Stalker
Sabay kami kumain ni Brandon. Hindi ko parin maalis sa isip ko na gusto niya ako noon pa. Madami akong tanong. Kailan niya prinint yun picture ko? Bakit nagustuhan niya ako? Hindi ko maisatinig baka may makarinig pa sa amin. Pagkatapos namin maglunch ay nagpaalam na ako na papanhik na ng kwarto para magupload ng pictures namin sa facebook.
"Susunod ako" sabi niya na sa akin at pumunta sa kwarto niya. Anung gagawin niya doon?
Nakadapa na ako sa kama ko at nagbrobrowse ng pictures sa laptop. I transferred it from my phone.
Bumukas ang pinto. Si Brandon. Dala ang laptop niya.
"Let's watch some movies, meron ako dito" masayang sambit niya. Umupo na ako sa kama.
"Okay, I'll upload this first and I saw your fb account, ang daming chicks ha!" tukso ko sakanya. Pero sa totoo lang nagseselos na ako. Ang daming nagmamahal kay Brandon. Madami siyang choice, isang text niya lang siguro mag kaka-girlfriend na siya. I feel so insecure. Umupo siya sa tabi ko.
"Kaya ayaw kitang i-add eh, baka ano pa makita mo at maghanap ka ng iba" tugon niya sa akin ng nakakaloko. Iniiwas niya ang kamay ko sa touchpad, para matigil ang paghalungkat ko sa wall niya. Nakikita ko ang mga naka-public lang na post. We're not friends sa fb. Even in real life, were not friends at hindi rin kami lovers. Eh ano kami? ano ang tawag sa amin?!
"Hindi naman tayo,walang tayo, hindi rin tayo bagay kaya okay lang siguro magkaboyfriend ako?" asar ko sakanya.
"I'll punch them to death!" banta niya sa akin. Sabay yakap sa akin.
"Lumayo ka nga, who are you, stalker!" nakatawa kong sinabi sakanya.
"Stalker huh? gusto mo rapist pa!" sabay halik niya sa leeg ko. At hinahaplos niya din ang necklace na bigay niya sa akin.
"Ahhhh!". pinigil ko ang sigaw ko, baka marinig kami sa labas ng kwarto. Napahiga na kaming pareho sa kama ko.
"Tama na Bran, nakikiliti ako, ano ba!" saway ko sakanya.
"Stalker pala ha!" lalo niya ako kiniliti sa baywang. At hinalik-halikan sa leeg.
"Stop it Bran, baka mapasigaw ako at marinig ako sa labas!" nakikiliti na talaga ako. He is inhaling in my neck. Nakakakiliti ang hininga niya.
"If you scream, I'll kiss you to make that mouth shut!" tukso niya.
"Tara na manood na nga tayo!" pag-iwas ko sakanya. Tinigil na niya, pero nakayakap parin siya sa akin.
BINABASA MO ANG
Love or not to love
RomanceJasmine Ferrera was adopted by the Silverios after an accident. She now have an older brother named Brandon Silverio. Noong una ay inakala nyang pangarap lang si Brandon, di niya alam na matagal na din siyang pinangarap ng binata. Ngunit kailangan m...