Chapter 42

544 43 3
                                    

"Hello, mommy?" sambit ni Lindsay nang tawagan niya ako nang umagang iyon

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Hello, mommy?" sambit ni Lindsay nang tawagan niya ako nang umagang iyon. Nakagayak na ako ng pang-alis at naka-ready na rin ang mga dadalhin namin sa camping trip.

"O, anak? Nasaan ka na ba? Kanina pa nandito si Jeffrey. Baka ma-traffic tayo papuntang Laguna."

"Mommy, I'm sorry. Hindi ako makakarating."

"Ha? Ano'ng hindi makakarating?" Nang marinig ni Jeffrey ang sinabi ko ay lumapit siya sa akin. "Anak naman, naka-ready na ang lahat, oh. Nasaan ka ba ngayon?"

"Nandito po ako sa office. May ipinapagawa ho sa 'kin si boss at hindi puwede na tanggihan ko 'yon."

"O, e ano'ng gagawin natin ngayon? Bayad na tayo sa Kaliraya Surf Camp. Sayang naman kung hindi tayo pupunta roon, anak."

"Kung gusto nyo po, kayo na lang ni Jeffrey ang pumunta roon. Hindi na talaga ako makakahabol, eh."

"Anak naman---"

Bigla akong kinausap ni Jeffrey, "Ako na ang bahalang kumausap sa kanya." Then, kinuha niya sa 'kin ang phone at sa labas ng bahay kinausap si Lindsay.

Tinawag ko naman si Fernanda, "Fernanda?"

Lumabas ito sa kusina at lumapit sa akin. "Yes, madam? What can I do for you?"

"Ano kasi...," napakamot muna ako sa batok bago magsalita. "...puwede ka bang sumama sa camping? Nabayaran na kasi 'yon at sayang naman kung hindi magagamit."

"Naku, madam. Hindi ho ako puwede. Hindi ho ba't nagpaalam na ako sa inyo last week na may pupuntahan po ako mamaya? Fiftieth birthday kasi ng ate ko. Kailangan po na nandoon ako," sagot niya.

"Gano'n ba?" Bumuntong-hininga ako. "Naku! Paano ba 'to? Hindi naman puwede si Glecie dahil umuwi siya sa Cabanatuan. I-cancel ko na lang kaya ang trip namin?"

"Bakit mo naman ika-cancel?" ani ni Jeffrey na kababalik lang sa loob ng bahay. "Puwede namang pumunta na lang tayo roon na tayo lang dalawa. Ang sabi sa 'kin ni Lindsay ay tumuloy na raw tayo. Para makalanghap ka naman daw ng sariwang hangin."

Hindi ako nakatanggi sa kanya. Baka kasi isipin niya na ayaw ko siyang makasama roon. Inisip ko na lang na para naman 'yon sa kabutihan ko, na iniisip ni Lindsay ang kalagayan ko. Sayang naman ang ginastos niya kung ika-cancel ko na lamang 'yon.

Ngunit sa loob-loob ko ay may naramdaman akong excitement. Kahit na hindi ko magagawang makapag-sightseeing doon, masaya ako dahil makakasama ko si Jeffrey.

Ang totoo'y may nararamdaman pa rin ako para sa kanya at ni minsan ay hindi naman na nawala iyon. Alam kong ikakasal na siya sa anak ko, pero habang buhay ko na yata siyang dadalhin sa puso ko.

I will always love him, kahit alam ko na hindi na s'ya magiging akin.

Ngumiti ako. "Sige. Pumunta na tayo."

"Don't worry. Ako ang magiging mata mo. Idi-describe ko sa 'yo ang lahat ng magagandang bagay makikita ko roon. Ikaw na lang ang bahalang mag-imagine." Natawa naman kami ni Fernanda sa sinabi niyang iyon.

Loving My Daughter's Ex-Lover [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon