Chapter 41

472 41 0
                                    

"Malaki po ang utang na loob ko sa anak nyo

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Malaki po ang utang na loob ko sa anak nyo. Kung hindi ho dahil sa katapangan niya, hindi sana maililigtas ang anak ko at ang mapapangasawa niya," maluha-luhang pagkakasabi ko sa mga magulang ni Mark.

Mahigit three weeks na ang nakalilipas, ngunit hindi pa rin siya gumigising. He is still in coma. Gustuhin ko mang gawin ang lahat para magising na s'ya, ngunit wala akong magawa kundi ipagdasal siya at sustentuhan ang mga gastusin niya sa ospital. Alam ko kung gaano kasakit para sa mga magulang niya na makita sa ganoong kalagayan ang kanilang anak, kaya naman hindi ko napigilan ang sarili na maging emosyonal sa kanilang harapan.

"Huwag po kayong mag-alala dahil hindi ko pababayaan si Mark. Ako na ho ang bahala sa expenses niya, at ako na rin po ang bahala sa inyo. Naniniwala ho ako na gigising din siya. Matapang po ang anak nyo. Mabuti siyang tao kaya hindi siya pababayaan ng Diyos," dugtong ko.

"M-maraming salamat po, Mrs. Deogracias," sabi ng ina ni Mark.

"Walang anuman po. Ako pa nga ho ang dapat na magpasalamat sa anak nyo. Sa kaunting oras na nakasama ko s'ya, nakita ko na napakabuti niyang tao."

He's the breadwinner of his family. Nag-aaral pa ang mga nakababatang kapatid niya at tanging pagtitinda lang ng gulay sa palengke ang kabuhayan ng mga magulang niya. Kaya naman habang hindi pa siya gumigising ay ako na rin ang bahala sa pangangailangan nila.

Habang buhay kong tatanawin na utang na loob ang ginawa niya para sa'min.

---

"Mommy, kamusta ang checkup mo? May progress na ba sa mga mata mo? Makakakita ka na ba next week, ah?" sunud-sunod na tanong ni Lindsay nang pagbuksan niya kami ni Glecie ng gate.

Kauuwi lang namin galing sa ospital na kung saan ay nakausap namin ang mga magulang ni Mark at dahil na rin schedule ko ng checkup sa araw na iyon.

Sa halip na ako ang sumagot ay si Glecie ang nagsalita para sa akin. "Okay naman ang mommy mo. T-tama ka, may progress na. Medyo gumagaling na raw s'ya sabi ng doktor."

"Talaga?" masayang sambit niya. "So, ibig sabihin ba no'n ay makakakita na si mommy next week?"

Ako naman ang sumagot, "Ah, oo anak. M-mukhang makakakita na nga ako next week," nautal kong sagot.

"Hay salamat naman kung ganon. Magiging normal na ulit ang buhay natin," sabay yakap sa 'kin ni Lindsay.

Ngunit hindi ganoon ang sinabi ng doktor. Kahit unti-unti nang nawawala ang hemorrhage sa occipital area ko ay wala pa rin daw progress sa paningin ko. Supposedly ang dapat ay nagkakaroon na ako ng blurry vision, pero hanggang sa sandaling iyon ay hindi pa rin ako makaaninag ng liwanag.

"Huwag kang mawalan ng pag-asa. May one week pa," sabi ni Glecie habang nakaupo kami sa may garden. Si Lindsay naman ay abala na sa pagluluto sa kusina sa oras na iyon.

"Hindi naman sa nawawalan na ako ng pag-asa, pero paano kung ito na talaga ang ibinigay sa 'kin ng Diyos? Paano kung tuluyan na akong mabulag?"

"Kung gano'n, e 'di aangkinin ko na ang restaurant mo. 'Tapos 'yung anak mo, hindi matatanggap ang pagkabulag mo. Maloloka s'ya at hindi na matutuloy ang kasal nila ni Jeffrey."

"Glecie!" inis na sambit ko.

"O, hindi ba 'yan ang gusto mong marinig? Iniisip mo na naman kasi na mabubulag ka, kahit malaki ang chance na maaari ka pang makakita. Kung hindi ka man makakita next week, pwede naman na lumagpas ng one month, 'di ba? Maging positive ka nga. May awa ang Diyos."

"Inihahanda ko lang naman ang sarili ko sa puwedeng mangyari. Oo, umaasa ako. Palagi kong ipinagdarasal sa Diyos na sana ay gumaling na ako, na sana bukas ay makakita na ako, pero natatakot ako na umasa ng buong-buo. Ayokong masaktan na baka balang araw ay sabihin na lang sa 'kin ng doktor na hindi na talaga ako makakakita. Gusto ko ay handa ako. Gusto ko ay tanggap ko na ng buong-buo kapag nagtapat ako sa anak ko." Tumulo ang luha sa aking mga mata.

