Chapter 6

784 54 1
                                    

Sumunod na araw ay tumuloy pa rin ako sa ospital sa kabila nang pagtanggi ko kay Glecie na may gusto ako kay Jeffrey

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Sumunod na araw ay tumuloy pa rin ako sa ospital sa kabila nang pagtanggi ko kay Glecie na may gusto ako kay Jeffrey. Naaawa at nakokonsensya lang naman talaga ako kay Jeffrey. Sigurado ako na kapag naging okay na siya ay mapapanatag na ng tuluyan ang isipan ko.

"Carissa, ikaw na ang bahala d'yan sa restaurant. Hindi ako makakapasok ngayon dahil may kailangan akong asikasuhin," sabi ko nang tawagan ko ang assistant ko sa restaurant.

"Okay po, ma'am. Don't worry, hindi ko po pababayaan ang Deogracias'. Have a nice day po."

"Salamat," sagot ko. Then, I ended the call.

Pagkuwa'y binuksan ko na ang pinto sa kuwarto ni Jeffrey at pumasok sa loob.

Ngunit nang pagkapasok ko ay wala siya roon.

"Jeffrey?"

Nang marinig ko ang lagaslas ng tubig sa C.R. ay naisip ko na baka naroon siya. Ipinatong ko muna ang bitbit kong bag sa table at hinintay siyang lumabas.

Makalipas ang ilang sandali ay narinig kong bumukas ang pinto.

"Good morn---" babatiin ko na sana siya, ngunit laking gulat ko nang makita na wala siyang suot na pang-itaas. Tumambad sa akin ang napakaganda niyang pangangatawan na halatang batak ng workout.

Mabilis akong tumalikod at nagkunwaring nagkukutingting ng cellphone.

"Ihahatid nyo ho ba talaga akong pauwi? Kaya ko na naman hong mag-isa," tanong niya.

"H-hindi nga kita puwede hayaang mag-isa."

"Hindi nyo naman ho kailangang gawin 'yon."

"G-gusto ko lang bumawi sa ginawa ng anak ko sa 'yo. Mapapanatag lang ang loob ko kapag nakita ko na maayos na ang kalagayan mo."

Napabuntong-hininga si Jeffrey. "Kung 'yan ho ang gusto nyo. Wala na ho akong magagawa."

Maya-maya'y sandaling natahimik ang paligid. Hindi na nagsalita pa si Jeffrey at ako naman ay nakatalikod pa rin habang nagkukunwari na may binabasa sa cellphone.

Gusto ko nang humarap, pero kinakabahan ako na baka makita ko na naman siya sa ganoong ayos.

Hanggang sa narinig ko na dumadaing siya sa sakit.

Nakaramdam ako ng pag-aalala, pero nagdadalawang-isip pa rin akong humarap sa kanya.

Then, narinig ko na siyang nagsalita.

"Ah, Mrs. Deogracias."

"Y-yes?"

"Puwede nyo ho ba akong tulungan na magbihis? Hindi ko ho kasi maisuot 'tong t-shirt ko."

"G-gano'n ba? O, sige."

Dahan-dahan akong humarap, ngunit hindi nakatingin ang mga mata ko sa kanya.

Para akong sira na nakatingala sa kisame habang naglalakad papalapit sa kanya.

Loving My Daughter's Ex-Lover [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon