Chapter 16

17 0 0
                                    

Shirt

Si Brandon ay kumuha lang ng inumin at umupo sa sofa. Tinitignan ang kilos ko. Alam kong nakatingin siya sa akin, nararamdaman ko ang titig niya sa likod ko. Inaayos ko ang mga damit namin sa closet. Sa left side yun sakanya. Inuna ko na yun sakanya, mas konti ang dala niyang mga gamit sa akin.

Nakita ko ang mga briefs. Itatabi ko na sana sa side ng maleta niya kaso baka sabihin niya na maarte ako. Kaya pikit mata kong hinawakan at nilipat sa closet. Yun toothbrush at mga panglalaki niyang toiletries ay nilagay ko sa Bathroom namin.

Pagbalik ko nakita kong nabuksan na niya ang maleta ko. At nakatambad sa kanya ng mga undies ko.

Grabeeeeee Brandon! bakit mo ba tinitignan ang mga undies ko! shocks! Pervert! kung pwede lang tusukin ang mata niya ginawa ko na!

Bigla akong napatakbo at sinara ang maleta ko.

"Anong ginawa mo Brandon?" nanlaki ang mata ko sakanya. Sa pagkashock.

"Gusto sana kitang tulungan mag-ayos ng mga gamit mo kaso kaagad kang bumalik, ang ganda pa naman ng tanawin ng mga undies mo. Fiesta, iba't ibang kulay!" tuwang tuwa na sabi niya.

aba't ang mokong na ito.Bastos na nga pinagtritripan pa ng undies ko! Anong problema niya sa panty at bra ko! Inaano ba siya ng mga yun???!

"Bran, umupo ka na lang sa sofa please" mahinahon kong sinabi sakanya kahit sa loob loob ko ay sobrang naiinis ako sakanya.

"Sorry na, pikon nito!" nakatawa parin siya.

"lumayo layo ka muna sa akin Bran, please lang" nakakapikon ka kaya! buti na lang maganda ang gising ko at hindi ko siya pinatulan.

"Bilisan mo, bababa na tayo. Magbibihis na ako" sabay kuha niya ng damit sa closet. Naupo siya ulit sa sofa at may kausap sa phone.

Nakaboardshorts na siya at sando ng lumabas siya sa banyo. Tinapos ko na rin ang pag-aayos ng mga damit ko. Sinigurado kong nailagay sa drawer ang mga undies ko. Baka pagtripan nanaman ng mokong na to.

Nagbihis na din ako. Suot ko ang neoprene lime green/black na binili namin ni Mama at black na crochet cover-up. Nagshorts na din muna ako ng gold. Kakain pa kami ng brunch. Nilagay ko sa canvass bag ko ang tanning lotion. Para gamitin mamaya.

Pagkalabas ko ay nakita kong sinuyod ako ng mata niya. At nakikita kong nag-iba ang ekspresyon ng mukha niya. My cheeks blushed. Bigla akong nahiya sa suot ko. Lahat naman ng nakikita ko kanina ay naka 2piece na bikini. Conservative pa nga ang dating ko dahil nakashorts pa ako at cover-up. Ikaw ang ma-o-o.p. dito sa boracay pag hindi ka nagswimsuit. Yun ang masasabi ko.

"Kanina pa nagba-vibrate ang phone mo sa bag mo, tumatawag daw si Mama sayo, tinawagan na niya ako at sinabi kong nag unpack ka ng bagahe natin at nagbihis ka" paliwanag niya.

"I'll call her" at naupo ako sa tabi ni Brandon, kasi nandoon ang phone ko. Agad kong dinial ang number ni Mama sa phone ko.

"Hello, Ma, I'm sorry I was busy unpacking our luggage, nope we haven't had breakfast yet, I know it's time, we'll go out now to eat brunch, Okay, takecare Ma, kiss me to Papa. I miss you both!" napangiti na ako. At nagblush nanaman ng makita kong nakatingin siya sa akin.

"let's go. tinext na ako ni Rigo. Nasa baba na sila" Tumango ako bilang pagsang -ayon.

Nasa lobby na nga sila at ng makita ako ni Rigo ay agad niya akong sinalubong. Nakabihis na din sila ng pangligo. Nakaboardshorts at white sando. Si Coleen naman ay suot na ang swimsuit na regalo ko sakanya at white shorts.

Love or not to loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon