𝘈𝘣𝘳𝘪𝘭, 1865
"A-apo teka, paki-abot nga ng tungkod ko." ika ng aking lola sa mababang boses sabay turo ng kaniyang tungkod na nakasandal sa likod ng pinto.
"Intay lang Lola, hah. Isasalin ko lang po ang mainit na tubig at kumukulo na." marahang tugon ko naman sa kaniya sabay takbo sa labas ng bahay kung saan naroroon ang tungko na siyang pinagsasalangan ng takure.
Ako si Cynthia, labing-anim na taong gulang na dalaga, ulila sa magulang at ang siyang kumakayod para mabuhay kami ng aking nag iisang kayamanan, ang lola ko.
Bagaman nag-aaral pa ako, kinakaya ko naman ang buhay ng tindera ng saging at taga-alaga ng lumpong matanda.
"'la, anong gusto niyong handa sa kaarawan niyo? Gusto niyo po ba ipagluto ko kayo ng paborito niyong putchero?" pagtatanong ko sa kaniya habang sinusuklay ang kakaunti at puti niyang buhok.
"'la, ang tanda niyo na talaga, isang daan at siyam na taon na po kayong buhay."pagdaragdag ko.
Malaki ang pagtataka ko kung bakit wala ni isang tugon ang namumutawi sa kaniya. Patuloy lamang ang pagtitig niya sa kakahuyan sa tapat ng aming bakod na gawa ng kawayan.
"May problema ba 'la?" pagtatanong ko sa kaniya habang pinapahiran ang nanlalamig niyang pawis.
"A-apo... Wala akong kasalanan... H-hindi k-ko sinasadya."
Mga salitang bumulalas sa kaniyang bibig. Takot ang mababasa mo sa kaniyang mga mata. Nanlalamig din ang kaniyang mga kamay.
Marahil inaatake na naman siya ng kaniyang sakit dala ng kaniyang katandaan.
Sakit sa limot, ika ng iba."Shhhhh... Kumalma ka na 'la. Hindi kita iiwan. "gumigilid sa mga mata ko ang pangamba, takot at lungkot.
Si Lola Maura nalang ang meron ako. Kung mawawala siya, hindi ko na alam kung paano pa ako magpapatuloy.
"Malapit na lola mag takip-silim, bibili muna ako ng makakain sa labas, hah" pagpapaliwanag ko sa kaniya sabay halik sa kaniyang noo. Mahigpit naman niyang hinawakan ang braso ko, tulala sabay tango.
"Lola, saglit lang po ako. Babalik din agad ako." pagdaragdag ko sa kaniya.
Bago ako umalis, pinatuka ko muna ang mga alaga naming manok, pinainom ito at agad na nagderetso sa kabayanan.
Wala pang isang oras, matapos kong mamili. Pasado ala-singko ng hapon, nasa bahay narin agad ako.
Pagbukas ko ng tarangkahan, tumambad sa akin ang mga balahibo ng manok at nagkalat na dugo.
"'la? Lola Maura?"
" Ang lola ko..."
Agad kong pinasok ang loob ng bahay sa takot na baka pinasok kami ng kung sinong magnanakaw o mabangis na hayop. Lumpo ang lola ko at wala siyang kalaban-laban. Kung sakali, hindi niya maipagtatanggol ang kaniyang sarili.
Napahinga ako ng malalim sa nakita ko. Nanatiling naka-upo ang matanda. Umaawit na parang walang nangyaring kakaiba.
"Ale, ale, namamayong, pasukubin, yaring sanggol, pagdating sa Malabon... Ipagpalit sa bagoong..."
Mga lirikong bumulalas sa bibig niya.
"'la, pinag alala niyo ako."
sambit ko sa kaniya sabay yakap ng mahigpit."Ang tagal mo naman apo, gutom na ako kanina pa." tugon niya sa akin sabay pinta ng nakakapangambang ngiti sa kaniyang mga labi.
"Ihahanda ko lamang po, sandali po lola, hah" nangangamba kong wika sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Ang Lihim ni Lola Maura [PUBLISHED]
Mystery / ThrillerTaong 1865, anim na taong gulang pa lamang ay ulila na sa mga magulang ang ngayo'y desa-sais anyos na si Cynthia. Buhat noon ay siya na ang tumataguyod na mag-aruga sa kaniyang Lola Maura na siyang nag alaga sa kaniya sa mahabang panahon. Bagaman m...