19, Disyembre 1865
—
[Pananaw ni Teresa]
Anim na araw bago ang pasko, dama man ang lamig ng panahon, hindi maalis sa aming mag-ina ang tensiyon at init ng pakiramdam. Tila kinakatok kami ng problema kada araw.
“Inay, sa tingin mo ba magiging maayos pa ang sitwasyon natin?” pagtatanong ko sa nanay ko habang pinipinaw ang mga binilad kong damit.
“Huwag mong sabihin na pati ang bagay na iyan ay iyo pang po-problemahin?” tugon naman sa akin ni Inay habang patuloy na kinukusot ang tangan niyang katsa.
“Sa makalawa ay aalis ka narin, tapos na ang ibinigay sa iyong bakasyon, tingin ko ay hindi mo na kailangan pang isipin ang bagay na nangyayari sa baryo natin.” pagdaragdag pa nito.
“Kung ako lamang ang masusunod, inay, hindi ko naman na talaga iisipin. Ang sa akin lang, paano kung bukas o sa pag gising ko, kayo na ang dinudumog ng tao sa plaza.” seryoso kong banggit sa kaniya.
“Atupagin mo ang isinisilong mo, pakiwari ko’y uulan.” napapangiti naman nitong wika sa akin.
“Sumama ka nalang kaya sa akin sa siyudad, inay. Doon, mas ligtas kayo.” mungkahi ko sa kaniya at akmang nilu-lulon ang kumot na tangan ko.
“Ang sakahan? Ang mga alaga nating hayop?”
“Wala na ang iyong ama, kung iiwan ko ang sakahan at ang hayupan, walang mangyayari sa buhay natin.” sunod-sunod naman nitong bulalas sa akin sabay tayo.
“Kung oras na ng kamatayan mo anak, wala ka nang magagawa pa roon. Ang Diyos lang ang sandigan mo.” pagdaragdag pa nito.
Tama ang inay. Wala naman talagang katiyakan ang buhay ng tao. Kung oras mo na. Oras mo na.
Ngunit kung may magagawa naman ako para sa mga taong mahal ko, bakit hindi ako kikilos?
Ang kaibigan kong si Cynthia, ang Lola, paano pa kaya sila?
“Huwag ka nang tumunganga, bilisan mo ng kilos, at bumahagi ka ng kahit na kabiyak na papaya kay na Cynthia.” sigaw ni inay sabay pasok sa loob ng bahay.
“Oho, papunta narin ho.” tugon ko.
Hindi narin naman kami nalalayo pa sa bahay nina Cynthia. Kaunting lakad lamang ay mararating mo narin ang bahay nina Lola.
Nang makarating ako sa bahay nila, laking pagtataka ko na nakabukas ang tarangkahan ng mga ito.
Si Cynthia ang tipo ng taong gustong laging sarado ang bintana, pinto at maging ang tarangkahan kahit pa kasikatan ng araw.
Hindi na ako nag dalawang isip pang pumasok dahil sanay naman na ang dalawang iyon na labas-pasok ako sa bahay nila.
“Cynthiaaa?”
“Cynthiaaa?”
Pagtatawag ko sa labas ng pinto na hindi pa gaanong nakalapat ang pagkakasara.
“Lola?”
“Lola?”
“Cynthia? Makikibahagi lang sana si Inay ng papaya?” pagdaragdag ko pa.
Tila walang tao, wala ni isang umiimik mula sa loob ng bahay.
Kahit papaya lamang ang intensiyon ko ay patuloy ko naring pinasok ang loob ng bahay tutal bukas narin naman ito.
“Lola?”
“Lola?”
Patuloy kong pagtatawag kahit na nasa loob na ako ng bahay.
Walang tao sa loob ng bahay. Ni anino nina Lola at Cynthia ay wala kang mababakas.
Ngunit...
Kataka-taka. Sa ibabaw ng lamesa ay may umuusok na kape. Tila may naiwang niluluto din sa loob ng kusina kaya talagang malaking palaisipan na walang tao sa loob ng bahay.
“Cynthia?”
“Nasa loob ka ba?”
Ako nalang ata ang nag iisip na may tao sa bahay nila. Pero...
Imposible naman siguro na walang tao kung ganoon ang sitwasyon.
Sinubukan kong pasukin pati ang kwarto ni Cynthia, ngunit kagaya ng inaasahan ko, wala ring tao roon.
May agingit o hindi pangkaraniwang tunog akong napakinggan na nag mumula sa loob ng kwarto ni Lola Maura.
Gustuhin ko mang pasukin ang kwarto niya, hindi ko maaaring gawin sa kadahilanang nakasarado ito.
Lalabas na sana ako ng bahay nang may kung anong kalabog akong napakinggan mula sa loob ng silid ni Lola kaya walang pag-iisip kong pinasok ang kwarto. Nang mapasok ko ang silid, kunot-noo sabay iling akong lumingos-lingos sa buong silid.
“W-wala ring tao?” bulalas ko sa aking sarilli.
Hinanap ko kung saang parte ng silid nagmula ang kalabog.
Sa bandang kanan ng kwarto, may isang kahon doon na pawang nalaglag mula sa itaas ng aparador.
Kinuha ko ang kahon at ipinatong sa ibabaw ng katre ni Lola. Pinagpagan ko ang mga gabok sa kabuuan nito.
Ayoko sanang buksan ang kahon ngunit may kung anong pakiramdam ang namumutawi sa akin na buksan ito.
Tutal wala naman taong nakatingin sa loob ng silid. Kabado kong binuksan ang misteryosong kahon.
Sa loob ng kahon, may mga lumang libro at gula-gulanit na pahina ng isang aklat ang naroroon. May tatlong klase rin ng kandila, isang dilaw, isang puti at isang itim. May hindi maaninaw na litrato ng isang pamilya.
Malabo.
Sobrang labo na.
Ngunit wari ko ay kabataan iyon ni Lola Maura, mga edad kwarenta kung hindi ako nagkakamali.
Isinantabi ko ang litrato.
Isasarado ko na sana ang kahon ngunit mas minabuti kong alamin ang nasa libro.Nang buksan ko ang libro, nasisiguro kong latin ang laman noon.
Pawang dasal.
Hindi.
Orasiyon.
Sa bandang likod, may mga pangalan. Kung sino-sino. Ang iba ay kilala ko ngunit karamihan naman ay hindi.
“Mariano, Juan, Joselito, Trinidad, Pelita, Teresa, Dencio...”
Pati pangalan ko ay naroroon. Pangalan naman ni Dencio.
Anong klaseng aklat ito?
Nang maramdaman ko na may taong darating, agad kong isinaayos ang kahon. Ibinalik kung saan ito kinuha at dali-daling lumabas ng silid.
“Ohh, Teresa nandiyan ka pala.” banggit ni Cynthia sa akin.
“Ah, eh, oo. Kararating ko lang din. Hihingi sana ako ng papaya.” balisa kong tugon sa kaniya.
“Pawis na pawis ka ata. Saan ka pa ba galing? Gusto mo ba mag meryenda muna?” nakangiti naman niyang pag-aalok sa akin.
“Ah, hindi na. Mag luluto narin naman ako. Siya aalis na ako. Salamat” sunod-sunod kong tugon sa kaniya sabay labas ng kanilang bahay.
Habang nag lalakad palabas ng kanilang bahay, hindi mawala sa isip ko kung paanong naroon ang pangalan ko sa loob ng lumang libro.
Sino ang mga taong iyon?
Anong meron sa kandila?
Sa litrato?
Sa gula-gulanit na aklat?
[Katapusan ng pananaw ni Teresa]
BINABASA MO ANG
Ang Lihim ni Lola Maura [PUBLISHED]
Mystery / ThrillerTaong 1865, anim na taong gulang pa lamang ay ulila na sa mga magulang ang ngayo'y desa-sais anyos na si Cynthia. Buhat noon ay siya na ang tumataguyod na mag-aruga sa kaniyang Lola Maura na siyang nag alaga sa kaniya sa mahabang panahon. Bagaman m...