Hangos akong tumakbo papasok ng bahay upang alamin ang nangyari.
"D-denciooo!-"pagsigaw ko nang makita ang gumagapang na si Dencio.
"D-dencio? Anong nangyari?" pagdaragdag ko sa kaniya.
Samantala, ang matandang si Lola Maura ay nanatiling nakatayo sa likod ng sara ng pinto.
"Tumumba ang aparador sa kaniya dahilan para maipit ng higit ang kaniyang mga paa." pagpapaliwanag ni Lola Maura sa akin.
"Mag ingat ka sa susunod, Dencio. Hindi mo alam kung kailan ka mapapa hamak sa bawat kilos mo." pagdaragdag nito sabay pinta ng misteryosong mga ngiti sa labi.
"Ayos lang ako, Cynthia. Naipit lang, maya-maya ay mauulian na ulit ang mga paa ko." bulalas naman ni Dencio sa akin. Mga katagang dapat niya lamang sabihin matapos kong mag alala ng lubusan sa kaniyang lagay.
"D-dencio, pakiusap. Umuwi ka na at huwag ka na bumalik. Nakikiusap ako." pabulong ko namang tugon sa kaniya at akmang tutulungan siyang tumayo mula sa lapag.
"Ako na ang bahala dito, Dencio. Kung problema man si Lola. Ako na ang mag aasikaso. Ang gusto ko ay lumabas ka na sa sitwasyong kinalalagyan ko." pagdaragdag ko sa kaniya.
"Bakit mo naman pipigilan, kung pwede naman natin isali si Dencio, apo?" wika ng matanda sa maamong mukha.
"Kanina ko pang napapansin na may pinag uusapan kayo. Hindi ba pwedeng sumali si Lola, apo?" pagdaragdag pa nito habang nananatiling nakatayo sa likod ng sara ng pinto.
Nakaligtaan ko nang kasa-kasama pa namin sa silid ang matanda. Nakakapangamba ang mga pangyayari. Umiinit ang sitwasyon at alam kong nakakahalata narin ang matanda sa mga pulong namin ni Dencio.
"Ang totoo 'la, may pagsasanay lang kaming napag pupulungan ukol sa eskwela. Hindi gaanong importante. Pasensya na ho." inunahan naman ako ni Dencio sa pag papaliwanag.
Patago niyang hinawakan nang mahigpit ang mga kamay ko na pawang kinukumbinsi akong magagawa naming lusutan ang nag iinit na sitwasyon.
"Matanda na nga si Lola para riyan, siya, ako'y lalabas na. Apo, ikaw na ang bahala riyan." bulalas ng matanda sa aming dalawa at agad na lumabas sa silid.
Kasabay ng paglisan ni Lola sa kwarto ay ang pag akay ko naman kay Dencio palabas.
"Po-protektahan kita, Cynthia. Pangako." sambit ni Dencio.
-
16 Agosto, 1865 - Lunes
Mabilis na lumilipas ang panahon. Kasabay ng kalendaryong mistulang nasusunog sa kawalan, mga hangin na gabi-gabing umiihip sa lamig. Ang araw na tumatakip sa langit na pawang nagsasabing ang unos, kailanma'y hindi matatapos hanggat hindi nasosolusyonan ang mga palaisipan.
Sa edad kong desa-sais, tanong ang bumubuhay sakin ngunit takot ang siya ring kikitil.
Matapos ko sa eskwela, mistula akong nagpapaka katulong sa bahay.
Punas dito, punas doon.
Walis dito, walis doon.
Linis dito, linis doon.Araw araw-araw, gabi-gabi.
Sa kalagitnaan ng aking paglilinis. Isang hindi inaasahang bisita ang sa akin ay bumungad.
"Aling Susan?"sambit ko na puno ng pagtataka.
"Bakit ho kayo naparito?"pagdaragdag ko sa malamyos na boses. Ina siya ni Dencio kaya hanggat maaari kailangan kong umayos.
"Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa." tugon niya at hindi manlang nagbigay ng kahit na kakaunting eskpresiyon.
"Lubayan mo ang anak ko, Cynthia." pagdaragdag pa nito.
Hindi na nito nagawa pang makatapak sa loob ng bahay. Ang mukha niya ay puno ng panghuhusga na pawang nagsasabi na ang pagitan naming dalawa ni Dencio ay langit at lupa.
"P-po?" napapa higpit kong hawak sa tangan kong walis tambo na tugon sa kaniya.
"Matalino ka naman, Cynthia. Mabait na bata, masipag. Ngunit ang dala mong kamalasan ay walang katulad. Kaya binabalaan kita. Tantanan mo ang ana-"
"Ang anak mo ang gumagawi rito, Susan." pagputol ni Lola Maura sa mga litanya ni Aling Susan habang hirap na lumalakad tangan ang tungkod niya.
"Nakakawalang-galang siguro kung apo ko ang lalayo, gayong ang anak mo dapat ang iyong binabalaan."pagdaragdag ng matanda.
"Lola Maura, babae karin, alam mong hindi magandang pagmasdan na sa edad ni Cynthia ay nakikisalamuha siya sa isang binata. Nagmumukha siyang bayarang bab-"
"Ituloy mo, Susan. Bastusin mo ang apo ko sa harap ko at sa tahanan ko. Hindi mo gugustuhin ang mangyayari." pag babala ni Lola kay Aling Susan.
"Aling Susan. Umalis na po kayo. Lalayuan ko si Dencio, ngunit nawa ay alamin niyo rin ang kilos niya."pagdaragdag ko sa mga nasabi ni Lola.
Saradong-bibig na nilisan ni Aling Susan ang aming bahay.
Alam kong ang intensiyon ni Aling Susan ay maganda. Naiintindihan ko. Maaaring taliwas lamang ang kaniyang mga nagamit na salita ngunit sa akin ay wala iyon. Ina siya, magulang ni Dencio. Normal na ipagtanggol at iligtas ni Aling Susan ang kaniyang anak sa kahit na anong kapahamakan.
29 Agosto 1865
"Kawawa naman ang babaeng iyan."
"Hesus, patawarin mo ang nagkasala."
"Sino kaya ang makakagawa niyan."
"Ang sangsang."Nagkakagulo ang tao sa kabayanan sa isang pangyayaring gumimbal sa lahat.
Ako ang tipo ng tao na walang pakialam sa nangyayari sa mga buhay ng ibang tao. Ang buhay ko nga ay hindi ko lubos maasikaso, ibibilang ko pa ba ang alamin ang estado nila?
Ngunit sa kadahilanang wala ni isang bumibili ng paninda kong saging, naudyok ako ng kaliwa't kanang bulungan at usapan ng mga taong tila nagkakagulo sa bandang plaza.
Nang mapag-pasiyahan kong makipag siksikan sa nagkaka gulong tao, wala naman akong nakitang kakaiba sa bukod sa dugo na tila sinisipsip ng lupa.
Nang tumingala ako. Gumulat sa akin ang ulo ng tao na siyang naka hambalang sa puno ng suha.
Ulo na lamang ito. Muli. Walang buhok at katawan.
Samantala, nakadilat ang mga mata nito.Kaya pala dugo na lamang ang nasa lupa, dala ito ng pagtulo mula sa pugot na ulo.
Bagaman ang lahat ng tao ay tanging bulungan ang nalalaman. May isang pamilyar na lalaki naman ang halos humalik sa lupa sa lubhang pag hihinagpis.
Nang akin itong lapitan, gumulantang sa akin ang lalaki.
"D-dencio?"
"D-dencio, Hesus ko."nanginginig ko sa takot na pananalita buhat ng makita siya.
Ayokong isipin na ang taong naroroon sa itaas ng puno ay...
"A-aling Susan?"
Muli kong tiningala ang puno ng suha.
"Si Aling S-susan ang pugot na ulo." nangangatal kong bulalas.
"Hindi 'to pwedeng mangyari... Sino! Sino ang gumawa nito sa Inay ko!" sigaw ni Dencio ramdam ang galit at poot sa pananalita niya.
Hindi ko siya magawang lapitan. Ni kausapin ay hindi ko magawa. Hindi ko alam kung tama ba na maramdaman ko ang takot na kamuhian niya ako.
Buong lakas akong tumakbo pauwi ng bahay.
"Lola! Lola, nasaan ka!" umiiyak kong sigaw malayo pa man ako sa mismong pintuan ng bahay.
"Ale aleng namamayong, pasukubin yaring sanggol, pagdating sa Malabon, ipagpalit sa bagoong..."mga lirikong tanging bumubulalas sa bibig niya habang patuloy na tumutungga ang kaniyang makintab na upuan.
"Ang sumali sa laro, talo." pagdaragdag pa nito sabay ngiti sabay tingin sa kakahuyan.
BINABASA MO ANG
Ang Lihim ni Lola Maura [PUBLISHED]
Misteri / ThrillerTaong 1865, anim na taong gulang pa lamang ay ulila na sa mga magulang ang ngayo'y desa-sais anyos na si Cynthia. Buhat noon ay siya na ang tumataguyod na mag-aruga sa kaniyang Lola Maura na siyang nag alaga sa kaniya sa mahabang panahon. Bagaman m...