Kabanata 12

660 12 1
                                    

Kabanata 12

Seniors


''Nasa sasakyan na ako kaya huwag mo na akong madaliin, Lia. Traffic kaya ang tagal kong makarating,'' umirap ako.

Nasa loob ako ng sasakyan habang tinatahak ang daan papunta sa university. I'm wearing the red maxi dress I bought last week at dala ko rin ang regalo ko na nakalagay sa itim na paper bag. Iaabot ko iyon sa kung sinong mabubunot ko sa exchange gift.

Ngayon ang Christmas part ng course namin. The event started ten minutes ago kaya't napatawag na sa akin si Liana dahil late na raw ako at nagsisimula na ang celebration. Hindi totoong traffic kaya't ang tagal umusad ng sasakyan namin. Truth be told, sinadya kong magpa-late dahil natatakot pa rin ako na makita si Lionel dahil pakiramdam ko, hindi pa rin kami magkakabati.

Kahapon pa ako kinakabahan nang na realize kong ngayon pala ang Christmas party dahil alam kong magkikita at magkikita kaming dalawa ni Lionel. I'm nervous, honestly. Dahil kung hindi niya pa rin ako papansinin, ako na ang kikilos. I just want to atleast reconcile kahit hindi naman kami magkaaway.

Delaying confrontations seem to be my comfort these days. At ngayong araw, hindi iyon naiiba. Kaya't ginawa kong palusot ang pagiging late tutal sanay na rin naman si Lia sa akin. Saka hello?! Ano rin ba kasing gagawin ko do'n sa party? Maglalaro ng pop the balloon? Kakain ng lumpia?!

''Nag text ako sa 'yo kanina mahigit isang oras na tapos sabi mo, papunta ka na. Kanina pa 'yang on the way mo, Lucy,'' naiinis pero mala anghel pa rin ang tono niya.

Natawa ako. Totoo iyon. Kanina niya pa ako kinukulit at tinatanong kung nasaan na ba ako at paulit-ulit din ang sagot ko na: papunta na. I won't blame her if she's already irritated but I can't do something about it! Natatakot lang talaga ako na pumunta roon nang maaga dahil mas maraming interaksyon kung mas marami ang oras.

''Sige na, Lia. Basta makikita mo na lang ako riyan within this hour. See you, Liababe!''

Pinatay ko ang tawag at hinintay na lumiko ang sasakyan ni Kuya Ismael papunta sa tapat ng ST building. Doon niya kasi ako id-drop para hindi ko na kailangang tumawid kung sa walkway pa ako dadaan.

''Susunduin pa ba kita o uuwi ka na lang mag-isa?'' tanong ni Kuya.

''Uuwi na lang ako mag-isa, Kuya. Baka rin gabihin ako kasi baka mag-aya si Liana na lumabas pa. I'll text you as an update.''

Tumango siya. Itinigil niya na ang sasakyan sa tapat ng gate at agad akong bumaba dahil limitado lang ang oras na pwede ang sasakyan. I waved at my Kuya and proceeded to go at the venue. Sa OZ building iyon, pinakadulong building at kadalasan e mga engineering students ang nagkaklase. Buti na lang at Christmas break na kaya't puro celebration at party na lang. Wala na akong makikitang kung sino-sino.

Nang makarating ako sa mismong venue ay may dalawang mesa, nando'n ang pamilyar na si Kia at nakaupo habang may dalawang papel sa harap niya. I assumed that it is the registration form kaya't dumiretso na ako roon para magsulat. Gano'n naman palagi tuwing may event kaya't hindi na rin ako nagtaka.

''Hi!'' Kia greeted me. ''Late ka na? Kanina ka pa hinahanap ni Liana. Akala ata hindi ka na pupunta.''

Ngumiti ako. I have no intent to talk to her dahil hindi naman kami close at wala akong pake sa kanya. But she's too nice not to notice kaya't sinubukan kong makipag-usap habang nakatungo at nagfi-fill up ng informations ko.

''Ah, that. Oo, kanina pa nga siya tumatawag sa 'kin, e,'' tumawa ako. ''Nag sisimula na ba?''

Umiling siya. ''Yup. Pero speech pa lang naman ni Toran ang tapos na. If you're done, pwede ka nang pumasok. May mga performance mamaya!'' she smiled genuinely at me.

Lay A Glance On Me 1 (Lost and Retained #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon