R-18.
---
Kabanata 22
Comfort
''Seriously?!'' eksaheradang wika ni Bea nang matapos kong gawin ang banner para sa game mamaya nina Jarrell.
Agresibo akong tumawa at saka binaba ang glue matapos kong idikit ang huling letra sa cartolina. I had no time to do this because I finished my papers due last week. Kinailangan kong maghabol dahil natanggap ko na ang grades ko ngayong term. It was disappointing to see my almost-failed grades and hear terrible words from my professors! Halos takpan ko na nga ang tenga ko nang pinatawag ako ng Dean ngunit alam ko naman ang pagkukulang ko kaya't nakinig na lamang ako at ginawa ko na ang mga kailangan.
I don't know if it's because I'm too busy with Jarrell o sadyang tamad lang ako. I spent most of my time with him for the past week, and there are days wherein I forget to do my tasks because we are together.. unless I intentionally chooses not to do it.
Katulad na lamang noong nagbati kami, I spent the whole night with him doing the deed. At nakalimutan kong may paper pala akong due nang mag-Lunes. Kinailangan ko pang hingin ang tulong ni Liana para matapos ko iyon dahil siya ang pinaka-matalino sa buong batch namin at favorite niya ang subject na 'yon. Thankfully, I was able to pass it.
Kaya ngayon ko lang nagawa 'tong banner. Iniisip ko pa lang ang maaaring maging reaksyon ni Jarrell ay natatawa na 'ko. This would be surely embarassing pero bahala na! He made an effort to give me a ticket kaya gagawa rin ako.
''Why? What's wrong?'' I laughed after I stood up. Pinagpag ko ang kamay ko. We need to go to Araneta now because we might end up getting late. 4PM ang simula ng game dahil may na unang universities na nag-laro.
''Nakakahiya, Lucy! Ano ka ba! Baka may makakita pa niyan at mapatawag ka pa sa OSA!'' aniya, nahihiya habang tinatanguan ang mga dumadaan at napapatingin sa ginawa kong banner.
''May violation ba 'to?''
''Siguro?'' hindi niya siguradong sagot.
''Hindi ka pala sure, e.'' Umirap ako at tinupi na ang banner. Sinabit ko na rin ang shoulder bag ko upang maghanda na sa pag-alis. Nasa gateway lang naman kami kaya puwedeng lakarin lang ang Araneta.
Nang makarating kami sa venue ay halos wala ng tao sa labas, siguro'y nasa loob na dahil naririnig ko na ang malalakas na hampas sa drum. Inabot ko ang bigay ni Jarrell na ticket sa naga-assist at pumasok na sa loob habang nagbubunganga pa rin si Bea.
'''Wag mo na kasing gamitin 'yan, Lucy! May kilala ako sa sports department, may hinanda silang banners. Puwede kitang mahingi!'' pagkumbinsi niya.
''Ayos na nga 'to! Ano ka ba?!'' Ngumiwi ako. ''Ayoko nang may kaparehas! Gusto kong naiiba ang sa 'kin! Saka.. wala namang masama sa nakasulat, ah?''
Kumamot siya sa kanyang ulo. ''Ang bastos kaya!''
''Bastos kung nakahubad.'' Bumelat ako. ''Kahit anong pilit mo, hindi na magbabago ang isip ko. Tara na nga!''
Halos sumabog ang puso ko nang salubungin kami ng nakakabinging tambol mula sa drummers na nasa pinaka-itaas ng Araneta. Everything and everyone is so lively and it shows with the loud noises from fans! Punong-puno ang buong venue at hindi na rin nakakapagtaka dahil magkatabi sa standing ang dalawang universities.
Adamson Soaring Falcons as the 2nd and syempre, 1st ang Ateneo Blue Eagles. Malakas naman kasi talaga ang team nila lalo na't husto ang suporta sa basketball team nila. I'm sure naman na kaya nina Jarrell na talunin ang mga 'yon. I have seen them play! Lalo na si Jarrell!
BINABASA MO ANG
Lay A Glance On Me 1 (Lost and Retained #2)
Fiksi UmumElegancia Lucia is the only girl in the family. Namatay ang kanyang ina pagkatapos siyang ipanganak. Dahil doon, lahat ay binigay sa kanya ng ama at mga kapatid para punan ang espasyong hindi na mapupunan ng ina. She had all of the things she wante...