Chapter 4

852 55 0
                                    

Pagkarating naming mag-ina sa bahay ay kinausap ko si Lindsay tungkol sa nangyari sa restaurant

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Pagkarating naming mag-ina sa bahay ay kinausap ko si Lindsay tungkol sa nangyari sa restaurant.

"Nakita mo na? Sana naman matuto ka na sa nangyari. Iyong ginawa ni Jeffrey, posibleng gawin din 'yon ni Johnny kapag hiniwalayan mo rin siya nang basta-basta," nakakibit-balikat na sabi ko habang nag-uusap kami sa terasa.

"Oo na. Kasalanan ko na. Kayo naman ho ang palaging tama," pabalang na sagot ni Lindsay.

"Aba'y sinasagot mo na naman ako?"

"Magpapahinga na ako."

At basta niya lang akong iniwan sa terasa.

"Lindsay, bumalik ka rito. Nag-uusap pa tayo!" Sinundan ko siya hanggang sa tapat ng kanyang kuwarto.

"Bukas nyo na lang ho ako sermonan, pwede? Sinira na nga ng Jeffrey na 'yon ang birthday ko, pati ba naman ikaw?" sagot niya at pabalabag na pinagsarhan niya ako ng pinto.

Napahawak na lang ako sa noo nang sandaling iyon dahil sa konsumisyon.

Kilalang-kilala ko ang anak ko.

Sigurado ako na hindi pa rin siya mapapabago ng ginawa ni Jeffrey. Pansariling kaligayahan pa rin ang iisipin niya kapag na-bore na siya sa boyfriend niya.

Ano ba'ng gagawin ko sa'yo, Lindsay?

Pagkuwa'y biglang sumagi sa isipan ko si Jeffrey.

Napalitan ang inis ko ng pag-aalala para sa kanya.

Hindi madali ang pinagdadaanan niya at alam ko na maaari na namang maulit ang nangyari sa restaurant. Napaisip ako kung ano na kaya ang ginagawa niya sa oras iyon.

Sana okay lang sya.

At napabuntong-hininga ako.

Nang lumakad na ako para pumunta sa kuwarto ko ay biglang tumunog ang cellphone ko. Isang un-registered landline number ang tumawag sa'kin.

Sino kaya 'to?

Then, I answered the call.

"Hello?"

"Is this Mrs. Marina Deogracias?"

"Yes, ako nga. Sino po sila?"

"This is Doctor Ramirez of Cojuangco Hospital. Nandito po ngayon sa emergency room si Mr. Jeffrey Samartino. Nasagasaan po siya ng motor kanina habang naglalakad sa tabing kalsada at wala ho siyang malay ngayon."

"A-ano!?" bulalas ko.

"Yes po, ma'am. Actually, marami na po kaming tinawagan na registered contact number sa phone niya, pero kayo lang po ang na-contact namin. Wala rin po siyang dalang wallet at baka po naiwala niya iyon sa daan."

"O-okay, sige! Pupunta na ako d'yan ngayon din!"

Pagkarating ko sa hospital ay nadatnan ko nga sa emergency room si Jeffrey na walang malay. May galos siya sa pisngi at braso na halos dumurog ng aking puso.

Loving My Daughter's Ex-Lover [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon