Chapter 24

660 48 2
                                    

"Bakit parang ang tamlay mo? Ayos ka lang ba?" pag-aalala ni Jeffrey sabay yakap niya mula sa aking likuran

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Bakit parang ang tamlay mo? Ayos ka lang ba?" pag-aalala ni Jeffrey sabay yakap niya mula sa aking likuran. Katatapos lang niyang mag-shower at tanging towel lamang ang nakatapis sa kanyang pang-ibaba nang lapitan niya ako sa kitchen. Abala naman ako sa paghuhugas ng mga pinagkainan naming pinggan sa hapunan. "Kanina ko pa kasi napapansin na napakatahimik mo. May problema ba?" dugtong niya.

Hindi ako sumagot. Nagpatuloy lang ako sa aking ginagawa. Then, iniwan muna ako ni Jeffrey para kunin ang isang flyer na nasa ibabaw ng refrigerator. Pagkatapos ay lumapit siyang muli sa akin at ipinakita iyon.

"Gusto ko sanang ilihim sa 'yo 'to, pero hindi na talaga ako makatiis," binuksan niya ang nakatuping flyer. "May magandang puwesto sa Quezon Province, oh. Pinaplano kong bilhin 'to para dito na tayo magpatayo ng magiging bahay natin after wedding. What do you think?"

"Jeffrey..."

"Maganda, hindi ba?" Ipinakita niya sa 'kin ang mga picture sa flyer. "Ang ganda ng location at malapit pa sa market. Pero kung hindi mo naman type, puwede pa tayong humanap ng iba. Marami pang puwedeng pagpiliang lugar sa Quezon Province."

Hindi na dapat ako nagpunta pa sa condo ni Jeffrey, ngunit kinailangan kong gawin 'yon.

Ang totoo ay nagpunta ako roon para tapusin na ang lahat. Buo na ang desisyon ko na makipaghiwalay sa kanya.

Masakit, ngunit hindi ko matitiis na habang buhay akong pagtataniman ng galit ng anak ko. Hindi ako magiging masaya kung hindi rin siya magiging masaya para sa 'kin. Mas pipiliin ko iyon kaysa intindihin ang sarili kong kaligayahan.

Kailangan mo nang tapusin ang lahat, Marina.

Pagkuwa'y nagtaka na si Jeffrey kung bakit nanatili akong tahimik. Marahil ay in-expect niya na masosorpresa ako sa sinabi niya, ngunit hindi ako natuwa o ngumiti man lang.

"Sigurado ka ba talagang ayos ka lang?" pag-aalala niya sabay dampi ng kamay niya sa aking noo. Ngunit kinuha ko iyon at inalis sa aking noo.

Tumingin ako sa kanya ng seryoso at ibinunyag ang isang pangyayari, "Jeffrey, alam na ni Lindsay ang lahat," bigla kong sabi.

Hindi kaagad siya nakasagot at halata ang pagkabigla niya sa sinabi ko. "P-paanong..."

"Narinig niya kami ni Glecie na pinag-uusapan ang tungkol sa 'tin."

"S-so, what happened?" Bumakas ang kaba sa kanyang mukha. "Naipaliwanag mo na ba sa kanya nang mabuti? Natanggap niya ba ang relasyon natin?"

Sandaling natahimik ako. Bahagya na lang akong napayuko at nagsimulang umiyak sa kanyang harapan. Marahil ay doon niya na naintindihan na hindi naging maayos ang pangyayari, na nangyari na ang matagal ko nang ikinakabahala sa relasyon namin.

"Huwag mong sabihing..."

"H-hindi matanggap ni Lindsay ang relasyon natin," nautal at lumuluha kong sagot. "Galit na galit siya. Pakiramdam niya ay inagawan at niloko ko siya," I added.

Loving My Daughter's Ex-Lover [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon