Chapter 15

10 0 0
                                    

Summer

Natuloy ang summer get away na plinano nila Rigo. Kasama si Coleen. Si Gabby at girfriend niya si Sheena. Si Nica at ang boyfriend niya si Louie. Si Brandon at si Simone unfortunately.

Pinagpaalam ako ni Rigo kay Mama at Papa. 3 days and 2 nights din kami sa Boracay. Ayaw ko na sana sumama kaso pinilit ako ni Coleen. Wala daw siya kakawentuhan kasi puro lovers ang kasama. Nagtaka nga ako bakit kasama pa si Simone eh hindi naman siya girlfriend ni Brandon. Napag-alaman ko na mag- pinsan pala sila ni Sheena un girlfriend ni Gabby.

Bumangon ako ng 4am. We have a flight at 6am. Ang lamig, buti na lang may heater ang banyo. Naligo na ako ng mabilis at nagbihis na. Nag-hair bun na lang ako ng buhok. Tinaas ko yung pagka-set parang sa mga korean. Naglagay ng tinted moisturizer with spf and lipgloss. Sprayed d&g on my pulse.

May kumatok. Binuksan ko na hila-hila yung luggage ko. Colored in hot pink. So kikay. Buti na lang meron ganitong bag sa closet ko. Pinaghandaan talaga ni Mama ang mga gamit ko. Kumpleto.

Si Brandon ang nasa labas. Kinuha niya ang luggage ko sa kamay ko. I flinched by his touch. Tumayo nanaman ang balahibong pusa ko. Wala kaming imikan. No one even said a word. Tuloy tuloy na kami sa Fortuner ni Papa. Si Mang Pilo ang maghatid sa amin sa airport. Inayos niya sa likod ang luggage Sa likod na ako pumwesto para hindi na mahirapan ang ibang susunduin namin. Sumunod siya sa akin. Tabi kami. Walang nakaupo sa front seat. Akala ko doon siya uupo. Nasa tabi kami pareho ng bintana. May space sa gitna namin. Wala kaming kibuan hanggang sa airport. Nakita na namin sila Coleen at Rigo. Hinayaan ko nalang na hilahin ni Brandon ang maleta ko. I don't want to speak or makipag-argue sakanya. After 5 minutes dumating na si Gabby kasama si Sheena at Simone. Si Simone ay agad yumakap kay Brandon.

miss niya agad eh lagi naman sila magkasama. These past few days laging wala sa bahay si Brandon. I conclude na kasama niya si Simone. Sino paba.

"Jassy, tara tabi tayo? Nag check-in na kami. Nakakuha kami ng tabi-tabing upuan para sa atin" excited niyang sinabi sa akin. Napangiti na din ako at tumango. It's my 1st flight kaya medyo kabado ako.

Si Rigo sa tabi ng bintana, ako sa gitna at si Coleen sa tabi ko na natulog na agad. Nakita ko si Brandon na tumabi sa bintana sa linya namin. Katabi niya si Simone. Yun iba sa harap at likod na namin. Pero mag-katabi parin ang mga lovers na sila Gabby at Sheena. Nica at Louie.

Medyo kinabahan ako noong nagtakeoff na ang plane. Napansin yata ni Rigo kaya hinawakan niya ang kamay ko. Hindi ko na inalis kasi kumukuha din ako ng lakas sa kanya. Hinawakan ko din ang kamay ni Coleen. Siguro natrauma ako noong nagbakasyon kami. Noong naaksidente kami ng mga magulang ko. Napatingin ako sa banda nila Brandon. At nakita kong nakatuon ang mga mata niya sa kamay namin Rigo. Pumikit na lang ako para di ko makita ang galit sa mata niya.

what's the matter with him? He's always mad at me.

Di ko namalayan na nakaidlip pala ako sa byahe. 30 minutes lang ang duration ng flight from Davao to Kalibo, Aklan. Saktong nagising kami ni Coleen. Bumababa na ang mga pasahero sa unahan. Nasa gitna kaming bahagi ng eroplano. Nasa braso pala ni Brandon ang kamay ko. Di ko na siguro namalayan na nailagay ko doon. He is smiling at me. Gumanti na lang din ako ng ngiti.
"Goodmorning Jassy" bati niya sa akin.

