Chapter 40

532 47 1
                                    

"Yaya Fernanda, kamusta na po si mommy? Gustung-gusto ko na siyang makita," tanong ni Lindsay na nakaupo sa kama habang ipinagbabalat naman siya ni Fernanda ng oranges

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Yaya Fernanda, kamusta na po si mommy? Gustung-gusto ko na siyang makita," tanong ni Lindsay na nakaupo sa kama habang ipinagbabalat naman siya ni Fernanda ng oranges.

Unti-unti nang gumagaling si Lindsay. Naghilom na ang mga galos sa kanyang katawan. 'Yon nga lang, may cast pa rin siya sa kanyang kaliwang braso at kailangan pa n'yang magpa-therapy para tuluyan na siyang gumaling.

"Okay lang po si madam. Hindi lang siya makabisita sa 'yo rito kasi katulad nyo po ay pinagpapahinga rin siya ng doktor."

"Gano'n ba? Mabuti naman okay lang si mommy."

Then suddenly, may kumatok sa pintuan. Nang pagbuksan iyon ni Fernanda ay laking sorpresa ni Lindsay sa nakita.

"Mommy?" hindi makapaniwalang sambit niya at nangilid ang luha sa kanyang mga mata.

Naka-upo ako sa isang wheelchair na tulak-tulak ng nurse at si Glecie naman ang may hawak sa dextrose stand ko. Hindi ko man makita si Lindsay sa oras na iyon, ngunit naramdaman ko naman kung gaano siya nasabik sa pagkikita namin.

Pagkuwa'y itinulak ng nurse ang wheelchair ko sa tapat ng kama niya. Pagkatapos ay naramdaman ko na lang na kinuha niya ang kamay ko at hinawakan ng mahigpit.

"Sobrang na-miss kita, mommy. Kung alam mo lang na sobra mo akong pinag-alala. Akala ko kung ano na ang nangyari sa 'yo. I'm so happy na maayos ang kalagayan mo," umiiyak na sabi ni Lindsay.

Tumangu-tango ako at sinabayan iyon ng pagtulo ng luha ko. "Oo, anak. Iniligtas tayo ng Diyos sa kapahamakan. Dininig niya ang mga panalangin ko na protektahan tayo."

Ngunit may napansin si Lindsay. Nagtaka siya kung bakit habang kinakausap niya ako'y sa ibang direksyon nakatingin ang mga mata ko. Ni hindi ako makatingin ng diretso sa kanya at para bang iba ang kinakausap ko.

"Mommy, b-bakit... bakit parang..."

Hindi niya na naituloy ang sasabihin. Napatingin siya kay Glecie nang mapahagulgol na lamang ito sa pag-iyak.

Nang muli niyang ibinalik ang tingin sa 'kin ay sinubukan niyang ikaway-kaway ang kamay niya sa mukha ko, ngunit nahalata niya na tila hindi ako tumitingin doon.

Hanggang sa tuluyan na nga siyang nagduda.

"M-mommy?"

"Anak, may kailangan kang malaman."

"A-ano'ng kailangan kong malaman?" Ibinaling niya ang tingin kina Glecie at Fernanda. "T-tita, Yaya, ano 'to? May hindi ba kayo sinasabi sa 'kin?" Ngunit iyak lang nagawa nilang isagot sa kanya.

"Anak..." Kinapa-kapa ko ang kobre-kama para hanapin ang mga kamay niya. Naramdaman ko na sa oras na iyon ay kabado na siya sa ikinikilos ko.

Pagkakuha ko ay hinawakan ko iyon ng mahigpit at saka ko ipinagtapat sa kanya ang kalagayan ko.

"Anak, w-wala akong paningin. H-hindi ako nakakakita."

"N-no, no!" Napahagulhol na lamang siya ng iyak. "P-paano nangyari 'to? H-hindi ka puwedeng mabulag, mommy!"

Loving My Daughter's Ex-Lover [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon