KABANATA III: Hunyo, 1865

95 16 0
                                    

"A-anak! Tumakbo ka na! Takbo!!!"

"I-itay? --- I-itay? Anong nangyare sa inyo?" tugon ko sabay tungo sa nauubusang hininga kong ama.

"P-paanong-"

"A-anak, iligtas mo ang sarili mo. P-pakiusap." pagputol niya habang pilit na itinataboy ako palayo.

"Takbo! Anak! Takbo! Tumakbo ka na!" sigaw nito kasabay ng mga luha at dugong umaagos sa mukha niya.

"T-tay? I-itay!"

Sa gitna ng hinagpis at takot ay isa lamang pala itong panaginip.

Masamang panaginip.

Gabi gabi na lamang akong dinadalaw ng namayapa kong ama sa aking mga panaginip. Na pawa bang may gusto siyang sabihing mensahe sa akin.

Naaalala ko kung paano ko naabutang nauubusan siya ng hininga.
Karumal-dumal ang katayuan niya.

Umaagos ang mapupula niyang dugo sa sahig. Ang mga paa ng ama ko ay wala na. Tanging kapirasong hita na lamang at katawan. Ubos ang mga buhok nito at tanging dugong umaagos ang makikita mo sa mga mukha niya.
Puro kalmot at mga maliliit na pawang kagat ng aso ang bumakas sa kaniyang nga braso.

Umiiyak.

Imbis na humingi ng tulong, mas pinili niyang bigyan ako ng abiso.

"Takbo, anak! Iligtas mo ang iyong sarili"

Mga huling salitang kaniyang nabanggit habang patuloy kong nilisan ang madilim na kakahuyan.

"Apo?"

"Cynthia, apo? May nagtatawag sa labas ng tarangkahan."malamyos na sambit ng aking Lola mula sa tapat ng pinto ng aking silid.

Nagulat naman ako ng makita ko siya. Naka puting bistida. Pusturang pustura ang matanda. Nahahawi ang mga buhok nito sa pormang palikod.

Naalala kong kaarawan ni Lola.

"Napaka ganda naman ng aking kayamanan." imik ko sa kaniya at agad na bumangon sa aking kinahihigaan.

"Isinuot ko ang niregalo mong puting bistida, apo. Bagay na bagay sa bakyang itinago ko pa galing sa iyong ama."

"L-lola, napanaginipan ko si itay."

Agad naman niya akong niyakap at sinabi, "Kung nasaan man siya ngayon, masaya na siya dahil lumaki kang puno ng pagmamahal at kabutihang puso."

"Sige na, apo. Makisig na lalaki ang dumudungaw buhat sa labas ng tarangkahan." pagdaragdag pa nito sabay hawak sa mga pisngi ko.

Paglabas ko ng bahay bumungad sa akin ang nakangising si Dencio kasama ang pinsan niyang si Clarita.

"Cynthia, may dala kaming pansit at biko, para sa kaarawan ni Lola Maura." agad naman nitong bigkas sa akin.

"Umuwi na kayo, gusto ng Lola kong mapag isa sa kaarawan niya." tugon ko na man sa kaniya at akmang tatalikod na.

"Parang hindi naman ata." wika nito sabay kaway sa harap ng bintana ng aming bahay.

Nang lingusin ko ang direksyon na kaniyang kinakawayan, nakita ko si Lola. Kumakaway pabalik, pumipinta sa mga mukha niya ang misteryosong ngiti.

"Papasok na kami, hah."agad niyang imik at tuluyang pinasok ang bahay.

"Sadyang makulit ang pinsan ko. Pasensya na, Cynthia." malamyang sambit ni Clarita sa akin habang tangan niyo ang bilao na may lamang biko.

"Lola, maligayang kaarawan ho." wika ni Dencio sabay akmang mamano.

Ang Lihim ni Lola Maura [PUBLISHED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon