Prologue

288 19 0
                                    

Kahit madilim at maputik na ang daan, nagpatuloy kami ni Dencio na bagtasin ang masukal na kakahuyan.

Bangkay dito, bangkay doon.
Kaliwa't kanang umaalingasaw na parte ng tao ang tumambad sa amin. Ang ilan ay nabubulok na at ang karamihan ay inu-uod na.

"Takpan mo ang ilong mo, masyadong masangsang." suhistiyon ni Dencio at akmang ibinigay sa akin ang pinunit na katsa mula sa kaniyang damit.

"Mas importante sa akin ang makita si Lola. Marami akong tanong. Marami akong sagot na gustong marinig mula sa kaniya." tugon ko naman at patuloy na isinasawalang bahala ang patay na taong lumiligid sa amin.

"C-cynthia-"
gulat na timbreng tugon sa akin ni Dencio at agad na nagulantang nang tingnan ang kaliwang bahagi ng kakahuyan.

"Hinahanap mo ako, apo?" isang pamilyar na boses ang umalingawngaw sa tahimik na kakahuyan.

"Gusto mo bang umuwi na si Lola Maura sa tahanan? Pangako, tayong dalawa na lamang, apo, hanggang sa huling hininga." sambit nito na siya ring nagpakita mula sa madilim na bahagi ng kakahuyan. Walang saplot ang matanda. Ni isang tela mula sa katawan niya ay wala kang mababakas.

"Ano ako? Sino ako?" agad ko namang sambit sa kaniya.

Samantala, hinawakan ni Dencio ang mga balikat ko at akmang pinapakalma ako.

"Ikaw-? Ikaw ang apo ko." nakangiting tugon naman nito sa akin.

"Lola, huwag mo na akong paikutin pa sa mga salita mo. Sino ako at ano ako. " sigaw kong muli sa kaniya.

"C-cynthia, huminahon ka." agad namang pagpipigil ni Dencio sa akin.

"Tumahimik ka!-"

"Uhhh-"

Dala ng poot at galit, aksidente kong nasaksak ng matulis na kutsilyo ang binatang si Dencio. Pati ako ay nagulantang sa mga nagawa ko. Mismong reaksiyon ko ang magpapatunay na ano man ang nagawa ko ay hindi ko iyon intensiyon.

"D-dencio? H-hindi ko sinasadya Dencio." imik ko sa kaniya habang nakikitang humahandusay ang binata.

"D-dencio-" pagdaragdag ko.

"Kasalanan mo ito, Lola. Kung hindi dahil sa'yo, baka hindi ko iyon nagawa kay Dencio." galit kong pagbabaling ng galit sa matanda.

"Kaya mo bang saktan si Lola?" imik ng matanda habang patuloy kong tangan ang kutsilyo.

"Cynthia, huwag. Huwag mong gagawin yan." sambit naman ni Dencio na siyang nakahandusay na sa sahig habang patuloy na umaagos ang kaniyang mga dugo buhat sa tiyan.

"Matanda iyan. Hindi mo ba naiintindihan? Matanda na siya." pagdaragdag pa nito.

Habang pinagmamasdan ang binatang si Dencio na nawawala sa wisyo. Awa at galit ang nararamdaman ko.

Ngunit...

Malagkit na dugo.
Bakit ganito? Nagagalak ako sa malagkit na dugo?

Hindi kaya?-

"Pagmasdan mo ang paligid mo, apo. Kung matalino ka, makikilala mo ang sarili mo-"
sambit ng matanda sa marahan nitong boses.

"Ang lihim ni Lola ay mananatiling lihim, hanggang sa huling hininga ko, mahal kong apo."
pagdaragdag pa nito.

"Ako ang-"

Ang Lihim ni Lola Maura [PUBLISHED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon