Chapter 13

858 56 2
                                    

Gustuhin ko mang isipin na panaginip lang ang nangyayari sa sandaling iyon, ngunit klarong-klaro sa aking pandinig ang pagtatapat ni Jeffrey

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Gustuhin ko mang isipin na panaginip lang ang nangyayari sa sandaling iyon, ngunit klarong-klaro sa aking pandinig ang pagtatapat ni Jeffrey.

Hindi ko na kailangan pang kurutin ang sarili ko dahil damang-dama ko na ang bilis ng pagtibok ng puso ko.

Ang lahat ng iyon ay totoo. May nararamdaman na nga para sa akin si Jeffrey.

"Naririnig mo ba ang sinasabi mo? I'm your ex's mother."

"And so? Does it matter? Matagal na kaming wala ni Lindsay. Kasalanan bang mahulog ako sa ina ng ex ko?"

"P'wes, sasabihin ko sa 'yo ngayon na wala akong feelings para sa 'yo. Ibaling mo na lang sa iba 'yang nararamdaman mo dahil sinasayang mo lang ang oras mo sa 'kin."

"At sa tingin mo ba ay maniniwala ako?"

"A-ano bang kailangan kong gawin para maniwala ka!?"

"Mahigit two weeks mo akong inaalagaan sa condo ko, Marina. Hindi ako naniniwala sa baluktot mong dahilan na concern ka lang sa 'kin kaya ginawa mo iyon. Ni hindi tayo close para gawin mo 'yon!"

Hindi ako nakasagot.

Talaga nga namang baluktot ang dahilan na iyon at ilang beses pa naming pinagtalunan iyon ni Glecie.

"Huwag mo nang itanggi ang katotohanan. Sinabi na sa 'kin ni Mrs. Ocampo ang lahat nang minsang puntahan kita sa Deogracias' para kausapin. Siya ang nakausap ko instead of you. Sa kanya ko nalaman na pareho pala tayo ng nararamdaman para sa isa't-isa."

Ang tinutukoy niya ay si Glecie.

Wala man lang akong kaalam-alam na pinuntahan na pala ako ni Jeffrey sa restaurant at sila ang nag-usap. Inunahan na pala akong magtapat ng bruha.

"Alam ko na ang lahat, Marina. Wala ka nang maililihim pa sa 'kin," dugtong niya.

Mag-uumpisa na sana ang paper dance nang bigla akong mag-walkout palabas ng gymnasium. Wala na akong pakialam kung ano man ang sabihin sa 'kin ng mga tao.

Sinundan naman ako ni Jeffrey. Hindi niya ako tinantanan hanggang sa makarating kami sa paradahan ng sasakyan.

Then, hinila niya ang braso ko at iniharap ako sa kanya. "Ugali mo ba talaga ang mag-walkout, ah?"

"Tigilan mo na 'ko!"

"Iiwas ka na naman ba gaya ng dati?" tanong niya at inilapit niya ang mukha sa 'kin. "Bakit ba hindi mo maamin-amin sa 'kin ang nararamdaman mo!?"

"Oo, may nararamdaman ako para sa 'yo!" bulalas ko at may tumulong luha sa aking mga mata. Hindi ko na napigilan pang itago ang katotohanan. "Pero hindi dapat nangyayari ito!"

"Bakit? Ano ba'ng ikinatatakot mo? Na malaki ang agwat ng edad natin sa isa't-isa, gano'n ba?"

"Si Lindsay. Hindi ito magugustuhan ni Lindsay. Ayokong magkaproblema kaming dalawa."

Loving My Daughter's Ex-Lover [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon