Umuwi akong tinatanong ang aking sarili kung sino ang misteryosong taong nagbigay mensahe sa akin.
Posibleng kakilala ko na siya, ngunit maaari ding isang taong sumusubaybay na sa akin mula pa noong una.
—
Nobyembre, 1865
Kasabay ng pagkawala ni Favio, hindi na muli pang nagparamdam si Dencio. Ang sabi ng ilan, nangibang bayan na daw ito upang takasan ang sumpa ng nayon na kinabibilangan niya.
Hindi ko akalaing sa isang saglit, mawawala din ang taong inakala kong mananatili sa akin.
“Iniisip mo siya?” ika ng isang babae sa malamyos na timbre na nag mumula sa tarangkahan.
“T-teresa?” bulalas ko naman agad at dali-daling tumakbo palabas ng bahay.
Si Teresa ay anak ni Aling Rosy. Pareho naming kababata ni Dencio, nalayo lamang siya sa amin nang pag-aralin siya ng kaniyang mga magulang sa Maynila.
“T-teresa?” pananabik ko sa kaniya.
“Tatlong taon narin ang lumipas.” pagdaragdag ko pa sabay yakap sa kaniya.
Napaka bilis ng mga araw. Tila pinag hihiwalay at pinag bubuklod muli kami ng mga kaibigan ko.
Ngunit...“Si Dencio” ika ko sa kaniya.
“Alam ko, Cynthia. Bali-balita sa buong nayon ang tuluyan niyang paglisan.” tugon niya sa akin sabay hawak sa aking mga kamay.
“Naiintindihan ko ang nararamdaman mo, Cynthia. Bata palang tayo, alam kong may pagtingin na sa’yo si Dencio.”
“At ngayong buong akala nating mananatili siya, bigla naman siyang sumuko at nawala.” pagdaragdag pa nito sa akin.
Samatala sa kalagitnaan ng pulong namin ni Teresa narinig naming tinatawag ako ni Lola Maura.
“Cynthia!” sigaw nito sa amin.
“Bakit hindi mo papasukin iyang kaibigan mo?” sigaw naman ni Lola Maura sa matandang timbre.
“Halika ineng, tamang-tama, nag-gisa ako ng bagoong. Mainam itong sawsawan ng nilagang saging.” pagdaragdag pa ni Lola Maura.
Matapos niyon, agad naman kaming nagtungo sa loob ng bahay.
“Siya, magsikain kayo at sayang naman. Maligat ang saging.” ika ni Lola sabay abot kay Teresa ng isa.“Nako lola, salamat po.” tugon naman ni Teresa sa kaniya.
“Mabuti at maaayos ang lagay niyo, Lola. Napakaraming nangyayari. Hindi manlang ba kayo nangangamba?” pagtatanong ni Teresa habang binabalatan nito ang saging na iniabot sa kaniya ni Lola.
“Masyado na akong matanda para mangamba pa sa kamatayan. Higit isang siglo ko nang nasaksihan ang mga nangyayari. Ngayon pa ba ako mangangamba?” pagpapaliwanag naman ni Lola kay Teresa.
“Napaka ganda mo paring dalagita, Teresa. Hindi ka parin nagbabago. Mabait pa at paniguradong masipag.” pambobola ni Lola kay Teresa.
Nakikinig lang ako sa usapan nina Lola ata Teresa. Minamatiyagan ang bawat kilos ng matanda.
Kagaya ng nakasanayan, nang aawa ang mga mata nito.“Kung ako Lola ang tatanungin mas maayos ang ugali nitong kaibigan kong si, Cynthia.” bulalas naman ni Teresa kay Lola.
Tumayo naman si Lola at dahan-dahang tumungo sa harap ng bintana at nagwika.
“Talagang napakaswerte ko sa kaniya. Isa siyang biyaya.” sambit ni Lola habang patuloy na nakatitig sa bintana.
“Kung nakikita lang sana ngayon ng ama niya at Lolo Santelmo niya kung paano siya lumaki.” pagdaragdag pa nito.
Panandaliang tumahimik.
Ngunit binasag ito ng isang tawag mula sa labas ng tarangkahan.
“Teresa?”
“Teresa, anak?”
“Teresa, nanay mo na ata ang kumakaon sa iyo.” sambit ko naman kay Teresa sabay tayo.
“Tara na at baka nag aalala narin siya sa’yo.” pagdaragdag ko pa sa kaniya.
“Lola Maura, tutuloy na po ako. Mag iingat po kayo.” pahabol na salita naman ni Teresa kay Lola Maura habang hinihila ko palabas ng bahay.
—
27 Nobyembre 1865
Nakakatakot nalang magising. Kada makalawa may mababalitaan nalang na lumulutang na bangkay sa ilog. Isang nakabigting patay, pugot na ulo, laslas ang katawan at iba pa.
Wala nang bumubulabog sa tao kung hindi ganoong mga balita.
“Tulooonggg”
“Tamaaa naaaa”
“Maawa kaaaa”
“Patayin mo nalang akooo”
“Tulooongggg! C-cynthiaaaa!”
“Favio!!!!”
Bigla akong nagising sa malalim na pagkaka idlip.
“Isang panaginip. Isang madilim na panaginip.” sambit ko sa aking sarili.
Dali-dali naman si Lola Maura na pumasok sa silid ko.
“A-apo?”
“Apo, anong nangyari? Ayos ka lang ba?”
“Sinabi ko naman sa’yo, kapag palubog na ang araw, huwag ka nang iidlip pa.” pag aalala naman ni lola sa akin.
“L-lola, si F-favio.” sambit ko naman sa kaniya.
“Isang panaginip?” pagtatanong naman ni Lola sa akin.
“Lola, humihingi siya ng tulong. Pasakit ang nararanasan niya ng mga panahong iyon.” tugon ko naman sa kaniya sabay bangon.
“Lola, tinawag niya ang pangalan ko! Hindi... Sinigaw niya, Lola.”
pagdaragdag ko naman.“Shhhhh ” imik niya sa akin.
“Mas mabuting kalimutan mo na lamang ang bagay na iyan. Patay na si Favio. Hindi na dapat natin ginugulon ang patay na katulad niya.” pagpapaliwanag naman sa akin ni Lola habang hinahagod ang mga buhok ko.
“Masamang pangitain sa pag-lubog ng araw? Masama iyan.” pagdaragdag pa niyo sa akin.
“Lola, natatakot ako. Takot ako.” bigkas ko naman sa kaniya.
Niyakap naman niya ako ng mahigpit at sinabi,
“Hanggat buhay si Lola, ililigtas ka niya.” mga litanyang bumulalas sa kaniyang bibig.
Tila nakaramdam naman ako ng kaba. Imposibleng walang kahulugan ang mga panaginip ko.
Takot man ako, kailangan ko itong labanan.Matapang si Lola Maura, may alam siya. Alam kong may alam siya.
Ang hindi ko lang maintindihan, hanggang kailan niya ito itatago?Lumabas si lola ng silid. Sinundan ko naman ito ng tingin. May mga ibinubulong ito, ngunit hindi ko na masyado pang maunawaan.
[Pananaw ni Lola Maura]
Masyado nang apektado ang buong buhay ng apo ko.
Hindi ko na alam ang gagawin.Hindi ko maaaring sabihin ang lahat. Mapapahamak ang mga taong inaalagaan ko.
“Maging si... Cynthia.”
BINABASA MO ANG
Ang Lihim ni Lola Maura [PUBLISHED]
Mystery / ThrillerTaong 1865, anim na taong gulang pa lamang ay ulila na sa mga magulang ang ngayo'y desa-sais anyos na si Cynthia. Buhat noon ay siya na ang tumataguyod na mag-aruga sa kaniyang Lola Maura na siyang nag alaga sa kaniya sa mahabang panahon. Bagaman m...