Upuan
After my song number ay tumuloy na ako sa table namin nila Brandon. Nakita ko siyang nakatitig sa akin.
Nagustuhan kaya niya yun pagkanta ko? bakit nakatitig siya sa akin?
Madaming tanong sa isip ko. Niyaya na ako ni Rigo na kumuha ng pagkain. Niyaya ko naman si Brandon.
"Bran, come on let's get some food?" sabi ko. Sumama naman siya sa akin.
"Let's talk later okay?" pabulong niyang sinabi sa akin. Nagtaka naman ako, anong pag-uusapan namin? Masarap ang food. Nagbeer ang mga boys at cocktails ulit sa girls. Uminom lang ako ng isa. Baka mapagalitan ako kay Mama at Papa.
May live band na tumutugtog at niyaya ako sumayaw ni Brandon.
Sweet dance. Kasama namin ang mga lovers.
"Thank you sa surprise birthday na ito" bulong ni Brandon sa tenga ko. Pinipigilan ko lang sarili ko. Kanina pa ako kinikilabutan sa pagbulong niya sa akin. Baka may makahalat sa amin.
"Stop it Bran!" nakangiti ako pero nanggigil yun pagkasabi ko. Nakuha niya naman ang sinasabi ko kaya tumigil na siya.
Sinasayaw ni Papa si Mama. After ng isang song ay nagpalit kami ng partner ni Mama. Kasayaw ko na ngayon si Papa. After ni Papa sinayaw naman ako ni Rigo.
"Jassy, pwede ba ako mag-overnight dito?" paalam niya sa akin. Nagbibiro ba siya?
"Bakit ako ang tinatanong mo Rigo? Ask Brandon" nakangiting tugon ko. Nahagip ng mata ko ang matalim na titig ni Brandon. Nagseselos nanaman siya. Patay.
"Uhmm Rigo, upo na tayo, sakit na ng paa ko eh" pagdadahilan ko. Hindi pa kasi tapos ang kanta. Pinagbigyan ko lang si Rigo kasi nakakahiya naman tumanggi. Pinagpaalam niya ako kay Papa. Ngayon kailangan na magdahilan kasi nga ang sama na ng timpla ni Brandon.
"Okay, nakalimutan kong nakaheels ka nga pala. By the way, sobrang ganda mo tonight" sabi niya sa akin.
"Thank you Rigo, you look good too" sincere kong sinabi. Totoo naman. Ang gwapo niya sa tuxedo niya. Mas lalong napapansin ang pagka-chinito niya pag ngumingiti at tumatawa siya.
Dumating si Brandon sa table namin at pinatayo ako. Umupo siya sa upuan ko. Magkatabi kasi kami ni Brandon.
Sa mata ko iniiwas niya ako kay Rigo. Sa mata ng iba pinagtritripan niya ako kaya pinaalis niya ako sa upuan ako.
Tumabi na lang ako kay Coleen at nagpatay malisya. Nagkatawanan pa nga ang iba.
"Pare naman, ang daming upuan dyan, bakit pinatayo mo pa si Jasmine?!" natatawang sinabi ni Rigo.
"Namiss na kasi kita Pare! nawala ako ng ilang araw diba?" natatawa na ring sinabi ni Brandon.
"bromance pala kayo!" hiyaw ng mga ibang andoon at nagkatawanan na sa table namin.
Natapos na ang gabi. It was a success. Umuwi na ang mga bisita. Si Coleen ay nagpaalam na sa akin. Kasama niya si Jerry. Baka pupunta sa hotel. Nagpasalamat din sa akin si Jerry at niyakap pa ako. Nakita ko nanaman si Brandon, madilim ang mukha. World war nanaman ito. Nakuu. He is watching my every move. Di ko nalang siya pinansin at nagpaalam na kay Mama at Papa.
"Goodnight Ma, Pa, magpapahinga" sabay halik sakanila sa pisngi.
"Goodnight iha, we love you" sabi ni Mama.
"I love you both" tugon ko sakanila. Tinapunan ko ng tingin si Brandon. Nag-kwekwentuhan pa sila nila Rigo. Nakatitig din siya sa akin at tinanguan ako. Pumanhik na ako sa taas.
BINABASA MO ANG
Love or not to love
RomanceJasmine Ferrera was adopted by the Silverios after an accident. She now have an older brother named Brandon Silverio. Noong una ay inakala nyang pangarap lang si Brandon, di niya alam na matagal na din siyang pinangarap ng binata. Ngunit kailangan m...