Kabanata 9

678 10 8
                                    

Kabanata 9

Feeling Well

''Here are your two slices of red velvet cheesecake and two iced coffee large, Ma'am. Thank you!'' the cashier handed me a brown paper bag with my orders in it.

Agad-agad kong kinuha iyon at tumalikod. Ramdam ko pa rin ang ngisi ni Lionel at ang pamumula ng pisngi ko. If I only knew that I would see him here, sana ay hindi na lang ako rito bumili ng kape! 

How can he not be affected of the kiss? Bakit parang wala lang sa kanya? All along I thought that it would be awkward for the both of us. Lalo na't alam naming dalawa na hindi lang simpleng halik iyon. Ako lang pala ang masyadong apektado!

We kissed.. too much! Alam kong parehas kaming nadala roon kaya bakit parang normal lang sa kanya ang nangyari? I can clearly still feel his lips on mine!

Oh baka dahil masyado ko lang iniisip? Am I thinking about it too much? We are both consenting adults and.. maybe it's natural? Masyado ko lang bang ino-overthink?

Bago ko pa buksan ang pinto ng Tim Hortons para makalabas ngunit may nagbukas na noon para makapasok kaya napaatras ako. I raised my head so I could look at who opened it with my forehead creased. Paano kung matapon 'tong dala kong kape?! Edi mas magtatagal ako rito!

I was about to lash out when my jaw dropped. Jarrell's infront of me! He's here! 

Ang kamay niya ay nakapasok sa bulsa ng gray na jacket. Mukhang kagigising lang at mukha pang inaantok.

Oh my ghod.. Should I say hi? Ngingiti ba ako? Hindi ko alam! Bigla kong nakalimutan ang nangyari kagabi at ang sakit ng ulo ko. I even forgot about Lionel's presence! All I know is I want to talk to him!

''H-hi..'' I greeted.

Halos mamangha ako na nasa harap ko ulit siya. Unlike yesterday, my view of him is clearer now. Malayo sa umaalon kong tingin kagabi dahil sa kalasingan. Ang kulot niyang buhok ay hindi ko makita dahil sa hood ng suot niya. His eyelashes are long, tila ginawa ng Diyos para pagmukhang nagsusumamo ang mga mata.  His eyebrows were thick. Hindi masyadong malinis dahil makapal. His thin lips are curved perfectly, too.

His brow furrowed. ''Nandito ka rin?'' he asked, looking so sleepy.

I nodded quickly. ''Yup! Hindi ka ba nalasing kagabi?'' I laughed awkwardly. Bigla kong naalala iyong nakita ko sa kanilang dalawa ni Nicka. 

''A little.'' he pursed his lips. Tumingin-tingin siya sa paligid bago binalik ang tingin sa akin. ''Dadaan ka ba?''

I bit my lips. I wanna prolong our conversation. Minsan ko lang siyang makaharap ng ganito. And he remembered me from last night! I know I'm kind of annoying whenever I watch his games and I probably got his attention because of that but nothing's better than seeing him here in front of me! Clear and true! 'Di bali nang nainis siya sa akin sa paraang ganoon basta't mapansin lang ako! At kaharap ko pa siya ngayon!

''Uhh.. Do you want to seat first so we ca-''

Before I can finish my sentence, I felt a grip on my hand. Kunot noo kong tinaas ang tingin ko at naabutan si Lionel na seryosong nakatingin sa akin.

''What are you doing here?'' I mouthed with emphasis. Pinanlakihan ko rin siya ng mata dahil bakit ba siya sumisingit dito? Don't tell me he'll ruin this time! Maiinis talaga ako sa kanya!

This is by far my most decent encounter with Jarrell. Kung pwede kong kunin ito bilang oportunidad para maaya manlang siya kahit para magkape at makausap ko siya, then, I'll grab it! I don't need anyone to ruin it!

Lionel smirked. ''I told you to wait for me. Bakit mo ako tinakasan?'' malambing na tono ang gamit niya. 

Pagkatapos niyang sabihin iyon ay umakbay siya sa akin at kitang-kita ko ang tingin ni Jarrell.

Lay A Glance On Me 1 (Lost and Retained #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon