Chapter 36

530 44 0
                                    

"M-magandang umaga po sa inyong, lahat," pigil-luhang sabi ni Lindsay sa mikropono

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"M-magandang umaga po sa inyong, lahat," pigil-luhang sabi ni Lindsay sa mikropono. Nasa unahan siya, sa gilid ng altar. Nagsipag-tinginan sa kanya ang mga tao sa simbahan nang magsalita siya.

Ako naman ay nasa sulok, kasama sina Glecie, Fernanda at James, habang nakatingin sa kanya.

"G-gusto ko lang po sanang humingi ng paumanhin. Alam ko po na pinaghandaan nyong lahat ang araw na ito. Alam ko rin kung gaano kayo ka-excited na makita ang pag-iisang dibdib namin ni Jeffrey, pero..."

"L-lindsay," mangiyak-ngiyak na sambit ko habang nakatingin sa kanya. Gusto ko siyang lapitan, ngunit pinigilan ako ni Glecie sa aking braso.

Bilang ina'y ako ang mas nasaktan para sa kanya. Napakabigat sa dibdib habang nakikita ko siya sa ganoong sitwasyon. Ang inasahan ko na sana'y magiging isa sa pinaka-magandang pangyayari sa buhay niya ay bigla na lang naging sugat.

Malalim na sugat na magbibigay peklat sa kanyang ala-ala na hindi basta-basta mabubura kahit kailan.

"...hindi na po matutuloy ang kasal. I'm very sorry," emosyonal na dugtong ni Lindsay.

Nang ibaba niya ang mikropono ay umingay ang buong simbahan. Sabay-sabay na pinag-usapan siya ng mga tao dahil hindi sila makapaniwala sa nangyari. Nagsilapitan pa sa kanya ang media reporters. Siguradong magiging laman ng balita ang nangyari sa araw na iyon.

"Miss Deogracias, this is TV3 Manila. Ano'ng dahilan kung bakit hindi matutuloy ang kasal?"

"Totoo bang sinadya ni Mr. Samartino na hindi sumipot sa kasal? Ano po ang dahilan nito?"

"Miss Deogracias, this is Nation Channel 6. Mabilis lang po ito. Totoo bang may third party na involve kaya hindi dumating si Mr. Samartino?"

Pinagkaguluhan siya ng mga tao. Ni hindi niya masagot ang mga katanungang ibinabato sa kanya at wala siyang nagawa kundi umiyak sa harap ng nakakasilaw na flash ng mga camera.

"Miss Deogracias, please answer the question!"

Mabuti na lang ay dumating ang staff at tinulungan siyang ilayo sa mga ito. Lumakad sila palabas ng simbahan at isinakay kaagad siya sa sasakyan ni James.

"Diyos ko, ang anak ko," umiiyak na sambit ko.

"Marina, tara na," sambit ni Glecie. Inakbayan niya ako sa balikat. "Kailangan na nating umalis dito ngayon din. Baka tayo ang putaktihin ng media reporters."

"Valdez, kayo na ang bahala sa kanila. Magkita-kita na lang tayo sa rest house," sabi naman ni James at sumaludo sa kanya ang tauhan.

Kaagad kaming pinalibutan ng mga lalaking naka-black suit at ginabayan palabas ng simbahan. Pagkatapos ay sumakay kami sa isa sa mga sasakyan ni James at umalis.

---

Dinala kami ng mga tauhan ni James sa kanyang private rest house sa Alaminos, Laguna. Hindi kasi kami maaaring bumalik sa bahay dahil siguradong inaabangan kami roon ng reporters.

Loving My Daughter's Ex-Lover [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon