Chapter 20

15 0 0
                                    

Ako

Throughout the duration of our trip ay katabi ko si Brandon. Tinanong nila akong lahat kung okay na ako.

"I'm okay now guys" sa mahinang boses. Kunwari ay nanghihina parin ako. Si Simone ay iritado sa akin. Si Brandon na ang nagcheck-in sa amin kaya hindi ko na nakatabi si Rigo. Hindi kami nagpahalata. Nagtitinginan kami pero hindi kami nag-uusap. At siya nga pala, wala naman kaming relasyon. Nakakalungkot dahil isa lang iyong panaginip na pag-uwi ng Davao ay agad na akong magigising.

Hindi niya sinabing mahal niya ako. Bata pa kami. Kailangan muna namin makasigurado sa nararamdaman namin.

Nung nasa airport nakami.

Nagtext siya, nakuha ko agad na sa text message kami mag-uusap.

Brandon:

"Tabi tayo,
at sa tabi mo si Coleen :-)

Napangiti na ako.

Ako:
"Okay lang sa akin kahit sino ang katabi ko :-) " panunukso ko sakanya

Brandon:
"talaga lang ha, ayaw mo akong katabi? kahit sino gusto mong katabi? I'm sorry but you need to stick with me sweetheart :-* I wanna kiss and hug you right now"

Namula nanaman ang pisngi ko. He always make me feel good. Hindi na ako nagreply dahil baka saan pa mauwi ang usapan. At tinawag na kami sa flight namin. He wanted to carry my handbag, umiling na lang ako. He hold my hand noong pagtake-off ng airplane. Hinawakan ko din ang kamay ni Coleen para hindi kami mahalata. Kumukuha din naman ako ng lakas galing sakanila.

Sinundo kami ng white montero. Si Mang Pilo ang naatasan sumundo sa amin dahil busy si Mama at Papa sa negosyo. Sumakay na kami ni Brandon sa likod. Magkatabi parin kami syempre. Hinawakan niya ang kamay ko. Nilagay ko ang bag ko sa kandungan ko para hindi kami makita ni Mang Pilo. HHUMB - holding hands under my bag naman kami ngayon.

Tumuloy na muna ako sa kwarto ko para magbihis at makapagpahinga muna. Hinatid niya ako sa pintuan at binigay ang luggage ko.

"Magpahinga kana" sabi niya sa akin na tinititigan ang mata ko.

"Ikaw din" tugon ko na namumula ang pisngi sa pagkakatitig niya.

"I'll call you pag kakain na tayo" pahabol niya at pumasok na ako sa kwarto.

May nagtext hindi pa man ako nakapagbihis. Agad kong tnignan kung sino.

Brandon:
"May cctv sa buong bahay and I can't kiss you :-( " napangiti ako sa text message niya.

"Forget about it and rest Bran :-) "  hindi ko pinansin ang sinabi niya. Sinadya ko yun para maalis din ang tensyon namin. He did not reply. Nagalit yata. Nagpalit na ako ng damit at nahiga muna. 11:30 am palang naman. Tinext ko si Brandon.

Ako:
"Bran? are you mad?" dumaan pa ang ilang minuto at hindi parin siya nagreply.

It's 12:30 already. Napabalikwas ako. Dumaan ang oras ng di ko namamalayan. Katext ko si Mama at Coleen. Kumalam ang sikmura ko, I'm starving. Wala parin text or tawag galing kay Brandon.  Napagpasyahan kong sumilip sa kwarto niya. I'll use the door sa veranda.  Paglabas ko ay nakita ko ang pinto niya. Pinihit ko ang doorknob at bumukas, hindi nakalock. Pumasok ako. Natutulog si Bran, nakadapa. He is topless! I can see his broad shoulders. His masculine back. Umiwas ako ng tingin.

I saw his room for the first time. It's painted in blue. His couch and his bed is color white. Sa bedside table niya ay may nakaframe na pictures. Dalawang frame. Ang una ay family picture nila, nakalandscape view. Maybe kuha iyon noon maggraduate siya ng highschool. He's handsome. Medyo payat pa siya noon. I think that's 2 years ago.

Ang pangalawang frame ay hindi ko makita ng maayos. Medyo mas maliit ang frame na ito in portrait view. Kinuha ko at tinignan ng mabuti ang larawan. Napakasimple ng pananamit niya. Nakaside view ang babae at nakayuko. Nasa isang kwarto. Mukhang seryoso. Ang buhok ay kagaya ng sa akin. At pinakatitigan ko talaga. Parang ako eh, ako nga! Napasinghap ako sa natuklasan ko. Pinicturan niya ako 4 to 5 months ago, habang nagtetake ng exam. After namin magkabungguan.

Umungol si Brandon, sa pagkabigla ko ay nabitawan ko ang frame at bumagsak sa paanan ko. Nagising siya ng tuluyan. Nakita niya ako at tuluyan ng nagising, and he turned. Tinignan niya kung ano ang bumagsak. Buti na lang hindi nabasag ang frame dahil naka-carpet ang sahig. Hindi naman maingay yun pagkakahulog nun frame, pero nagising ko parin siya.

"I'm sorry" sabi ko sakanya. Namumula parin ako sa pagkapahiya at  baka galit siya sa akin.

"What are you doing here?" sabi niya, bumangon na at pinulot ang picture frame sa paanan ko. Natameme ako. Hindi na ako nakakilos pa. Binalik niya ito sa bedside table.

Nakaboxer lang siya. Mas nanuyo ang lalamunan ko at the sight of him. Tumalikod ako at tinago ang pamumula ko.

"Ahmm, why do you have a picture of me Bran?" sabi ko sa mahinang boses. Gusto ko malaman. Matagal na ang picture na yon. Baka kakaprint niya lang last week? tanong ko sa sarili ko.

"wala, pangtakot ng daga?" sabi niya.

Galit akong humarap sakanya. Nakakainis ang mokong na ito.
"Bakit di mo ako sagutin ng maayos Bran?" nakita niya yata na naiirita na ako. Lumapit na siya sa akin at hinapit ako payakap sakanya.

"Because I like you since then"its a whisper at masaya ako sa narinig ko. Sino ba naman ang hindi kikiligin sa pag-amin na gusto ka ng gusto mo?

"What if Mama and Papa found out?" sabi ko ng may agam-agam. Natatakot ako.

"Hindi sila pumapasok sa kwarto ko sweetheart" sabi niya. Ang lakas ng loob niya. Bilib din ako sakanya ha. Hindi naman kasi siya ang maiipit sa amin.

"Tara na, kain na tayo" at kumalas ako sa yakap niya. Ayaw ko lang na baka biglang may pumasok sa kwarto niya at maabutan kami sa ganoong posisyon.

Nahulaan niya ang iniisip ko.
"No one will enter here without my permission" sabi ni Brandon.

"Pumasok ako ng tulog ka Bran" nangingiti kong sinabi. Ang yabang kasi eh.

"I didn't lock the adjacent door, that's why, Ikaw lang ang pwedeng pumasok dito" napanganga na lang ako sakanya.

Love or not to loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon