Chapter 26

535 46 4
                                    

"Mommy, ano po'ng masasabi mo sa luto ko? Napantayan ko na ho ba ang cooking skills nyo?" masayang tanong ni Lindsay habang nagsasalu-salo kami sa hapagkainan

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Mommy, ano po'ng masasabi mo sa luto ko? Napantayan ko na ho ba ang cooking skills nyo?" masayang tanong ni Lindsay habang nagsasalu-salo kami sa hapagkainan.

Katabi ni Lindsay sa kanyang kaliwa si Jeffrey. Ako naman ay nakapuwesto sa tabi ni Glecie at nakatayo naman sa likuran ko si Fernanda. Ngunit hindi ako makatingin ng diretso sa aking harapan dahil kaharap ko si Jeffrey.

Naiilang at nahihiya ako sa kanya. Hindi ko naman dapat nararamdaman iyon, pero para bang pinarurusahan ako habang pinag-uusapan namin ang mga plano nila sa kasal. Para bang unti-unti akong nakararamdam ng pagsisisi na sana'y hindi ko na lang iniwan si Jeffrey, na sana'y ako ang dapat na ikakasal sa kanya at hindi si Lindsay.

I should be happy for them. Hindi dapat ako nagkakagano'n. Hindi ba't kaya ko nga siya iniwan ay dahil iyon ang sa tingin ko'y tama para sa aming mag-ina?

Pagkuwa'y bigla akong kinibo ni Lindsay. "Mommy?" sambit niya. Saka ko lang namalayan na kinakausap niya pala ako.

"O, anak?"

"Are you okay? Hindi mo ba narinig ang tanong ko?"

"Ha?" Ibinaba ko muna ang kubyertos sa aking pinggan. "Ah, eh, oo. Pasensya ka na, anak. Medyo may jetlag pa kasi ako. Ano nga ba ulit 'yon?"

"Nasarapan po ba kayo sa mga luto ko? Ano pong masasabi nyo?" nakangiti niyang tanong.

"Naku! Oo naman, anak. Sobrang nagustuhan ko. Lalong-lalo na 'tong afritadang manok mo."

"Talaga po?" Napapalakpak pa siya sa tuwa. "Yes!"

"Pero sigurado ka bang ikaw talaga ang nagluto nito at hindi si Fernanda?" biro ko. Natawang nagkatinginan pa kami nina Fernanda at Glecie.

"Ofcourse naman, mommy! Pinag-aralan kong lutuin ang mga ito para sa 'yo. Kailangan kasi, eh."

"Kailangan?" pagsabat ni Glecie. "Bakit? Gusto mo na rin bang patakbuhin ang business ng Mommy mo?"

"Siya nga ba, anak?"

Napakamot sa batok si Lindsay.

"Hindi po. Alam nyo naman na wala akong kahilig-hilig sa pagpapatakbo ng kahit anong business. Ang ibig ko pong sabihin ay magiging housewife na ako. Magiging soon-to-be Mrs. Samartino na ako at kailangan na marunong ako sa mga gawaing bahay. Hindi naman puwede na iasa ko na lang sa mga katulong ang lahat." Then, tumingin siya kay Jeffrey at kumapit sa braso nito. "Hindi ba, soon-to-be husband ko?"

Ngumiti muna si Jeffrey bago sumagot. "Oo naman."

Nakaramdam ako ng pagkailang, kaya naman muli kong ibinalik ang atensyon sa kinakain.

Pagkuwa'y nagsalitang muli si Lindsay, "Siya nga pala, may gusto sana akong ipakita sa inyo, mommy."

Huminto muna ako sa pagkain bago tumingin sa kanya.

"Ano 'yon, anak?"

"Look, oh!" sambit niya sabay pakita sa akin ng kamay na may singsing. "Maganda ba ang bagong engagement ring namin, mommy? Ang bongga, ano? Punung-puno ng diamonds!"

Loving My Daughter's Ex-Lover [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon