Kabanata 7

770 20 6
                                    

Kabanata 7

To erase


I quickly stood up after our professor dismissed the class. Kailangan ko pang umuwi dahil magbibihis pa ako. I can't just go to the club with me wearing a uniform. I'll probably look dumb or something. Syempre ay club iyon at dapat maayos ang suot!

Pinasadahan ko ng tingin ang klase at nakitang nagliligpit na rin ng gamit sina Cyrille at Stephan. Sa club na kami mismo magkikita at mauuna na sila roon. Wala ngayon ang ilan dahil pumunta sa tree planting event at nandoon ang kaibigan kong si Liana. Kasama rin ata niya ang iba sa org.

Lumapit sina Cy sa akin at sandali kaming nag-usap at napagkasunduan na itext ko na lamang sila kung papunta na kami.

After that, I went out. Dumiretso ako sa tapat ng department ng course namin. I'll be going with Lionel at pupunta siya sa bahay para makilala ni Daddy o ni Kuya Ismael.

Pagkatapos namin mag-usap kagabi, halos hindi ako makatulog dahil sa tuwa. I don't know if it is because he agreed to be with me or because I'll be seeing Jarrell again. But I'm sure it is because of the second choice. Dahil kay Jarrell. Para kanino pa't nagpaalam ako para makapunta, right?

I knocked on the department's door. May ibang studyateng tumitingin sa akin dahil nasa tapat ako ng department. Inirapan ko na lang bilang sukli. Mamaya ay kung ano pang iniisip ng mga iyon. I don't want to entertain!

Ilang beses pa akong kumatok bago nabuksan iyon.

My eyes automatically rolled with the sight of Lionel in front of me; smiling while his left earring shined because of the sun's reflection. 

''Kanina pa ako kumakatok tapos ngayon mo lang binuksan?'' pumamewang ako.

He laughed. Nilawakan niya ang pagbukas ng pinto, signaling for me to enter the department's room.

Nakasuot siya ng itim na polo na hapit sa katawan niya. He really looks like a bad boy but I guess that fits his image. Kung hindi siguro si Jarrell ang gusto ko ay nalaglag na ang panga ko sa adorasyon kay Lionel.

''Pumasok ka muna bago ka mag sermon,'' tumalikod siya sa akin at tinungo ang table. 

''What? Are we going to stay here? Baka mahuli pa tayo, Lionel! I still have to change!'' I hissed.

I heard his chuckle while he's getting something from the table's cabinet. Sinubukan kong tignan kung ano iyon ngunit hindi ko makita.

Ano ba naman 'tong kalbo na 'to! Kailangan ko pang mag make up at magpalit ng damit. Bukod do'n, kakausapin niya pa ang kung sinong nasa bahay. Baka mahuli kami!

He stood up. May hawak na siyang tumbler. ''Papasok ka o ako ang hihigit sa 'yo papunta rito, Lucy. You choose,'' may pagkapilyo ang tono no'n.

My cheeks heated. Of course I don't want that! Mamaya ay ma-issue pa kami!

Padabog akong pumasok ako sa loob at bumungad ang maliwanag na kwarto. This room is familiar to me dahil nakapunta na kami rito ni Liana para sa schedule namin. Ang kaibahan, si Toran ang naabutan namin noon. 

I sat on the sofa in front of the table. Sa harap ko ay ang dingding na may kung sino-sinong political scientist at philosophers. Agad akong ngumiwi dahil wala naman akong hilig do'n.

I looked at Lionel and saw him drinking on his tumbler. Kita ko ang pagbaba ng adams apple niya sa bawat lagok ng inumin. Kasabay no'n ang pagtingin niya sa akin. Napalunok din tuloy ako.

''What?'' his eyebrow raised.

Ngumiwi ako. ''Huwag mo akong mawhat diyan ha! What are we going to do here? Kapag tayo ay na-late, ikaw talaga ang sisisihin ko!''

Lay A Glance On Me 1 (Lost and Retained #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon