“Apo, hindi mo kailangang panghinaan ng loob dahil lang sa may nawala na naman.” pag damay sa akin ni Lola.
Kasalukuyan kong ikinukulong ang sarili sa silid. Dala ng sobrang hinagpis na aking nararamdaman.
“‘La? Ang batang si Flavio.” sambit ko habang patuloy na umaagos ang aking luha.
“Masyado siyang bata upang makaranas ng ganoong pangyayari. Sumasagi sa utak ko ang bawat detalye ng kaniyang pagkamatay.” pagdaragdag ko sabay yakap sa aking Lola Maura.
“Tao po?”
“May tao po ba jan?”
isang maskuladong boses ang patuloy na kumakatok sa bahay.Agad namang lumabas si Lola para alamin kung sino ang taong nag tatawag.
[𝘗𝘢𝘯𝘢𝘯𝘢𝘸 𝘯𝘪 𝘓𝘰𝘭𝘢 𝘔𝘢𝘶𝘳𝘢]
Hirap man akong maka-agulapay, pilit kong ikinilos ang aking mga paa patungo sa labas ng silid ng apo ko upang alamin kung sino ang patuloy na kumakatok sa pinto.
Nang buksan ko ito, tumambad sa akin ang mga opisyal ng nayon, kasama si Tenyente Almaro at Kapitan Hugo.
“Tenyente—
Kapitan, napabisita kayo?” agad kong bulalas sabay pinta ng ngiti sa mga labi.“Pasok muna kayo, mukhang malayo ang nilakad niyo.” pagdaragdag ko sa kanila.
“Lola Maura, nasaan po si Cynthia?”
ika ni Tenyente Almaro habang inilalagay ang kaniyang mga palad sa bulsa ng pang ibaba nito.“Siya po ang nais naming makausap, Lola. Kung mamarapatin niyo sana, iharap niyo sa amin ang apo ninyo.” pagdaragdag ni Kapitan Hugo.
“Nagpapahinga ang apo ko, magpasa-hanggang ngayon, hindi parin nakakalimot ang bata sa nasaksihan niya noong nakaraang araw.” sambit ko naman sa kalmadong pananalita.
“Kung inyong mapagbibigyan, Kapitan, Tenyente, maaari bang bumalik na lamang kayo sa susunod na araw?” pagdaragdag ko at akmang sasaraduhan na sana ang pintuan.
“Sandali” pamimigil ni Cynthia sa akin sabay lapit sa harapan ni Tenyente Almaro at Kapitan Hugo.
“A-apo...”
[𝘒𝘢𝘵𝘢𝘱𝘶𝘴𝘢𝘯 𝘯𝘨 𝘗𝘢𝘯𝘢𝘯𝘢𝘸 𝘯𝘪 𝘓𝘰𝘭𝘢 𝘔𝘢𝘶𝘳𝘢]
Suot ang kamisetang asul, pinilit kong tumayo at pahiran ang mga luhang patuloy na umaagos sa aking mukha.
Hindi dapat ako magmukhang apektado sa mga nangyayari. Matapang ang Cynthia na nakilala nila, malamig ang pakikitungo sa lahat at tanging ang Lola Maura lamang niya ang nangingibabaw sa puso nito.
“Sandali.” pamimigil ko kay Lola Maura na akmang sasar’han ang pintuan.
“Ano ang kailangan niyo?” pagdaragdag ko pa habang patuloy na lumalapit kay Tenyente Almaro at Kapitan Hugo.
“May ilan lamang kaming katanungan sa iyo, Cynthia.”tugon naman ni Tenyente Almaro sa akin.
“Simulan na natin, Tenyente. Ayoko pa namang pinag hihintay si Cynthia.” bulalas ni Kapitan Hugo sabay tingin sa akin mula ulo hanggang paa.
Ang sutil na Kapitan Hugo na ito. Manyakis na mula pa noong una. Kung hindi ko lamang alam, ay kaliwa‘t kanang dalaga na ang binusabos nito.
Agad naman akong napatabon sa aking dibdib at tumungo. Malaki ang tanda sa akin ni Kapitan Hugo, ngunit alam kong may pagtingin na ito sa akin buhat pa lamang noon.
BINABASA MO ANG
Ang Lihim ni Lola Maura [PUBLISHED]
Mystery / ThrillerTaong 1865, anim na taong gulang pa lamang ay ulila na sa mga magulang ang ngayo'y desa-sais anyos na si Cynthia. Buhat noon ay siya na ang tumataguyod na mag-aruga sa kaniyang Lola Maura na siyang nag alaga sa kaniya sa mahabang panahon. Bagaman m...