Chapter 3

970 54 2
                                    

"Mommy!" sambit ni Lindsay nang puntahan niya ako sa office ko sa Deogracias' Restaurant

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Mommy!" sambit ni Lindsay nang puntahan niya ako sa office ko sa Deogracias' Restaurant. Niyakap niya ako nang mahigpit kasabay ng pag-iyak. "I'm really sorry, Mommy. Miss na miss na kita. Sana mapatawad mo 'ko."

"Oo na, sige na. Nasasakal na ang Mommy mo," nakangiti kong sagot at bumitaw naman sa pagkakayakap si Lindsay. Hindi ko naman kasi kayang tiisin ang anak ko. "O, kamusta ka na? Ang tagal mong hindi nagparamdam, ah."

"Naging busy lang po ako, Mommy. Nagkaroon po kasi ako ng client sa Cebu. Then, after that nagpunta naman kami ni Johnny sa Maldives. Ang ganda po pala roon, Mommy."

Biglang nawala ang ngiti sa 'king mga labi nang marinig ang pangalan ni Johnny. Nahalata naman 'yon ni Lindsay at nanghaba ang nguso nito. "Mommy, ayaw mo pa rin ba kay Johnny? He's a nice man. One hundred times better than Jeffrey pa nga, eh."

Bumalik ako sa aking ginagawa. "Wala naman akong sinabi na ayaw ko sa kanya, hindi ba?"

Muli niya akong niyakap. "E, bakit nakabusangot ang mukha mo? Hindi mo pa yata ako napapatawad, eh."

"Matitiis ba naman kita?" Huminto ako sa ginagawa at humarap sa kanya. "Ang sa 'kin lang, sana magtagal ka na d'yan sa boyfriend mo. Huwag mo nang uulitin 'yong ginagawa mo dati. Magpaka-mature ka na."

"Susubukan ko po, pero sa tingin ko naman po ay magtatagal na ako kay Johnny."

Napailing ako. "Hayan ka na naman. Ganyan din ang sinabi mo noon kay Jeffrey. Hindi mo ba naaalala?"

"Totoo po 'yon, Mommy. Sa katunayan, napaka-maalaga po ni Johnny. Palagi siyang may time sa 'kin. Napakarami rin niyang alam gawin tulad ng pagluluto at napaka-adventurous pa niya." Then suddenly, kumunot ang noo niya nang ikumpara ang boyfriend kay Jeffrey. "Hindi katulad ni Jeffrey na laging busy. Inuuna pa niya 'yong ibang tao kaysa sa 'kin. Para bang nanlilimos ako ng oras sa kanya."

"Ikaw talagang bata ka, oh," ang tanging naisagot ko.

Ngunit deep inside ay nakaramdam ako ng kirot sa dibdib. Kung alam lang ni Lindsay ang nangyari kay Jeffrey.

Hindi ko naman iyon maikuwento sa kanya dahil ayoko na magtalo na naman kami.

Then, I changed the topic.

"Oh by the way, may plano ka na ba para sa twenty seventh birthday mo? Next week na 'yon."

"Oo nga pala! I almost forgot!" nabigla niyang sagot.

Tuwing magbi-birthday si Lindsay ay palaging magarbo ang celebration. Madalas ay sa hotel ito ginaganap at invited ang mayayamang friends niya.

Kahit magastos ay okay lang sa 'kin. Minsan lang naman iyon sa isang taon at ang mahalaga ay mapasaya ko ang anak ko.

"Siguro Mommy, dito na lang po muna sa resto natin."

"Dito sa Deogracias'? Ayaw mo na ba sa hotel?"

"Opo, dito na lang for a change. Marami pa po kasi akong inaasikaso sa work, eh. Hindi naman po puwede na kayo lang ang mag-asikaso ng birthday ko dahil busy din po kayo rito. 'Tsaka, parang nag-birthday na rin naman po ako nang magpunta kami ni Johnny sa Maldives."

Loving My Daughter's Ex-Lover [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon