𝘒𝘢𝘵𝘢𝘱𝘶𝘴𝘢𝘯 𝘯𝘨 𝘚𝘦𝘵𝘺𝘦𝘮𝘣𝘳𝘦, 1865
Dala ng sobrang pag-iisip, hindi ko na lubusang naaalagaan ang aking sarili.
Ramdam ko ang lubos ng panghihina ng katawan ko sa bawat araw na lumilipas.Ilang araw kong inisip ang mga pangyayaring naganap, ang patayan, ang pagkawala ng tao, ang sitwasyon nina Dencio at si Lola Maura, ang orasyon niya. Ang mga sigaw niya.
Ano ba talaga ang lihim niya? Anong itinatago niya?
“‘la. May mahalaga lamang po akong aasikasuhin. Baka ho magtagal ako. Nariyan naman na po ang pagkain sa mesa.” pagpapa alam ko kay Lola habang nakaupo siya sa paborito niyang pwesto.
Kikitain ko si Dencio. Kailangan namin mag usap. Nais kong malaman kung may bagong balita habang pilit kong ikinukulong ang aking sarili sa bahay, nagmamatiyag sa mga susunod na kilos ni Lola Maura.
“Mag iingat ka, apo.” tugon naman nito at hindi na nagawang lingusin pa.
Tuloy-tuloy akong lumabas ng bahay. Pawang nag mamadali kahit na hindi naman talaga. Habang nag lalakad, itinatali ko ang aking buhok. Kahit papaano, gusto ko parin mag mukhang kaaya-aya kay Dencio.
Bagaman malapit lamang ang lugar kung saan kami mag kikita ni Dencio na maaaring abutin lamang ng dalawampung minuto, tila inabot ako ng isang oras sa paglalakad. Kaunti na lamang ay iisipin ko na namamaligno na ako.
Matapos ang mahabang paglalakad, bumungad sakin ang matipunong si Dencio.
“D-dencio...” sambit ko.
“Cynthia— salamat sa Diyos, ligtas ka parin.”tugon naman niya sakin sabay lingkis ng kaniyang mga bisig sa akin.
Ramdam na ramdam ko ang pag-aalala niya sa akin. Bumilis ang tibok ng puso ko ngunit...
“S-sandali—” wika ko sabay tanggal ng pagkaka yakap niya sa akin.
“Lumilihis tayo sa dapat na pag usapan.”
“Anong balita? Si Flavio? Bakit hindi mo sinama? Dapat hindi mo siya hinahayaang mawala sa paningin mo, Dencio.” magkaka sunod kong tanong sa kaniya.
Iba na ang sitwasyon ngayon. Ano mang oras ay maaaring may kakaibang kaganapan na naman ang mangyari.
Ang nilalang na iyon.
Imposibleng normal na tao lamang ang makakagawa niyon. Imposible. Demonyo. Hindi. Masahol pa sa demonyo.
“Bago ako umalis sa bahay pinakandado ko sa kaniya ang bintana at pinto, sinabihan ko narin siya na huwag bubuksan ang mga ito, ano‘t ano man ang mangyari.” pagpapaliwanag naman niya sa akin.“Sa ngayon, wala pang balita. Matapos ang pagpanaw ni Inay, hindi pa muling nagpaparamdam ang nilalang na iyon.” pagdaragdag pa niya.
“Si Lola Maura, kakaiba ang ikinikilos. Nitong nagdaang araw, napansin ang napapadalas niyang orasiyon. Kulang na lamang ay isipin kong nakikipag kasundo na siya sa demonyo.” seryoso kong litanya sa binatang si Dencio.
“Gaano katibay ang pananaw mo na si Lola Maura ang nasa likod ng mga ito?” pagtatanong ni Dencio sa akin.
Hanggang ngayon ay magulo parin ang lahat ngunit sa mga pagkakataong ito, mas paniniwalaan ko ang puso ko na nagsasabing inosente ang Lola Maura ko. Kilala ko siya buhat ng magkamalay ako sa mundo.
Alam kong hindi niya magagawa iyon.“Hindi ko pa masasabi.” tugon ko sa kaniya sabay baling ng mga mata sa langit.
“Oh, Diyos ko. Kaawaan mo kami.” pagdaragdag ko.
BINABASA MO ANG
Ang Lihim ni Lola Maura [PUBLISHED]
Mystery / ThrillerTaong 1865, anim na taong gulang pa lamang ay ulila na sa mga magulang ang ngayo'y desa-sais anyos na si Cynthia. Buhat noon ay siya na ang tumataguyod na mag-aruga sa kaniyang Lola Maura na siyang nag alaga sa kaniya sa mahabang panahon. Bagaman m...