Chapter 31

537 44 2
                                    

Makalipas ang ilang oras ay unti-unti nang tumila ang ulan

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Makalipas ang ilang oras ay unti-unti nang tumila ang ulan. Unti-unti na ring nahawi ang madidilim ulap na tumatakip sa liwanag ng buwan. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako sa sinasandalan at sinisilungang puno kasama si Jeffrey.

Nagising na lamang ako nang bumagsak ang ulo ni Jeffrey sa balikat ko mula sa pagkakasandal niya sa puno. Ibabalik ko sana siya sa kanyang puwesto, ngunit napansin ko na nasa kahimbingan pa siya ng pagtulog.

Hinayaan ko na lang siya. Napangiti na lamang ako habang pinagmamasdan siya.

---

"H-huwag mo nang uulitin 'yon!" pag-aalala ni Jeffrey nang mailigtas niya ako sa bangin sa sandaling iyon. Nakita ko sa kanyang mukha ang pangamba't takot. Bigla pa niya akong niyakap ng mahigpit na nagpatunay sa akin na mahalaga pa rin ako sa kanya.

Wala akong ibang nagawa kundi manahimik. Pinakinggan ko ang bawat hikbi ng kanyang pag-iyak at bawat bilis ng pagtibok ng kanyang puso. Matagal-tagal ko na ring hindi nararanasan ang yakap niyang iyon na ilang libong beses ko na yatang inasam na maramdamang muli.

Pagkuwa'y kumalas siya sa pagkakayakap at tinignan ako ng diretso sa mga mata. "H-hinding-hindi na talaga kita mapapatawad kapag iniwan mo na naman ako."

"Bakit? Hindi mo pa rin ba ako napapatawad?"

Hindi siya sumagot. Ibinaling niya lamang ang tingin sa ibang direksyon. Isang patunay ang katahimikan niya na hindi pa nga niya ako napapatawad, na walang saysay ang paghingi ko ng tawad sa kanya sa cruise.

Marahil ay sobrang nasaktan ko talaga siya at hanggang sa sandaling iyon sa isla ay matindi pa rin ang kirot na nararamdaman niya sa kanyang puso.

Hanggang sa magsalita siyang muli.

"A-alam mo bang halos masiraan ako ng ulo nang iwan mo 'ko? I trusted you with all my heart na hindi mo ako iiwan, Marina. Inakala ko na makakaya mo rin akong ipaglaban kahit na malayo ang agwat ng edad natin sa isa't-isa."

"Jeffrey..."

"Pero ano'ng ginawa mo? Iniwan mo 'ko dahil ikinahihiya mo ako."

"H-hindi 'yan totoo. Hindi kita ikinahihiya!" depensa ko.

"Kung gano'n, ano'ng tawag do'n? Hindi ba't ikinahihiya mo naman talaga ang relasyon nating 'yon? Hindi mo 'ko kayang ipaglaban dahil nahihiya ka sa mga tao. Nahihiya ka kay Lindsay dahil iniisip mo na inagaw mo 'ko sa kanya, na kung tutuusin ay wala ka namang kasalanan---"

"Dahil natatakot ako!" bulalas ko.

Tumulo ang luha sa 'king mga mata. "Natatakot ako na iwan ako ng anak ko. Natatakot ako na baka panghabang-buhay nya akong kamuhian nang dahil sa 'yo. Hindi gano'n kadali ang sitwasyon ko, Jeffrey. Ina ako ni Lindsay at walang ina na gugustuhing saktan ang kanyang anak!"

"Pero matagal na kaming wala noon at walang mali sa ginawa mo!" sagot niya.

Lumapit siya sa 'kin at hinawakan ako sa magkabilang-balikat.

Loving My Daughter's Ex-Lover [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon