapatid para punan ang espasyong hindi na mapupunan ng ina. She had all of the things she wante...