Chapter 17

15 0 0
                                    

Panalo

Natapos ang hapon. Kumagat na ang dilim. Magdidinner na daw kami. Nagkayayaan mag buffet dinner sa beach at may liveband pa. Nanood din kami ng mga firedancer.

Napagpasyahan magswimming sa pool ng hotel namin. Gusto nilang maglaro kami. By pair. Yun nasa taas ng balikat ng mga boys yun girls. Si Simone syempre agad hinatak na partner si Brandon. Ang mga lovers ay kasali si Gabby/Sheena, Nica/Louie. Si Coleen may nakilala sa hotel namin na FilAm, muy gwapito. Si Jerry Middleton. Nagvacation lang din siya dito. Aalis na din siya with his family after 2 days. Kapareho namin. His province is in Cebu. Malapit lang sa Davao, infairness, may future sila ni Coleen. Napangiti na lang ako sakanila. They look good together.

"You have no choice Jassy, you're my partner!" masaya na sinabi sa akin ni Rigo. Tumango na lang ako. Nakakahiya tumanggi baka sabihin nila na kj ako. Nauna kaming naglaro. Me/Rigo and Coleen/Jerry. Nagvivideo pa si Nica at Louie.

Inalis na namin ang shorts at top namin. Bawal ang hindi swimsuit sa pool. Hinintay ako ni Rigo na lumusong sa tubig. Sa malalim na parte niya ako dinala para mailagay na niya ako sa balikat niya. I can feel his hands on my legs. Nakita ko na naman ang matalim na titig ni Brandon sa akin. Iniwasan ko na lang ang titig niya. Nakaready na rin si Coleen at Jerry na parehong bakas sa mukha ang saya. They're enjoying huh? I'm happy for Coleen. Napatawa na rin ako sakanila. Enjoy yun game. Natalo ko si Coleen. Bumagsak siya sa tubig. Mas matangkad kasi ako sakanya. Advantage pala yun sa laro na ito. Nang ibaba ako ni Rigo ay niyakap niya ako. Masaya siya sa pagkapanalo namin. Kaya hinayaan ko na lang. May bumasa sa amin. Ang lakas ng tilamsik ng tubig sa amin. Nakita kong sinadya iyon ni Brandon para maghiwalay kami.

Silang tatlong pares naman ang naglaro. Nanalo si Brandon at Simone. Gusto nila maglaban naman kami. Umiiling pa nga ako nun una. Nakatitig nanaman si Brandon sa akin.

Pwes humanda kayo sa akin ni Simone mo Brandon. Papainumin ko siya ng water sa pool. Naiinis na ako sayo. Lagi na lang akong mali sa paningin mo. Samantalang ikaw okay lang na may kaakbay at kahawak na babae huh? ako bawal.

Nilagay na ako ulit ni Rigo sa balikat niya. Seryoso ako sa laban pero kunwari nakangiti ako. At nanalo kmi ni Rigo. Syempre malakas ako kay Simone. Mas may motibo ako manalo. Natawa na lang ako ng makita ko siyang iritado sa pagkabagsak sa tubig. Si Brandon din ay madilim ang mukha.

"Ang galing niyo Rigo, bff!" sigaw ni Coleen na nagvideo sa phone niya. Katabi at kausap niya parin si Jerry.

Buti na lang may mga complimentary robe at towel dito sa pool. Hindi kami nilamig. Nagstay muna kami sa pool and ordered some drinks. Beers para sa guys at cocktails para sa mga girls. Ayaw ko sana uminon ngayon, sabi naman ni Coleen okay lang yun. Hindi naman matapang. I ordered margarita.

Ang sarap nun margarita. Nakatatlo ako. Mainit siya sa katawan. Nagkwekwentuhan parin sila. Si Coleen at Jerry ay nagpaalam ng aakyat at maliligo na. Hindi na muna ako sumama, nag-order pa kasi ako ng isa pang margarita. Pang apat na.

I texted Mama at Papa na nasa hotel lang kami at nagkwekwentuhan and were having some drinks. Sinabi nila na huwag ako iinom ng matapang. I told them it's just a cocktail. Okay sabi naman nila at mag-ingat daw kami. I said goodnight na. It's 11 in the evening.

"Akyat na ako Bran, where's the card" nilapitan ko na siya.

"Sabay na tayo, guys goodnight see you tomorrow!" paalam niya na. At nakita kong nakasimangot si Simone sa akin. Hindi ko na lang siya pinansin.

"Pabayaan mo na yung ampon niyo Brandon, dito ka muna, hindi naman mawawala yan" biro niya at nagtawanan na sila.

Napasinghap ako. Okay na sana yung biro niya kaso sinabi niya pang ampon ako. Narinig pa sa ibang table. Pinahiya niya ako. Tumingin ang ibang tao sa akin. Tinignan ko na lang si Simone. Hindi ko papatulan ang papansin na ito.

"Shut your fvcking mouth Simone, she's my sister and were going" sabi ni Brandon sakanya. At hinila n niya ako.

Buti nga. Nasupalpal ang bibig niya. Hindi na nagsalita. Ako pa rin ang panalo.

Medyo umiikot na ang paningin ko. Napadami ang nainom ko. Napansin yata ni Brandon at inalalayan niya ako hanggang sa kwarto namin. Nakita ko ang repleksyon namin kanina sa elevator. We look like lovers.

"Iinom inom ka hindi mo pala kaya" galit na sabi niya sa akin ng pinaupo na niya ako sa kama.

"Sorry Bran, di na mauulit, please huwag mo na lang sabihin kay Mama at Papa" sabi ko sa mahina na boses. Nahihilo na talaga ako. Hindi ko na uulitin.

"Drink this!" galit na binigay niya ang malamig na bottled water sa akin.

"Thanks Bran, huwag kana magalit please" sabi ko sakanya.

"Maligo kana para mahimasmasan ka" malumanay niyang sinabi. Naawa yata sa akin. Lagi na lang siyang galit at nakasigaw sa akin.

Gumaan ang pakiramdam ko sa malamig na tubig na ininom ko. Kumuha na ako ng damit at naligo. Hindi na ako nagblowdry ng buhok. I want to hit my bed.

Nakita ko si Bran na may kausap sa phone. Baka si Simone. Umiling na lang ako at naglakad na papunta sa kama. I'm sleepy.

"goodnight Bran" pagpapaalam ko na matutulog na ako.

Tinignan niya lang ako. Hindi siya umimik. Ang sungit.

Love or not to loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon