Kabanata 27

882 12 7
                                    

Kabanata 27


Muli kong siniksik ang aking mukha sa unan nang muling kumatok si Kuya Ismael sa pintuan ng kwarto ko. I don't want to go out yet. Dito muna ako. Habang hindi ko pa napoproseso lahat, dito muna ako mag-isa.

Mahirap tanggapin ang pag-ibig na hindi sinuklian. Ano pa kung itanggi ka ng iniibig mo? 

The pain is unbearable. Ilang linggo na akong hindi nakakakain. Ilang linggo na rin akong hindi lumalabas ng kwarto dahil hindi pa rin ako tumitigil sa kaiiyak.

Ayokong makita nila kung gaano ako kamiserable. Ayokong makita nila kung gaano ako kahina. I know.. I know they would be really, really mad once they see me miserable and almost not the same Lucy they knew. 

At bukod sa lahat, ayokong malaman nila na si Jarrell ang may kagagawan nito. I don't want his image tainted on my family. Kahit na sobra ang dinulot niyang sakit sa akin, ayoko pa ring madumihan ang imahe niya sa pamilya ko.

''Kuya, I don't want to go out,'' I shouted. Pinigilan kong humikbi upang hindi niya malaman na umiiyak ako. The pain on my chest hasn't left me since that day. Kahit gusto ko mang makalimutan, hindi ko magawa. Para na 'yong tattoo sa isipan ko.

Naninikip ang dibdib ko tuwing iniisip ang mga bagay na mayroon si Ely na wala ako. Simula noong nalaman kong ex siya ni Jarrell, hindi ko maiwasang hindi ikumpara ang sarili ko sa kan'ya. I even searched her name on social media.

She's an advocate of environmental protection. Graduated as a cum laude of her class, now taking up masteral on one of the top universities here in Philippines. Bukod do'n ay isa rin s'yang signed model sa isang kilalang modeling agency.

Kaya.. anong laban ko sa kan'ya? My grades are terribly low and I almost failed to proceed on my next semester. I have no clear direction in my life. Kinailangan ko pa ng tulong ni Jarrell para malaman kung ano ba ang mga gusto kong gawin. Unlike her, I always needed people to guide me. I am always dependent either on my friends or my family.. or even to Jarrell.. very much unlikely of her who is extremely independent and mature.

Napalunok ako, muling pinipigilan ang sariling umiyak. My insecurities are eating me up. Inggit na inggit ako sa kan'ya. Gustong-gusto kong maging katulad niya. 

Kaya hindi na rin ako nagtataka kung bakit hindi ako kayang mahalin ni Jarrell dahil wala pa ako sa kalingkingan ng ex niya. I am no one for him. I am no match.

''Lucy, malapit nang mag-New Year. Don't tell me you're planning not to go out even on this day?'' he said with frustration dripping on his voice. ''Besides, nandito na naman 'tong anak ni Pessumal. Lintek. Ilang linggo na 'to, ah? Manliligaw mo ba 'to?''

Napalunok ako at napilitang tumayo. Tuwing nandito siya, wala akong choice kung hindi ang labasin si Kuya Ismael at magdahilan. Alam kong nagtataka na siya pero mananatiling tikom ang bibig ko. If he wants to conclude that Jarrell is my suitor, then so be it. Basta huwag niya lang malaman na ex ko na siya.

Kinuha ko ang nakasabit na sunglasses ko at sinuot 'yon. Mugto ang mata ko at hindi ito ang tamang oras para mapansin 'yon ni Kuya.

''Sabihin mo nasa California ako,'' sagot ko nang binuksan ko ang pintuan. Agad kong tinagilid ang mukha para hindi niya rin mapansin ang pamumula ko. ''Sabihin mo nagbakasyon ako, please, Kuya?''

Nanliit ang mga mata niya at tinitigan ako na tila ino-obserbahan ang ekspresyon ko. Nag-iwas ako ng tingin. May namumuo na namang luha sa mga mata ko. Nararamdaman ko na naman 'yung sakit.

''Bakit may suot ka na namang salamin? Hindi naman summer?'' Kumunot ang noo niya at sinubukang tanggalin 'yon pero agad akong umatras.

''Kuya..'' I'm loss for words. ''Paki-sabi sa kan'ya, umalis ako. Huwag mong sabihin na nandito ako, okay? Ayoko siyang makita..''

Lay A Glance On Me 1 (Lost and Retained #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon