Chapter 28

546 50 0
                                    

Hindi ko alam kung anong gagawin ko sa sandaling iyon

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Hindi ko alam kung anong gagawin ko sa sandaling iyon. Sa itinagal-tagal ko nang nakauwi sa Pilipinas ay 'yon lamang ang unang pagkakataon na nakasama ko siyang muli ng solo. Maski siya ay halatang hindi rin alam ang gagawin. Nakatayo siya sa tabi ko habang pinagmamasdan namin ang dagat.

Ngunit makalipas ang ilang minuto ay naglakas-loob na akong kausapin siya. Hindi ko na inisip kung sasagutin n'ya ba ako o hindi, o kung magagalit ba s'ya sa 'kin. Basta't sumubok lang ako, kahit na nararamdaman ko na may galit pa rin siya sa akin.

"K-kamusta ka na, Jeffrey?" nautal kong tanong. Hindi siya sumagot. Seryosong nakatingin pa rin siya sa labas habang pinagmamasdan ang dagat na para bang walang naririnig. Medyo napahiya ako sa ginawa kong iyon.

Kaya naman naisipan ko na lang na magpaalam sa kanya para puntahan sina Glecie at Fernanda.

"Ah, Jeffrey---"

Ngunit hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang saka niya lamang sagutin ang tanong ko.

"Ayos lang, ikaw?"

"Ha?" nabigla kong sambit. "Ah, gano'n din. A-ayos naman ako," sagot ko.

"Mabuti naman kung gano'n."

At muling natahimik na naman kaming dalawa.

Hindi ko na itinuloy ang pag-alis. Inayos ko na lamang ang pagtayo sa tabi at sabay naming pinagmasdan ang dagat. Nagsimula na ring lumubog ang araw at natanaw namin ang unti-unting pagdilim ng kalangitan.

"Ang ganda ng sunset, ano?" tanong niya.

Nang tumingin ako sa kanya ay napatingin din siya sa akin at nagtama ang aming mga paningin. Nakita ko na naman ang lungkot sa kanyang mga mata. Nangungusap ang mga iyon at para bang may gustong ipahiwatig sa akin na hindi masabi-sabi ng kanyang labi.

Ngunit bigla akong lumihis ng tingin pabalik sa dagat. Naramdaman ko kasing bumilis ang tibok ng puso ko habang nakatingin kami sa isa't-isa. Pakiramdam ko'y hindi iyon tama. Bumabalik sa isipan ko ang mga nangyari sa'min sa nakaraan na dapat sana ay unti-unti ko nang ibinabaon sa limot.

"O-oo nga. Ang ganda," nautal kong sagot.

"Parang kanina lang ay maliwanag pa ang sikat ng araw, pero ngayon ay dumidilim na," seryosong pagkakasabi niya. Nang ibalik ko sa kanya ang tingin ay nakita ko na nakatingin pa rin siya sa akin, ngunit siya naman ang lumihis ng tingin sa dagat. "Parang tayo lang dalawa noon, pero ngayon ay iba na," dugtong niya na nagbigay kirot sa aking dibdib.

Dahil sa sinabi niya ay hindi ko na napigilan ang sarili ko na magtanong tungkol sa nakaraan. Sinamantala ko ang pagkakataong iyon. "N-napatawad mo na ba ako, Jeffrey?" tanong ko kasabay ng unti-unting pangingilid ng luha sa aking mga mata.

Tumingin muna siya sa akin bago sumagot. "Bakit? Humingi ka na ba ng tawad? H-humingi ka na ba ng tawad nang basta mo na lamang akong iwan at nagtungo ka sa ibang bansa ng hindi ko alam?" tanong niya na may hinanakit sa tono ng kanyang pananalita.

Loving My Daughter's Ex-Lover [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon