Ramp
Nakatulog ako ng madaling araw na. Maybe 3am? Di maalis sa isip ko ang mga pangyayari. Mas mabuti nga sigurong iwasan na namin ang isa't-isa. May kumakatok. Napabalikwas ako sa higaan. What time is it? tinignan ko ang cellphone ko.
11 in the morning! Napaupo ako bigla. Ughhh. Tinanghali na ako ng gising.
"Ma'am Jasmine, pinapagising na po kayo ni Donya Betty" sabi ng kasama namin sa bahay.
"Opo, pakisabi bababa na po ako sandali lang" sagot ko.
Bumangon na ako at nagmadaling naligo. I saw my reflection in the mirror. I've got puffy eyes, eyebags too. Ito ang napala ko kagabi. Napailing na lang ako.
Dumiretso na ako sa dining. Nandoon na si Papa, Mama, Brandon at Rigo.
"Good morning" I kissed Mama and Papa on the cheeks. Umiwas ako ng tingin kay Brandon. Si Rigo naman ay sinuklian ko ng ngiti.
"Sorry Ma, Pa, tinanghali po ako ng gising" paghingi ko ng paumanhin.
"It's okay iha, alam naman namin na napagod ka sa party kagabi" tugon ni Mama.
"Eat your brunch iha, mauuna na kami, may lakad pa kami" sabi naman ni Papa.
"Bye iha, Brandon ikaw na bahala dito sa bahay, bye Rigo" pagpapaalam ni Mama.
Umalis sila, may business meeting siguro. Nagsimula na akong kumain.
"Jassy, how are you? okay ka lang ba" tanong ni Rigo. Nasa harap ko kasi siya. Di ako makaiwas sa tanong niya.
"Ha? what do you mean?" patay malisya kong tanong at nginitian ko pa siya. Hindi ako tumitingin kay Brandon.
"Your eyes are swollen" sabi ni Rigo.
"Ahh, baka sa sobrang tulog" sabay tawa. Para hindi na humaba ang usapan. Kumain ako kahit wala akong gana.
"Rigo mamaya maglaro tayo ng basketball" pag-iiba ng usapan ni Brandon.
"Oo sige, tinext ko na sila" sagot ni Rigo.
Bumaling siya sa akin at nakangiti.
"Jassy, pwede kaba mamayang hapon? isasama sana kita sa game namin?" niyaya niya ako."Uhmm Rigo, di ako sure, may usapan kasi kami ni Cheska mamaya" sabi ko. Ayaw ko rin naman sumama dahil nandoon si Brandon. Salamat na lang at may lakad ako.
"Ah ganun ba, maybe some other time" nadismaya niyang sinabi.
"Oo sige, next time babawi ako" I reply. Pagkatapos ko kumain ay nagpaalam na ako sakanila na papanhik na sa taas. Kailangan ko pa mag-ayos ng mga gamit dahil magkikita pa kami ni Cheska mamaya, yun makeup artist ni Mama at sasamahan niya ako mag-audition for modelling. Sana makuha ako para magkaroon ako ng sarili kong pera. Sasabihin ko na lang kay Mama at Papa pag sure na nakuha ako.
Nagkita kami ni Cheska sa isang building. Nagpahatid ako sa driver. Gold Model ang tawag sa agency. Sumakay ako ng elevator papanhik sa 10th floor. Nakita ko na may mga naka-display na pictures ng mga model sa wall nila. Ang gaganda. Lalo tuloy akong naexcite. Lumapit ako sa may reception nun room.
"Do you have an appointment ?" sabi nun receptionist.
"Yes, I'm Jasmine Silverio , I'm with Cheska for an audition today at 4pm? Tugon ko sakanaya. 3:45 palang naman. Maghihintay na lang ako sa lobby.
"Okay, just wait there" sabi niya. Mukha naman siyang mabait.
"Jasmine, andyan ka na pala, tara pasok na tayo!" excited na sabi ni Cheska sa akin. Nag beso kami
"Uhhmm, okay lang ba na pumasok na tayo?" nahihiya kong sinabi.
"Yes, ikaw lang naman ang mag-aaudition ngayon. I'm friends with the boss kaya special tayo" kindat niya sa akin at sinama na niya ako sa loob ng mirror room. It's a rehearsal room at may ramp sa gitna. Ang ganda.
"Magprapractice muna tayo for 30 minutes. Malelate daw yun friend ko." sabi ni Cheska. Tumango na lang ako. Nagpalit ako ng heels. Tinabi ko muna ang flat sandals ko.
Nakuha ko naman agad kung papaano maglakad at magpose. Sabi nga ni Cheska ay napaka-natural ko. Masaya naman ako sa feedback na nakuha ko sakanya.
"Hi girls!"bati ng nakangiting lalaki, ang gwapo niya. Maybe he is 28 years old. He is hot. Nagbeso sila ni Cheska.
"Hello!" ganting bati ko. Nagsmile ako.
"This is Jasmine Silverio" I want us to shake hands, kaso hinatak niya ako and he kiss me on the cheeks.
Nakakagulat naman ang ginawa niya. Sabi ko sa sarili ko. Napangiti na lang ako.
"I'm Tommy, nice to meet you" sabi niya.
"Nice to meet you too Sir Tommy" sabi ko. I'm blushing.
"I'm currently looking for a model,there is one slot left and it will be next week. Can I see how you do in the catwalk?" sabi ni Tommy.
"Okay" I replied at nagmadali ng pumunta sa dulo ng ramp. I compose myself and did my best to walk like a real model. Nagpose and turn din.
Pumalakpak siya ng matapos ako.
"You're the best Cheska, you know my taste" sabi niya.Lumapit na ako sakanila."Good job Jasmine, you're hired. By the way, how old are you?" sabi niya sa akin.
"I'm 15" sabi ko ng kinakabahan. Baka hindi ako makuha dahil sa edad ko.
"You look matured, don't worry honey, you will just need to ask your parents to sign the waiver because you are underage" nabasa niya yata ang iniisip ko. Lumiwanag ang mukha ko ng sinabi niya yun.
"Thank you Sir Tommy!" bulaslas ko.
"You're welcome honey, just wait for the contract for 15 minutes and you can go" nagbeso na siya sa amin ni Cheska at nagpaalam na.
"You did great Jasmine!" excited na sabi sa akin ni Cheska.
BINABASA MO ANG
Love or not to love
RomanceJasmine Ferrera was adopted by the Silverios after an accident. She now have an older brother named Brandon Silverio. Noong una ay inakala nyang pangarap lang si Brandon, di niya alam na matagal na din siyang pinangarap ng binata. Ngunit kailangan m...