"Ano ka ba naman?" Hinawakan ni Glecie ang mga kamay ko ng mahigpit. Naluha na rin siya sa sandaling iyon. "H-hindi puwede na mabulag ka. Alam mo naman na ikaw lang ang ka-bonding ko palagi, 'di ba? Nakakainis ka naman, pati ako ay naiiyak na rin. Magpaka-positive ka nga, bruha ka!"

Hindi na ako sumagot at niyakap ko na lamang siya ng mahigpit. Umiyak ako nang umiyak sa balikat niya.

"Kundangan ba naman kasi na parang teleserye ang buhay mo. Dinaig mo pa sina Claudine Baretto at Judy Ann Santos."

Pagkuwa'y kumalas siya sa pagkakayakap ko at hinawakan ako sa magkabilang-balikat. "Magpakatatag ka. Walang imposible kung maniniwala ka."

"Glecie..."

"Basta't ang maipapangako ko sa 'yo, kung ano man ang mangyari ay narito lang ako. Hindi kita iiwan. Si Lindsay, huwag mo s'yang masyadong isipin. Sigurado ako na hindi ka rin niya pababayaan."

Ngunit lumipas pa ang isang linggo ay hindi pa rin nagkaroon ng pagbabago. Hindi pa rin ako makakita. Tuluyan nang gumaling ang tama ko sa ulo, pero wala pa rin akong maaninag na pag-asa.

"H-hindi, mommy. Huwag kang magpapaniwala sa sinabi ng doktor na 'yon. Makakakita ka pa. Naniniwala ako na makakakita ka pa!" umiiyak na sabi ni Lindsay.

Hindi ko man siya gustong isama sa checkup ko, pero siya ang nagpumilit sa akin. Nahalata niya na kasi na wala man lang progress sa mga mata ko, na humigit isang buwan na ang nakalilipas ay hindi pa rin ako nakakakita.

Kasama rin namin na nagpunta sa ospital sina Jeffrey at Glecie.

"Anak, tanggapin na lang natin na bulag na ako. Wala na tayong magagawa pa," sagot ko sabay tulo ng luha sa mga mata ko. Hindi na rin napigilan nina Glecie at Jeffrey na maging emosyonal sa oras na iyon.

"Walang kuwenta ang ospital na 'to! Kung kinakailangang dalhin kita sa ibang bansa, gagawin ko mapagamot ka lang!"

Pinagtitinginan na siya ng mga tao sa ospital, pero wala siyang pakialam.

"Tama na, anak. Huwag na nating ipilit. Hindi ba't ang mahalaga ay nakaligtas ako? Sa kabila ng mga nangyari sa atin, binigyan tayo ng Diyos ng pangalawang pagkakataon para makasama pa natin ang isa't-isa. Iyon lang, sapat na sa 'kin, anak."

"P-pero ayokong mabulag ka, Mommy! Ayoko!"

---

"Okay na si Lindsay. Nakatulog na raw siya sa kuwarto sabi ni Fernanda," sabi ni Jeffrey nang balikan niya ako sa garden pagkagaling sa kusina. Ikinuha niya ako ng isang basong tubig. "Heto, uminom ka muna."

"Salamat," sabi ko at saka ako uminom.

"Huwag kang masyadong mag-alala sa kanya. Magiging okay din siya. Wala naman siyang magagawa kundi tanggapin ang nangyari."

Pagkuwa'y ibinaba ko ang baso sa lamesa.

Natahimik ang paligid na tanging hampas ng hangin lang ang aking naririnig.

Then suddenly, nakarinig naman ako ng mahihinang hikbi. Hanggang sa maisip ko na si Jeffrey pala iyon na ikinukubli ang pag-iyak sa 'kin.

"Jeffrey?" sambit ko.

Ngunit hindi ko inasahan na bigla niya akong yayakapin ng mahigpit. Hindi niya na napigilang ikubli ang nararamdaman at tuluyang napahagulgol na ng iyak sa balikat ko.

Wala man siyang maibukambibig sa sandaling iyon, ramdam ko kung gaano siya nasaktan sa nangyari sa 'kin. Walang pinagkaiba iyon sa naramdaman ni Lindsay.

"Shhh... Bakit ka ba umiiyak? N-nandito pa naman ako. Kakayanin ko 'to," sabi ko habang tumutulo na rin ang luha sa aking mga mata.


*****

Loving My Daughter's Ex-Lover [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon