Enero, 1866
[Pananaw ni Dencio]
Sa biglaang pag-alis ni Teresa, inaamin kong mahihirapan ako. Tila, nawalan ako ng isang paa upang magpatuloy sa mga plano ko.
Ngunit mas inisip ko ang tiwalang binigay sa akin ni Teresa. Umaasa siyang mareresolba ko ang lahat ng ito, kaya iyon ang gagawin ko.Minabuti kong puntahan si Cynthia para kausapin sa pag-alis ni Teresa, magiging hudyat ko narin ito upang makapag paliwanag sa kaniya sa biglaan kong paglisan. Habang patungo sa kanila, ramdam ko ang kaba.
Galit kaya siya sa akin? May tampo?
Nanaisin kaya niyang makita ako? O ipagtatabuyan niya lang ako?Kung ano pa man ang magiging resulta ng magiging hakbang ko, tatangpin ko. Ayokong maging duwag sa mga mata niya gayong patuloy siyang gumagawa ng paraan para malaman ang totoong diyablo.
Nang makapasok ako ng tarangkahan, si Lola Maura ang bumungad sa akin. Napangiti naman siya at kumaway na pawang inaanyayahan akong pumasok sa bahay. Nagpatuloy naman ako. Nang pagbuksan niya ako ng pinto, pininta niya ang matamis na ngiti mula sa kaniyang labi.
“Ligtas ka, apo.” Aniya.
“L-lola M-maura,” tugon ko naman sabay yakap sa kaniya.
May pagdududa man ako sa kaniya, hindi pa rin mawawaglit ang pagmamahal ko sa kaniya. Hindi rin naman ako sigurado sa lahat ng akusasyon ko sa kaniya at wala rin siyang ipinakitang masama sa akin.
“Tuloy ka, Dencio,” paanyaya niyo sabay pinaupo ako sa nangingintab na silya.
“Si Cynthia, Lola?” Banggit ko naman sa kaniya. Hindi ko na rin siguro kailangan pang magpatumpik-tumpik.
“Nangangahoy si Cynthia, maya-maya pa ay nandito narin siya,” tugon naman sa akin ni Lola Maura.
Hindi na ako makapag-hintay pa kaya’t nagpaalam narin ako agad kay Lola na susundan ko si Cynthia sa kakahuyan.
“Apo, sigurado ka bang makikita mo siya sa kakahuyan? Masyadong masukal doon,” aniya. “Isa pa, maaari mo naman siyang intayin, nasisiguro kong makakauwi na rin iyon, kanina pa siya umalis.” Pagdaragdag pa nito sa akin.
“Ayos lang, Lola. May importanteng sasabihin lang naman po ako sa kaniya na hindi ko na maaari pang ipagpaliban,” paliwanag ko kay Lola Maura. “Tutuloy na po ako Lola.” Pagdaragdag ko pa sa kaniya.
“D-dencio,” pagtatawag nito sa akin.
Nang lingusin ko si Lola, nakita kong tangan niyo ang isang hindi kahabaang itak.
“L-lola, bakit may hawak kayong itak?” Nangangamba kong tanong sa kaniya.
“Dalhin mo, apo. Mahirap na, baka makakita ka ng mabangis na hayop. Mainam ding pang depensa sa sarili.” Paliwanag ni Lola sa akin.
Agad ko namang kinuha ako inialok niyang itak at agad na nagtungo sa kakahuyan.
Makulimlim ang panahon at pawang nagbabadyang umulan. Tama lang para sunduin ko si Cynthia. Mahirap nang abutin pa siya ng malakas na ulan. Trabahong lalaki itong ginagawa niya. Ngayon nalang ulit ako makakabawi sa kaniya.
Habang binabagtas ko ang masukal na kakahuyan, dinig ko ang isang babaeng tila may kinakausap.
“Salamat naman sinamahan mo ako, ang hirap kasi si Lola, mahina na ang katawan,” aniya. “Noon, si Dencio ang nakakasama ko sa mga ganitong bagay. Ngayon, umaasa parin akong baka darating na lamang siya ng wala ring pasabi kagaya ng pag alis niya.” Pagdaragdag pa nito.
Pamilyar ang boses na iyon kaya minabuti kong hanapin kung saan iyon nagmumula. Nang makasilip ako sa bandang puno ng kawayan, nanindig ang balahibo ko.
“C-cynthia?”
Si Cynthia ang boses na iyon? Ngunit ang mas lalo kong ipinagtaka sa pangyayari ay kung sino ang kapulong niya. Pinagmasdan kong maigi ang kinatatayuan ni Cynthia. Mukha akong baliw na pawang naghahanap ng mas lalong ikasisira ng ulo ko.
“Sinong kausap mo, Cynthia?” Bigkas ko sa aking sarilli.
Panandalian akong napalinga sa likod ko sa misteryosong mga kaluskos na narinig ko, ngunit wala naman ni isang tao na naroroon. Nang silipin kong muli kung saan naroroon si Cynthia, laking gulat ko na wala na ito roon.
“Sinong sinisilip mo?” Isang malamyos na boses ang bumasag sa tahimik na kakahuyan.
“C-cynthia...”
“Ah, eh, wala,” tugon ko naman sa kaniya.Ang ipinagtataka ko, pawang wala lang sa kaniya ang makita ako. Inaasahan ko sanang magugulat siya o mabibigla sa biglaan kong pagpapakita, pero hindi. Normal ang lahat sa kaniya.
“C-cynthia...”
“D-dencio, babalik ka pa pala,” aniya. “Hindi ko inaasahan na babalik ka matapos mong umalis.” Walang emosiyong bigkas nito sa akin.
Nahiya ako sa mga sinabi niya, mukha lang simple ang pagkaka bigkas ngunit bawat litanya ay may halong kulay. Hindi ko lamang mawari kung ano iyon.
“Cynthia... Patawad,” tugon ko sa kaniya. “Patawad, sa lahat. Sa biglaan kong pag alis.” Pagdaragdag ko pa sa kaniya.
“Umalis ka man o hindi, wala naman ako mararamdaman. Dencio, wala na akong pakialam sa lahat,” aniya. “Mas iniisip ko ngayon si Lola.”
Lumingos siya at binagtas ang direksiyon palabas ng kakahuyan. Sinundan ko naman siya. Ang ipinagtataka ko, nasaan ang mga nakuha niyang kahoy?
“Nasaan ang mga nakuha mong kahoy? Sabi kasi ni Lola Maura nangahoy ka raw,” wika ko habang patuloy ko siyang sinusundan. “Inipon mo na ba? Tulungan na kita.” Pagdaragdag ko pa.
“Hindi na kailangan. Nadala ko na sa bahay. Kanina pa.” Tugon naman niya sa akin.
Nagulantang naman ako sa naging tugon niya. Paanong nadala na niya ang mga nakuha niyang kahoy? Sinong nakasama niya? Tumulong?
Habang patuloy ko parin siyang sinusundan, umaalingasaw ang masangsang na amoy. Hindi ko maipaliwanag. Ang alam ko lamang ay amoy iyon ng nabubulok. Amoy basura, malansa na pawang nabubulok na isda.
“May tumulong sakin kanina. Pinauwi ko narin agad at baka hanapin pa siya.” Wika niya sa akin.
Marahil iyon na ang kapulong niya kanina. Pero imposible. Wala akong nakitang kausap niya kanina. Paano nangyari ang bagay na iyon?
“Napaka presko ng hangin dito, Dencio,” napatigil siya sa paglalakad sabay lingos sa akin. “Lagi akong naririto simula ng umalis ka. Payapa rin kasi.” Pagdaragdag pa nito sa akin.
Kunot-noo akong tumitig sa kaniya. Nakakasuka ang amoy. Paano niya nagagawang sabihin na presko ang lahat?
“Ayos ka lang ba Cynthia?” Sambit ko sa kaniya. “Hindi kita naiintindihan.”
Hindi naman niya ako pinansin. Muli ay nagpatuloy siya sa paglalakad hanggang sa kapwa namin narating ang bahay.
Kataka-taka ang kilos ni Cynthia. Hindi ito ang Cynthia na nakilala ko. Naguguluhan ako. Kanino pa ba ako dapat magtiwala?
Kailangan ko bang kumilos mag isa? o hayaan ko nalang mangyari ang dapat mangyari?
Bahala na.
BINABASA MO ANG
Ang Lihim ni Lola Maura [PUBLISHED]
Mystery / ThrillerTaong 1865, anim na taong gulang pa lamang ay ulila na sa mga magulang ang ngayo'y desa-sais anyos na si Cynthia. Buhat noon ay siya na ang tumataguyod na mag-aruga sa kaniyang Lola Maura na siyang nag alaga sa kaniya sa mahabang panahon. Bagaman m...