Chapter 35

490 43 0
                                    

"Hindi puwedeng mangyari 'to," nag-alalang sabi ko sa harap ni Glecie habang paulit-ulit na tumatawag sa cellphone

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Hindi puwedeng mangyari 'to," nag-alalang sabi ko sa harap ni Glecie habang paulit-ulit na tumatawag sa cellphone.

"Ano ba kasing nangyayari, Marina?"

"Hindi kasi sumasagot si Jeffrey. Ni sa text o sa tawag ko ay hindi siya sumasagot. Maski si James ay hindi rin siya ma-contact. Kapag nalaman ni Lindsay na wala pa si Jeffrey, baka kung ano na ang isipin nya."

In ten minutes ay mag-uumpisa na ang kasal. Kumpleto na ang inaasahang mga tao na darating sa simbahan. Nakapuwesto na rin ang mga abay na lalakad sa aisle. Si Lindsay naman ay nasa limousine pa at hinihintay ang senyas ng wedding coordinator kung kailan siya bababa.

Samantalang si Jeffrey ay wala pa roon. At kahit sino sa amin ay walang nakakalam kung nasaan na s'ya.

"Ito na nga ba ang sinasabi ko, eh."

"Bakit?"

"Hindi ba't kinutuban ako noong isang araw na baka may mangyaring hindi maganda? What if... what if may nangyari palang masama sa kanya?"

"Huwag ka ngang magsalita ng ganyan," inis kong sagot. "Mas lalo akong natataranta d'yan sa sinasabi mo."

"Sorry naman," sabay peace sign niya.

"Alam naman natin na kaliwa't kanan ang security na kasama ni Jeffrey. Imposible na may mangyaring masama sa kanya."

"Paano kung nag-backout pala s'ya?"

Bigla akong natigilan at napabalikwas ng tingin kay Glecie. Nakaramdam ako ng kaba sa aking dibdib.

"Paano kung naisipan niya na huwag siputin ang kasal? Paano kung desidido pa rin si Jeffrey na ipaglaban ka?"

"No," sagot ko at umiling-iling ako. "Hindi nya magagawa 'yon. Nag-usap na kaming dalawa at may tiwala ako sa kanya na tutuparin niya ang kasal na ipinangako niya kay Lindsay. Alam niya na wala na siyang babalikan sa 'kin."

"Okay, okay," sambit ni Glecie.

Sinubukan niya akong pakalmahin nang mapansin na mas lalo akong nataranta sa sinabi niya.

"S-siguro baka na-traffic lang s'ya. Malay natin na-lowbat lang pala ang phone niya o baka naiwan niya sa condo. Ang mabuti pa'y puntahan ko muna si father. Makikiusap ako sa kanya kung puwede na medyo ma-late tayo."

"Sige, sige..."

Lalakad na sanang paalis si Glecie nang matigilan siya at nakitang papalapit sa amin si Lindsay. Kasama nito si Fernanda at ang isang staff na bitbit ang dulo ng kanyang gown.

"O, anak?" sambit ko nang makita siya.

Hinawakan niya ang kanang braso ko at isinama patungo sa sulok ng simbahan na kung saan malayo sa mga tao.

"Five minutes na lang ay mag-uumpisa na ang kasal. Hindi pa rin dumarating si Jeffrey," taranta nitong pagkakasabi.

"Anak, maghintay-hintay lang tayo." Hinawakan ko siya sa mga kamay. "Sigurado ako na paparating na 'yon. Hayun nga't makikiusap na si Glecie na kausapin si father na baka kung puwede ay ma-late tayo ng kaunti."

Loving My Daughter's Ex-Lover [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon