Chapter 18

826 53 3
                                    

"Mommy, look oh

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Mommy, look oh." Nanlaki ang mga mata ko nang ipakita sa 'kin ni Lindsay ang suot niyang diamond ring. "Johnny, proposed to me yesterday. I'm getting married!" masaya niyang pagkakasabi.

Alas otso na iyon ng gabi at kauuwi ko lamang sa bahay.

Excited pa naman akong umuwi dahil makakasama ko si Lindsay na ilang araw kong hindi nakita dahil busy sa trabaho. Ni hindi ko rin siya nakasama noong pasko dahil may kailangan pa siyang gawin sa Cebu.

Ngunit nagbago ang lahat nang ibalita niya sa 'kin ang plano nilang pagpapakasal ni Johnny.

"Anak, hindi ba't masyadong maaga para sa kasal nyo? Ni wala pa kayong isang taon na magkakilala."

"Mommy, kung iniisip nyo na mauulit ang nangyari sa 'min ni Jeffrey, p'wes sasabihin ko ho sa inyo na sure na sure na talaga ako kay Johnny. Magiging choosy pa ba ako? Na kay Johnny na ang lahat ng pinapangarap ko sa isang lalaki. Ayoko na siyang pakawalan."

"Pero 'yan din ang sinabi mo sa 'kin tungkol kay Jeffrey noon. Puwede bang pag-isipan mo munang mabuti 'yan? Huwag kang padalus-dalos dahil hindi madali ang pag-aasawa. Marami kang kailangang isakripisyo."

"I know, Mommy. I know," nagkibit-balikat siya. "Pero maniwala ka man o sa hindi, hindi na talaga mauulit ang nangyari dati. Hindi na ho ako 'yong dating Lindsay na maghahanap na naman ng iba kapag nagsawa. Nararamdaman ko ho sa sarili ko na si Johnny na talaga ang gusto kong maging future husband. Sa kanya ko nakikita na magiging isang mabuti at mapag-arugang asawa at ina ako katulad nyo."

"Anak..."

"Mommy, sure na talaga ako. Si Johnny na talaga ang gusto ko," ulit niya.

Napabuntong-hininga na lamang ako.

Hindi mawala ang pag-aalala sa mukha ko. Gustuhin ko man na ako ang masunod para sa kanya, ngunit wala akong magawa kapag siya na ang nag-desisyon.

Kahit naman ipilit ko ang gusto ko ay mag-tatalo lang kami at mas ipu-push pa niya ang kanyang desisyon.

But I want the best for my daughter.

Paano ba ako magpapakananay sa kanya sa sitwasyong alam ko na maaari na naman niyang ulitin ang dati? Hahayaan ko na lang ba siya na gawin na naman ang gusto niya? Maniniwala ba akong muli sa mga pangako niya?

Paano kung saktan niya rin si Johnny?

"Mommy, pwede bang mag-move on na tayo sa past? Ayokong pagtalunan na naman natin 'to. If you're worried na hindi ako magiging okay kay Johnny, p'wes sasabihin ko ho sa inyo na wala kayong dapat na ipag-alala dahil sobrang magiging okay ako sa kanya. 'Tsaka kahit naman may asawa na ho ako ay madalas pa rin akong bibisita rito. Hinding-hindi ko ho kayo pababayaan, Mommy," nakangiti niyang pagkakasabi.

Hanggang sa tuluyan na nga akong tumango sa kanya at pumayag sa kagustuhan niya.

Ewan ko ba. Hindi ko talaga matiis ang anak ko.

Loving My Daughter's Ex-Lover [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon