Chapter 33

465 42 0
                                    

"Marina, basahin mo 'to

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Marina, basahin mo 'to. Hindi ba't ito yung ex-boyfriend ng anak mo?"

Kasalukuyang kaming kumakain ng breakfast sa isa sa mga restaurant sa hotel nang ipakita sa 'kin ni Glecie ang nabasa niya sa newspaper.

"Hindi ba't siya 'to? Si Johnny Armada?"

"Oo, siya nga ito."

"Ang sabi d'yan ay hindi raw siya ang illegitimate son ng mag-asawang Armada."

"P-paanong nangyari 'to?"

"Nalaman daw sa DNA test result na hindi siya kadugo. May isang nurse na hindi pinatahimik ng kanyang konsiyensya ang matapang na nagbunyag na hindi niya sinasadya na mapagpalit ang mga baby sa ospital. Sa sobrang galit daw ng mag-asawang Armada ay ipinakulong nila ang nurse. Pagkatapos ay itinakwil nila kaagad sa angkan si Johnny. E, wala naman daw ibang ginawa ang Johnny na 'yon kundi mambabae, maglustay ng pera at magbigay ng sakit ng ulo sa kanila. Lahat ng negosyo na ipinahahawak sa kanya ng Armada Group ay nalulugi lamang dahil hindi niya maasikaso ng maayos," pagpapaliwanag ni Glecie.

Naalala ko tuloy ang araw na nagbreak sina Lindsay at Johnny. Marahil ay Diyos na ang gumawa ng paraan para pagbayaran ni Johnny ang mga kasalanang nagawa niya kay Lindsay at sa iba pang mga babae na niloko niya.

Ngunit kahit na gano'n ang ay nakaramdam pa rin ako ng awa. Kahit naman nasaktan sa kanya si Lindsay ay minsan din siya nitong pinasaya.

Dahil hindi biro mag-isa sa buhay, just like Jeffrey na lumaking wala nang mga magulang.

Ipinagpatuloy ni Glecie ang pagkukwento, "Pagkatapos ay may nakakita pa raw kay Johnny na nagpapakalasing sa isang bar sa Quezon City. Dugyutin na raw ang hitsura niya at nakuha pang makipag-away sa mga tao roon. Sobrang nakakahiya!"

Napailing ako. "Ikaw talagang babae ka. Ang bilis mong makasagap ng chismis."

Tinapik niya ako sa balikat. "S'yempre nabasa ko sa Facebook kanina. Alam mo naman na super updated ako sa pa-chichi ng chika pages," sabay kindat niya.

Ibinalik ko sa kanya ang newspaper. "Alam mo huwag kang masyadong magpapaniwala sa mga nababasa mo. Hindi pa rin natin alam ang totoong nangyari. Sigurado ako na kung hindi man edited ay may dagdag ang balitang 'yan para makakuha ng atensyon ng tao. D'yan sila kumikita."

"E, magtataka ka pa ba? Hindi pa ba proof sa ugali n'ya iyong pagtataksil na ginawa niya kay Lindsay?"

"Kahit pa may masamang nagawa siya kay Lindsay, wala pa rin tayong karapatan para husgahan siya."

"E, nagtataka lang naman kasi ako kung sino 'yong nagpadala ng patay na ibon sa anak mo. Matagal na akong kinukutuban do'n. Hindi ko lang sinasabi sa 'yo."

"O, bakit naman naisingit mo pa 'yon?"

"Hindi ka ba nagtataka? Wala namang ibang nakatalo ang anak mo kundi si Johnny Armada lang. Alam kong wala akong proof para pagbintangan siya, pero siya lang naman kasi ang nakaaway ng anak mo."

Loving My Daughter's Ex-Lover [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon