Chapter 2

1K 55 0
                                    

Lumipas ang ilang araw ay hindi pa rin umuuwi sa bahay si Lindsay

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Lumipas ang ilang araw ay hindi pa rin umuuwi sa bahay si Lindsay. I tried to call her many times, pero palagi niya akong pinagpapatayan ng phone. Sinubukan ko na rin siyang bisitahin sa trabaho at maging sa condo niya, pero madalas naman siyang wala roon na tila umiiwas sa 'kin.

"Baka naman nag-out-of-town lang?" sabi ni Glecie, ang long-time best friend ko. Best friends na kami since high school. Madalas niya akong bisitahin sa bahay at maging sa restaurant. "Hindi ka na nasanay sa trabaho ng anak mo. Hindi ba't kung saan-saan nagpupupunta 'yon kapag may nagpapa-design sa kanya ng bahay?"

"Sana nga, Glecie. Sana nga busy lang siya. Hindi ko na kasi talaga alam ang gagawin ko sa anak 'kong 'yon."

"Ikaw naman kasi, ngayon mo lang pinagsabihan ng gano'n ang anak mo. Sinanay mo siya sa gano'ng pag-uugali. Kung ako sa 'yo, baka noon pa man ay nagarote ko na si Lindsay. E 'di sana ay hindi ka niya ginaganyan ngayon."

"Hindi ko naman kayang gawin sa anak ko 'yon, ano? Ni palo nga ay hindi ko nagawa sa kanya noong bata pa siya. Talagang mahal na mahal ko lang siya kaya ibinibigay ko sa kanya ang lahat ng gustuhin niya."

"Kahit na mali?"

Natigilan ako sa sinabi ni Glecie. Bakit ba huli na bago ko naisipang pakialaman ang mga maling ginagawa ni Lindsay?

Namomroblema tuloy ako na dapat sana ay hindi na dahil twenty six years old na siya.

---

Kinagabihan, abala ako sa pag-aayos ng mga papeles ng restaurant nang mag-ring ang phone ko.

Si Jeffrey ang tumatawag. Naalala kong hiningi nga pala namin ang number ng isa't-isa noon para masubaybayan ko sila ni Lindsay.

Sinagot ko ang call, "Hello?"

"H-hello, Mrs. Deogracias?"

"O, Jeffrey? Napatawag ka?"

"P-pwede ko ho ba kayong makausap?" Sa tono ng boses niya ay para siyang umiiyak. "Nandito ho ako ngayon sa harap ng bahay nyo."

Nabigla ako sa sinabi niya at dali-dali akong dumungaw sa bintana. Nandoon nga si Jeffrey at umiiyak. Napansin ko rin na hindi siya mapirme sa pagkakatayo at parang nakainom.

He even brought his car at nakakamanghang nakapagdrive siya ng safe sa ganoong kalagayan. Wala na akong nagawa kundi papasukin siya sa bahay.

"Ano ka ba namang bata ka? Bakit ka ba naglasing? Paano kung naaksidente ka sa pagmamaneho?" pag-aalala ko. Then, inalalayan ko siya hanggang sa makarating kami sa living area.

Pagkatapos ay pinaupo ko siya sa sofa at pabagsak na sumandal naman siya roon.

"M-mrs. Deogracias, nandyan ho ba si Lindsay?" nahihilong tanong niya.

"She's not here. Ilang araw na siyang hindi umuuwi."

"G-gusto ko ho sana siyang makausap. Hindi ko ho kasi maintindihan kung bakit nakipag-break sya sa 'kin. Ni hindi ko ho alam kung anong nagawa kong mali para mangyari 'yon. Mahal na mahal ko ho ang anak nyo," umiiyak nitong sagot.

Loving My Daughter's Ex-Lover [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon