Chapter 34

481 44 1
                                    

"Mommy, Tita Glecie, how do I look?" nakangiting tanong ni Lindsay pagkalabas niya sa kanyang kuwarto

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Mommy, Tita Glecie, how do I look?" nakangiting tanong ni Lindsay pagkalabas niya sa kanyang kuwarto. Sabay kaming napatayo ni Glecie at napanganga nang makita siya.

It was the day of the wedding. Ilang minuto na lang ay bibyahe na kami patungo sa simbahan ng Padre Pio Shrine sa Santo Tomas, Batangas kung saan ito gaganapin. Kasalukuyang nasa bahay pa kami at abala sa pag-aayos.

Pumatak na lamang ang luha sa aking mga mata nang makita ko si Lindsay sa suot niyang wedding gown. Napakaganda at napakaelegante niyang tignan sa disenyong nilikha ng isang sikat na designer. Parang kailan lang ay inihahatid ko pa siya sa eskwelahan para mag-aral, ngunit napakabilis ng panahon dahil sa araw na iyon ay ihahatid ko na siya sa altar para magpakasal. Kung nabubuhay lang sana si Freddie ay siguradong ganito rin ang mararamdaman niya.

Maging si Glecie ay hindi rin napigilan ang damdamin at napaluha rin.

"Naku naman, mommy!" Nag-aalala na lumapit si Lindsay sa akin. Tinulungan niya akong punasan ng tissue ang nangingilid na luha sa 'king mga mata. "Bakit ka umiiyak? Masisira ang makeup mo nyan. In thirty minutes ay paalis na tayo. Ikaw din, Tita Glecie," sabay abot naman niya ng tissue rito.

"Sino ba naman ang hindi maiiyak sa ganitong sitwasyon? Ikakasal na ang nag-iisa at pinakamaganda kong anak sa buong mundo. Magkakaroon ka na ng sariling pamilya," nanghahabang nguso na sagot ko.

"Si Mommy talaga nag-drama na naman," sabay yakap niya sa 'kin. "Hindi ba't ilang beses ko na pong sinabi sa inyo na kapag may asawa na ako ay bibisitahin ko po kayo ng madalas? Alangan naman na pabayaan ko na lang kayo rito."

Sumabat si Glecie. "Oo nga naman. Bakit ka ba umiiyak, e hindi naman mahihiwalay sa 'yo ng tuluyan ang anak mo? Noong nagkaroon nga siya ng sariling condo e hindi ka umiyak, ngayon pa ba?"

Kumalas ako sa pagkakayakap kay Lindsay at marahang hinampas si Glecie sa balikat. "Ikaw talaga panira ka ng moment. Hindi ba't ikaw pa nga ang dapat kong tanungin kung bakit nakiki-yak ka d'yan? Feeling nanay ka."

Nagkibit-balikat si Glecie. "Oo, hindi nga ako ang nanay ni Lindsay, pero ako ang naghuhugas ng puwet niya noong sanggol pa siya dahil wala ka pang pambayad para kumuha ng katulong. Ginawa mo kong babysitter!"

"Tita Glecie!" nahiyang sambit ni Lindsay.

At nagtawanan kaming tatlo. Natawa rin ang stylist at ang photographer na kasakasama namin sa oras na iyon. Nauwi tuloy ang pagdadrama namin sa lokohan at pag-aasaran.

Ngunit may pangamba pa rin sa dibdib ko. Hindi lang dahil sa madalas na kaming malalayo ni Lindsay sa isa't-isa, kundi dahil kay Jeffrey.

Alam ko na hindi siya masaya, na nagdadalawang-isip siya na pakasalan si Lindsay. Ipinagtapat kasi niya sa akin na ako pa rin ang mahal niya, na hindi naman ako nawala sa puso niya nang iwan ko siya.

Paano kung hindi siya dumating sa simbahan? Paano maghintay lang kami roon sa wala?

No, hindi mangyayari iyon.

Loving My Daughter's Ex-Lover [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon