Kabanata 28

935 12 15
                                    

Kabanata 28


''Kanina pa 'yan nasa labas, ah? Hindi mo pa rin ba kakausapin, Lucy?'' tanong ni Bea matapos niyang sumipsip sa milk tea'ng binigay ni Jarrell. Binili na ata niya ang Coco sa dami ng pinadala niya rito, e.  Miski sa bahay, sabi ni Kuya, nagpadala 'yon ng sandamakmak na milktea.

Kaya tuloy 'tong blockmates ko, hindi magkandaugaga sa kaiinom. Nakakainis tuloy dahil nalaman nila na galing 'yon kay Jarrell at dapat ay para sa 'kin. I don't want them to know what Jarrell and I had. But I guess because of his appearance here, they somehow has a clue.

Palagi siyang nakabuntot sa 'kin. Tuwing lalabas na ako ng room, tatayo agad siya at susunod sa akin. Minsan, sumusubok na makausap ako pero dahil hindi ko nga siya pinapansin, nananahimik na lang. He's always texting me, too. And he uploaded a photo of me on his IG account! 

'Yon ay noong nag-museum kaming dalawa. I didn't know that he took a photo of me. I was facing the paintings kaya't hindi kita ang mukha ko. Tanging ang silk dress, likod, at ang mahaba kong buhok.

It shocked me because it was him who chose not to publicize our relationship. He wanted to keep it private! Kaya nang nag-post siya, ikinagulat ko nang sobra.

''Oo nga, Lucy! Pansinin mo na. Kawawa naman, o','' sabat noong isa kong blockmate at tinuro si Jarrell na nakatingin sa akin, nakapamulsa sa grey niyang nike sweat pants. Naka-purple naman siyang shirt, 'yong sa Lakers. Umirap ako. Ayoko siyang makita. ''Simula ata nang nagsimula ang klase, nandito na 'yan, e.''

''Kaya nga! Ang arte mo, ha?'' sabat pa ng isa matapos akong hampasin. ''Last week pa 'yan nandito. Nagtataka nga kami kasi graduate na 'yan saka hindi naman siya bumibisita rito dati, e. Kami pa ang pumupunta sa gym para lang makasilay. Tapos 'yon naman pala, ikaw ang tipo at ang pakay!''

Padabog kong sinara ang libro ko na ikinagulat nila. Bukod sa hindi ko maintindihan ang binabasa ko, hindi rin ako makapag-focus dahil sa ingay nitong mga nakapalibot sa 'kin!

''Hindi pa ba enough 'yang milktea at talagang lumapit pa kayo rito para maki-chismis?'' singhal ko. Gusto ko lang naman mag-aral! ''Bumalik na nga kayo sa mga upuan ninyo. Wala kayong makukuha sa 'kin.''

Muli kong binuksan ang libro at sinubukang magbasa pero katulad noong una, wala talaga akong maintindihan. Nakaka-frustrate. Gusto ko ring maging magaling sa academics pero hindi ko magawa. Suddenly, I want to graduate with a latin honor, too. Pero mukhang mas malabo pa 'yon kaysa sa sebo.

''Boyfriend mo ba 'yan? Si Jarrell Pessumal?'' usisa noong isa kong blockmate. 

''Hindi!'' agad kong sagot. ''Hindi siya pasok sa standards ko.''

''Mamatay ka man, 'te?'' Bea butted in.

They laughed, still a bit surprised because of my answer. Alam ko namang hindi sila naniniwala, e. Nakita nga nila 'yong banner na ginawa ko noon. Alam nila kung gaano ako kapatay na patay sa kan'ya.

Dati.

Dati 'yon.

Buti na lang at dumating na ang professor kaya't nagsibalikan na sila sa kanya-kanya nilang upuan. Nakakapagod din pakinggan ang walang kwenta nilang mga tanong.

Nang natapos, agad akong lumabas. Breaktime na at napagkasunduan namin ni Bea na sa labas na lang ng school mag-lunch. Nagsasawa na rin kasi kami sa pagkain dito. Besides, sasama raw si Cy. May sasabihin daw sa akin. After months of ignoring me, she'll finally talk again. Hindi na rin kasi kami nakakapag-usap dahil nasa kabilang block na siya. Buti na lang at nag-initiate siya.

When I went out of the room, I caught Jarrell slouching. But when he saw me, he stood up straight then swallowed hard. Agad akong umiwas ng tingin. I suddenly remember our little happy moments in his condo. Parang kumirot tuloy ang puso ko.

Lay A Glance On Me 1 (Lost and Retained #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon