𝘏𝘶𝘭𝘺𝘰, 1865
Isang buwan matapos ang sunod sunod na pagkawala ng mga bata at kaliwa't kanang karumaldumal na patayan, ligalig parin ang mga tao sa kung sino o ano ba talagang klaseng nilalang ang may kayang gumawa nito.
"M-makinig kayo! Matagal ko nang sinasabi! Lisanin niyo na ang isinumpang nayon na ito! Bago pa kayo ang tuluyang mabura istoryang siya mismo ang gumagawa." sigaw ni Mang Gimo sa mga tao tangan-tangan ang bote ng alak sa kanang kamay at isa-isang dinuduro ang mga taong kaniyang nakikita.
"Hindi parin kayo naniniwala na may halimaw? Kailan kayo maniniwala? Kapag namatay o nawala na ang mga anak niyo?"pagdaragdag pa nito sa lasing na timbre.
Dali-dali naman akong umuwi ng bahay matapos kong mai-dispatya ang mga paninda kong saging.
Malaki ang punto ni Mang Gimo. Ngunit hanggat lasing siya, mananatiling baluktot ang kaniyang mga sinasabi sa mata ng tao."Hoy Cynthia!" paninigaw ni Mang Gimo sa akin.
Nang lingusin ko naman siya. Nanatili siyang tahimik at sa huli'y bumulalas ang isang napakamisteryong babala.
"Mag iingat ka." pagdaragdag nito.
Hindi ko na lamang siya pinansin pa at muli kong ipinagpatuloy ang paglalakad tungo sa bahay.
-
"Apo, hindi ba't linggo ngayon?" pagtatanong ng matanda sa akin habang patuloy na tinutungga ang kaniyang upuan.
"Sayang ang punla ng kamatis na sinimulan kong itanim noong isang linggo. Baka gusto mong ilipat sa bakuran?" pagdaragdag pa nito sa akin.
"Ah, sige 'la. Ako na ho ang bahala jan." tugon ko naman ata agad na inintindi ang mga mando niya sa akin.
Sinimulan kong ihanda ang lahat ng punlang ililipat sa unahang bahagi ng bakuran. Matapos nito ay kinuha ko ang dulos at kalaykay na siya kong gagamitin sa pag bubungkal ng lupa.
Hindi pa man ako nag tatagal sa pagbubungkal. Kapansin-pansin ang isang bistidang umibabaw sa kahabaan ng aking pagbubungkal.
Misteryoso ang damit.
Paanong magkakaroon ng damit sa ilalim ng lupa na iyon? Gayong ako lahat ang nag iintindi ng mga bagay-bagay sa loob at labas ng bahay.
Pamilyar ang damit na iyon. Parang nakita ko na ito dati pa.
Para matanggal ang duda. Agad kong itinaas ang bistida at laking gulat kong nakumpirma na ang bistida ay-"A-apo?" mga salitang pumutol sa aking pag-iisip.
Kataka-taka ang matandang ito. Sa tuwing may misteryoso at kakaibang nangyayare, siya narin mismo ang bumabasag sa mga pagkakataong ito.
"B-bakit, Lola?" agad kong tugon sabay tago ng natuklasan kong damit.
"Matatapos ka na ba?" imik nito sa akin.
"Si Dencio nasa loob ng bahay. Gusto kang makausap. Mamaya mo na ulit ipagpatuloy iyan." pagdaragdag nito at siya naring nagtungo papasok ng bahay.
Pumasok narin agad ako sa loob ng bahay ngunit bago iyon, itinago sa isang kahon ang nakita kong bistida.
"Ano pang ginagawa mo dito?" agad kong sambit sa binatang si Dencio habang pilit na nag tatanggal ng mga putik sa aking mga kuko.
Matapos ang pangyayari kay Clarita. Bihira ko na siyang kinakausap o hindi kita ay kinikita. Ayokong isipin sa buong nayon na ako ang malas sa kaniyang buhay.
"Dapat hindi ka na pumunta pa dito. Ano na lamang ang iisipin ni Aling Susan kung sakali niyang malaman na nagtungo ka dito?" pagdaragdag ko pa.
"Nag aalala ako sa'yo. At marami din akong tanong."wika nito.
BINABASA MO ANG
Ang Lihim ni Lola Maura [PUBLISHED]
Mystery / ThrillerTaong 1865, anim na taong gulang pa lamang ay ulila na sa mga magulang ang ngayo'y desa-sais anyos na si Cynthia. Buhat noon ay siya na ang tumataguyod na mag-aruga sa kaniyang Lola Maura na siyang nag alaga sa kaniya sa mahabang panahon. Bagaman m...