"Morning, let's go?"

"Coleen, gising kana!" sabi ko sa katabi kong parang pagod na pagod. Baka hindi siya nakatulog kagabi sa excitement. Natatawa na lang kmi ni Rigo sakanya.

Bumaba na din kami at naglaad papunta sa Baggage section. Kinuha na ni Brandon ang maleta ko. Nasa bandang unahan kasi siya. Hinintay ko na lang makuha ni Coleen ang sakanya at naglaad na papunta sa Van ng Shangri-La Resort. Package na siguro ang binook nila. Wala akong alam kung magkano ang trip na ito. Sabi sa akin ni Rigo, si Brandon na ang nagbayad para sa akin. Wala rin naman akong magagawa. Hindi na ako nakipagtalo pa sakanya. Pinabayaan ko na lang. Bahala siya. Pero kasi akalain niyang sinasamantala ko ang kabaitan niya. Pag nasa resort na kami, babayaran ko na lang siya.

After more than an hour na byahe sa Van, nakita kong sasakay kmi sa yatch. Ininstruct kami na magsuot ng mag-life jacket. After 15 minutes nasa Boracay Island na kami. Kailangan pa namin sumakay ulit sa Van ng resort. Mabilis lang at nakarating na kami sa isang luxury hotel. The Shangri-La Hotel. Namangha ako sa amenities ng resort. Ang ganda. May sariling malawak at malinis na swimming pool. They booked four bedrooms. Si Coleen and Rigo ang magkasama sa isang room. Sa 2nd room si Gabby/Sheena and Simone. Sa third si Nica at Louie. Which leave me to be with Brandon.

Shocks naman. Diba usapan na namin mag-iwasan. I didn't see this coming. Kami pa talaga ang magkasama sa room? Bakit di na lang si Simone??
Kaya pala dala dala niya lagi ang luggage ko.

Room 508. Mamaya kakausapin ko siya pagkapasok sa room namin.

bakit hinayaan niyang magkasama kami!

Diba gusto mo siya? sabi ng traydor kong utak.

Pagkasara pa lang ng pinto. Nakita ko siyang bitbit ang luggage ko papunta sa closet. Inuna niya ang nasa akin.

"Bran, can we talk?" sabi ko sakanya.

"what about?" sabi niya na nakatalikod parin sa akin.

"Bakit tayo ang magkasama sa room? Pwede naman kayo ni Rigo sa isang room at kami ni Coleen dito?" mahina kong tanong sa kanya.

Humarap siya sa akin
"Ang sabi ni Mom at Dad, huwag tayo maghihiwalay, pinagbilin ka nila sa akin sweetheart" sambit niya.

"You will be safe with me"

narealize ko na nga baka about ito sa sindikato or kidnapper. Lumabas na ang balita na inampon ako ng isang bigating businessman. Baka nga may mangyaring masama kung hindi kami mag-iingat. Nasa ibang lugar kami. Pero alam kong may mga bodyguards parin nakasunod sa amin at nasa paligid lang sila.

"Don't worry I'll sleep on the sofa" sabi niya sa akin sa matabang na boses.

"Bran, ang tangkad mo, sasakit ang katawan mo sa sofa. You can sleep on the bed, ako na lang sa sofa." taos sa puso kong sinabi. Ayaw kong sumakit ang katawan niya. Sakto lang ako sa sofa.

"Okay na ako sa sofa, huwag mo ng pahabain ang usapan Jas" medyo galit na siya.

"Hmm Bran, magkano pala yun gastos sa bakasyon na ito? Let me pay it, may pera naman ako."

"Don't worry about it, keep your money" kumuha lang siya ng sando, naghubad siya sa harap ko at nagbihis.

napasighap ako kasi nakita ko ang yummy body niya. Kanin na lang ang kulang. Ulalammmm!

sa pagkabigla ko sa ginawa niya hindi na ako nakakilos. Natulos ang paa ko sa kinatatayuan ko. He smirked at naglakad papunta sa ref.


Love or not to loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon