Chapter 2

30 0 0
                                    

The past

Tinatahak namin ang kahabaan ng zigzag na daan. Galing kaming nagcamping ng pamilya ko. Simpleng buhay lang ang meron kami. Si Nanay ay taga Davao at ang Tatay naman ang isang misyonaryong Espanyol na umibig sa aking ina. Ako ng naging bunga ng pagmamahalan nila. I'm half Filipino half Spanish. It's my 15th birthday kaya napagpasyahan nila Nanay at Tatay na magcamping kahapon. Pumunta kami sa site na madaming burol. Napakaganda ng tanawin. Nagpicture-taking kami. Nagbonfire at kumain kami ng hapunan. Ang saya lang ng araw ng kaarawan ko. I will never forget and cherish it forever.

Nasa likod ako ng sasakyan ng pauwi na kami. Medyo basa ang daan dahil kaninang madaling araw ay umulan. Buti na lang di kami nabasa sa tent na tinayo ni Tatay, waterproof pala yun.

Nang biglang prumeno si Tatay, hindi naman kami nagmamadali pero nagulat ako, ang lakas ng pagkakahampas ng dibdib ko sa upuan ni Tatay. Sa kurbada pala ang parte na ito. Blindspot kumbaga kaya hindi mo makikita hanggang di ka papunta doon. Nasa harap namin ay isang nagliliyab na Gas Tanker. Delikado sabi ni Tatay at Nanay. Natakot ako sa mangyayari kasi pwede sumabog un anumang minuto. Agad na kinambyo ni Tatay ang kotse paatras, nagpapanic na rin sya. I can see the fear in his eyes. Si Nanay ay kinumusta ako.
"I'm okay Nanay don't worry about me" nasanay na ako mag english dahil na rin kay Tatay. Sinanay nya ako magtagalog at mag-ingles para daw sa pag-aaral ko sa Kolehiyo. Pangarap nilang ipasok ako sa Ateneo de Davao. Matagal pa yun sabi ko nga sakanila.

Umaatras na kami ng mahagip kami ng sasakyan na kakakurba lang. Pasugod sa kotse. Mabilis ang pangyayari. Di ko matiyak kung nanaginip ba ako. Isa itong bangungot sabi ko sa sarili ko. Please wake up Jasmine! Sa kasawiang palad. Naitulak kami ng sasakyan sa Gas Tanker. Wasak ang harapan ng kotse. I see red in my eyes. Blood is dripping on my eyes. My head hit the front seat at ang ilan bubog ay tumalsik na din sa kanang braso ko. Nakita ko si Nanay at Tatay ng wala ng buhay. Namanhid ang buong pagkatao ko. Biglang bumukas ang pinto sa side ko at inalalayan ako ng isang lalaki. Siya kaya yun nakabangga samin?

pero nasabi ko na lang
"Please help, yun Nanay at Tatay ko nasa loob pa" paos kong nasabi. Humahagulgol na ako. Hindi dahil may masakit sa akin kundi dahil wala na ang mga magulang ko.

"Hush darling" sabi nun babaeng agad sumalubong sa akin.

"Baka hindi ko na sila mailabas sa sasakyan iha, nayupi ang kotse sa harap. Unang una kong binuksan ang pinto ng magulang mo before I went to you" sambit ng lalaki

"Hindi na tayo pwede magtagal dito, sasabog na ang Gas Tanker, manganganib tayong lahat."

"I called the police already and an ambulance will come here asap"

sabi nun babae.

Tumakbo ako sa sasakyan ngunit pinigilan nila ako.

"Nay, Tay!!" sigaw ko. Hilam na ng luha at dugo ang aking mga mata.

Nakita ko ang bumangga samin at yupi din at wasak ang front car nya. Wala din syang malay.
Is he dead? No! he can't be. Kailangan niyang panagutan ang kasalanan nya!

"Iha, he's dead" sabi ng lalaki sa akin. Dissapointed. He looked sad. And gave his sympathy to me.

Pinasok na nila ako sa White pickup at lumayo sa lugar. Biglang sumabog ang Tanker. Malakas. Mas lalong lumakas ang iyak ko. Nakakapagod. Nakakahilo. Ang hapdi ng ulo ko.

Kumulog at umulan din ng malakas.

Di ko na alam ang nangyari at paggising ko nasa puting kwarto na ako.

Love or not to loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon