chapter 2:

59 3 0
                                    

"Ate uwi na ba tayo..??

"Oo mak-mak sa bahay ka na magpapagaling at sabi ng doktor mo kailangan mo na sariwang hangin....

Sasama ba sa atin si kuya tristan..??

Hindi mak ee,...pero dadalaw daw siya sa atin,sure yun at alam kung laging tatawag para kunustahin ka...

Sana ate,kasama na rin natin siya noh..ang bait niya...lagi niya akong binibigyan ng laruan...

Ngintian ko nalang ang kapatid ko habang nililigpit ang mga gamit namin..nandito pa kami sa hospital at naghihintay na sa baba ang maghahatid sa amin sa bahay...

Sa bahay na pinatayo ni tristan para sa amin ng kapatid ko...

Nipa lang kasi ang bahay nami dati,at ngayon pina bonggalow niya...

Hindi siya mahirap mahalin,napakabait niya,lahat nalang ng bagay na maganda na sa kanya..

Pero alam ko sa sarili ko na hindi ako nababagay sa kanya...

At tinging kapatid lang ang turing ko sa kanya...

At higit sa lahat gagawin ko to para matulungan ko rin siya..

Hindi ko kailangang mag isip,o magdalawang isip..

Gagawin ko ang lahat para matupad ang gusto ng mama niya...

Simple lang naman ang gusto ng mama niya,ang magkaroon ng plantasyon ng mga bulaklak...

Napakasimple para sa akin na kahilingan yun..

Bakit hindi siya mapagbigyan ng kapatid niya...

Naiisip ko tuloy masama ang ugali ng kapatid niya..>_<

Hindi ko pa siya nakita,

Ni sa picture wala din..

Nababanggit lang siya ni tristan..

Pero hindi ko pa nakita ng pagmumukha niya..

Sinarado ko ang zipper ng bag at kinuha naman ng driver namin ni mak,lumapit ako sa kapatid ko at inalalayan ko siya...

-

Pagkarating namin sa probinsya namin maraming tao sa harap ng bagong bahay namin...

Hindi ko inakala na ganito ang pinatayo niyang bahay...

Malaki,dalawang palapag...red orange ang pinta sa labas...

Wala pang mga halaman...

Magandang umaga po..bati ko sa mga matatandang nandun..

Magandang umaga rin eneng...abay ang ganda mo..pumuti ka..oh mak-mak kumusta ka naman,balita ko magaling ka na ah..

Ah opo..^_^

Mabuti naman..abay tulungan ko na kayong maipasok yang mga dala niyo para makapag pahinga kayo..

Naku huwag na po...

Hay naku hayaan mo na sila hija,halika may pagkain kaming hinanda dun,kumain na kayong magkapatid...

Salamat po...

Hay naku talaga ang batang toh oh...huwag mo ng isipin yun hija..hindi mo alam kung gaano kami nagpapasalamat at nakilala namin dati ang mga magulang mo...sambit niya...nakangiti..kaya nginitian ko rin sila..

Si aleng melba yun ang pinaka pangulo dito sa aming brgy,si tatay mayaman ,si nanay mahirap,pero tinakwil ng pamilya ni tatay ang mga magulang niya kaya naghirap sila...si tatay isang engineer at siya dati ang hinihingan ng tulong kapag may magpapatayo ng bahay,siya ang nangunguna,tumutulong..

Pero nawala bigla lahat yun nong namatay sila ni nanay...

Pareho silang nalunod sa ilog..sa may tulay..may bagyo noon at hinihintay ko sila,pero hindi sila dumating..hanggang kinabukasan natagpuan nalang ang bangkay nila sa gilid ng pampang...

-

NAgising ako ng maaga at nagtungo ako sa kusina para magluto...

Napatingin ako sa paligid ng bahay,ngayon ko lang napansin na kompleto sa gamit ang bahay...

May isang set na sofa,center table,isang flat screen na t.v,dvd player,at mga vcd disc,mp3 player,speaker..electricfan...

Si tristan talaga...

Pumunta ako sa kusina at doon bumungad sa akin ang mga bagong kitchen tools..at iba pa..may ref din..binuksan ko iyon at puno ng pagkain...binuksan ko ang mg cabinet at nakita ko ang mga groceries...mga delata at pasta...

Naglabaa na ako ng lulutuin at nagsimula na akong magluto...

-

Pagkatapos kung magluto ay naramdaman kung nag vibrate ang cellphone ko..

Hello tristan..??

Heg misis,kumusta na kayo diyan..??

Heh...salamat tristan...garagal kung sambit..naiiyak talaga ako...

Hey hindi ko sinabing umiyak ka misis...nasaan si mak-mak??

Ha..ah tulog pa siguro hindi pa kasi siya bumababa...

Ay ganun ba...okay listen misis because i have a surprise for you...

Ha??tristan..

Hahaha..anyway im the one who made this..kaya alagaan mo ha..

Ano ba yun??

Okay...pumunta ka sa likod ng bahay niyo...

Okay??sambit ko at naglakad palabas ng kusina kung saan papunta sa likod ng bahay...

May makikita kang isang malaking puno diyan..umakyat ka doon..sa likod non may hagdan akong ginawa..

Okay..?

Umakyat ka at makikita mo ang surprice ko..okay..alis na ako,susunduin ko ang kapatid ko ngayon sa airport...

Okay,ingat..salamat tristan ha...

Your always welcome misis..

Che...

Hahahaha....

Tsk..

Okay,tawag nalang ako ulit mamaya alright...

Sige take care...

I will...

End call..

Umakyat na ako sa puno hanggang sa my nakita akong tabla...

May nakasulat doon...

Secret garden...??

Napakunoot noo ako at tinulak ang tabla at doon tumambad sa paningin ko ang isang...

May mga tablang magkakadikit...

Na ginawang square..at may lupa..may mga pananim na bulaklak..

Oh my god...

Did he made all this..??

&quot;the secret garden&quot;completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon