KABANATA XII: Disyembre, 1865

99 14 2
                                    


“Sa pwesto ko?” pag uulit ko naman kay Mang Pedring.

“Bakit daw doon nakita?”

“Hindi ko din masagot, Cynthia. Kaya nga agad akong nagtungo dito, para masabi sa iyo.” paliwanag naman sa akin ni Mang Pedring.

“Mahirap na, Cynthia. Baka madamay ka pa.” pagdaragdag nito.

-
-
-

Matapos ibalita sa akin ni Mang Pedring ang nangyari, agad akong pumasok sa bahay, hinahanap si Lola Maura upang magpaalam patungo sa kabayanan.

“Si Gimo ang pupuntahan mo? Tama ba?”

Mula sa madilim na parte ng kusina ay bumungad sa akin si Lola. Nakatungo at bahagyang nakangisi. Lumapit siya sa akin nang marahan gamit ang kaniyang tungkod.

“Delikado ang binabalak mo, Apo. Baka kuyugin ka ng taong bayan, kung sakaling mag pakita ka roon.” bulalas ni Lola Maura sa akin habang patuloy na lumalakad.

“Lola, kahit ano naman gawin at sabihin nila. Malinis ang konsensya ko.” tugon ko naman kay Lola sa mababang boses.

“Sige na, Lola. Kailangan kong intindihin ang pwesto ko sa bayan.” sambit ko naman at dali-daling lumabas ng bahay.

“Bahala na.” huling salitang namutawi sa aking bibig.

Naisip ko rin kasi ang habilin sa akin ni Lola. Maaaring tama siya. Maaaring kuyugin ako ng taong-bayan at idawit ako sa pagpaslang kay Mang Gimo.

Ngunit...

“Hindi.” 

“Ang puwesto ko ang dapat kong iniisip.”

Disyembre, 1865

Oh, Cynthia, nanjan ka na pala.” bulalas sa akin ni Aling Rosy.

“Ang puwesto mo, kinukuyog ng tao, nangangamba ako sa ilang saging na naiwan mo roon. Baka mayumpit at hindi na mapakinabangan. ” pagpapaliwanag naman sa akin nito.

“Kaya nga po ako nagmamadali, Aling Rosy.” tugon ko naman sa kaniya kahit na hirap parin sa pag habol ko sa aking hininga.

“Mahihirapan akong pasukin ang lipon ng tao. Napakarami.” pagdaragdag ko pa.

Hinahangos pa ako matapos kong takbuhin ang kabayanan. Kung makiki gulo agad ako sa napakaraming lipon ng tao, baka ako naman ang sumunod na mawala.

“Hintayin ko nalang na humupa ang tao, pag sasawaan din nila iyan.” banggit ko sabay naki upo ako sa isang bangkito sa tabi ng pwesto ni Aling Sianing na siyang nag titinda ng karne doon.

“Hindi pa ba tayo masasanay sa patayan? Eh halos araw-araw nang may karne ng tao na tumatambad sa atin, hesus ko.” ika ni Aling Sianing habang nag tataboy ng langaw sa kaniyang mga paninda.

“Lilikumin ko na nga muna ang paninda ko, baka kung ano-anong langaw na ang dumarapo dito, layuan ng mamimili.” pagdaragdag nito sa akin.

Makailang minuto pa ang lumipas, agad na dumating ang opisyal bayan upang tukuyin ang nangyari.

Malupit pa noon ang mga opisyal. Hinahataw ng latigo ang kung sino mang nagpapaharang-harang sa kanilang dinadaanan. Talagang mga pasista.

“Alis jan! Magsi-alis kayo!” sigaw ng isang opisyal na naka-kulay kayumanggi na uniporme.

“Magsi-uwi na nga kayo! Ni hindi kayo katatas-pulong dito! Uwi!” mando naman nito sa mga lipon ng tao, dahilan para numipis ang mga ito.

“Kaninong tinda itong mga napagyapakan na?” mahinahong imik naman ng isa pang opisyal. Bata pa sa tindig at boses.

Tumayo ako sa aking kinauupuan at marahang lumapit sa mga ito.

“Akin ho, Ginoo.” agad kong imik hindi pa man ako nakakalapit ng maayos sa mga opisyal.

“Walang kahit na anong danyos kang matatanggap.” suplado nitong bulalas.

“Ipapalinis lang namin itong pwesto mo at idi-dispatya ang nagkalat na parte ni Mang Gimo.” pagdaragdag pa ng makisig na binata sa akin.

Naaalala ko sa kaniya si Dencio, matangkad, moreno at talagang matikas ang pangangatawan.

“Anong tinitingin-tingin mo?”

“Ah. Eh. Salamat ho, Ginoo.” banggit ko sabay tungo.

“Maaari ka nang umuwi, Binibini.”




Kapit-sáya akong umuwi sa bahay. Tila, nagma- Maria'ng kamatis ang aking mga kilos...

Ngunit hindi...

Hindi ako maaaring umibig sa ibang lalaki. Inaasahan ko parin ang pagbabalik ni Dencio.

Nang makauwi na ako sa bahay. Agad kong ibinalita kay Lola ang nangyari.

“Salamat nalang sa itaas at ligtas kang nakauwi, apo.” bungad nito sa akin.

“Sinabi ko naman sa inyo, Lola. Maayos ang magiging lagay ko. Hindi naman ako katatas doon sa patayan.” paliwanag ko naman kay Lola sabay hawak sa mga kamay nito.

“Oo, apo. H-hindi nga.” tugon naman nito.

Hanggang ngayon, hindi ko parin makalimutan ang hitsura ng opisyal na iyon. Ang masungit niyang mukha, ang labi, ang lahat sa kaniya.  Talagang, wangis nito si Dencio, iyong iyon.

Habang tila pinapantasya ang binatang opisyal na nakita ko kanina, naramdaman ko naman na pawang may gumagapang sa aking talampakan, dahilan para ako'y makaramdam ng hindi pangkaraniwang kiliti at kati sa aking paa.

“L-langgam?”

“T-teka, bakit naparami naman ata ang langgam sa kwarto ko?” bulalas ko sa aking sarili.

Nang sundan ko ang pila ng mga langgam na ito, napansin kong nagbubuhat ang mga ito sa kabilang parte ng kwarto.

“S-sa kwarto ni L-lola?” pagtataka ko sa aking sarili.

Bagaman puno ako ng tanong. Hindi ko narin ginawa pang malaking bagay ang mga langgam na nagmumula sa kabilang kwarto, marahil dala lamang iyon ng pagka hilig ni Lola na magdala ng pagkain sa loob ng kaniyanv kwarto.

9 Disyembre, 1865


Habang nasa hapag-kainan kami ni Lola, isiningit ko nadin sa usapan ang mga langgam at iba pang insekto na namamalagi sa kaniyang silid.

“Lola, nagdadala ba kayo ng pagkain sa loob ng inyong kwarto? ” agad kong pag tatanong sa kaniya.

“H-hindi, apo. Bakit?” pagtugon naman ng matanda sa akin habang patuloy na kumakain.

“Nilalanggam sa kwarto niyo Lola eh, buti nga at hindi gaanong kadamihan.” wika ko kay Lola.

[*tinggg ]

Nailaglag nito ang kaniyang kutsara.

Mas lalo akong nagtaka, sa mga oras na iyon, mas lalo kong isinaisip na may itinatago sa amin ang matandang si Lola Maura.

“Wala ka naman siguro tiningnan o  ginalaw sa mga gamit ko, hindi ba? ” imik nito sa akin, sabay pinta ng seryosong mukha sa akin.

“Mahirap kung magagalaw mo ang mga gamit pawang hindi naman talaga para sa iyo.” pagdaragdag naman nito.

Pinangilabutan ako sa sinabi ni Lola sa akin.

Agad kong tinapos ang hapag at pumasok sa loob ng aking silid.

Ngunit...

“Teka...”

“Panibagong langgam?”

“Ano bang inililihim mo, Lola?”
bulalas ko sa aking sarilli.


Ang Lihim ni Lola Maura [PUBLISHED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon