[Pananaw ni Lola Maura]
"Apo? Cynthia?" pagtatawag ko kay Cynthia sa marahang boses.
"Lola?" agad naman nitong tugon sabay pasok sa loob ng silid ko.
"May kailangan kayo, lola?" pagdaragdag pa nito sa akin.
"May nilinis ka ba sa silid ko? O hindi kaya ay ibinagong tayo ng mga gamit ko?" pagtatanong ko sa kaniya habang patuloy na nakaupo sa katre na nababalutan ng puting kumot.
"Buhat noong isang linggo, ngayon nalang ulit po ako nakapasok sa kwarto niyo. Ngayon ko palang sana balak mag linis pagkatapos ko sa aking labahan." paliwanag naman nito sa akin.
"Unahin ko na ba lola linisin ang kwarto niyo?" pagdaragdag pa niya sabay pinta ng ngiti sa kaniyang labi.
"Ah, hindi apo. Tinanong ko lang. Pakiwari ko ay may nabago sa hitsura at tayo ng ilan sa gamit ko. Ngunit hayaan mo na yun." nakangiting tugon ko naman sa kaniya.
"Siya sige, Lola. Tatapusin ko na po iyong naiwan kong gawain. Mamaya po ay paliliguan ko narin kayo." wika niya sabay labas ng aking silid.
Imposible.
Ramdam kong may nabago sa gamit ko. Iba ang ayos. Iba ang tayo.
Pinagmasdan kong maigi kung anong parte ng silid ang may hindi pangkaraniwan.
"A-ang k-kahon?"
Bulalas ko sa aking sarili. Itinago ko ang kahon na iyon sa bandang itaas ng aparador.
Paanong napunta sa ibaba iyon?
May nilalamang importanteng bagay ang kahon na iyon. Karamihan doon ay ang mga aklat kong ginagamit sa dasal. Sinaunang latin kaya mahirap bigkasin at kabisaduhin.
May iba't-ibang uri din ng kandila, na siyang sinisindihan ko lang tuwing katapusan ng buwan, sinasamahan ng isang orasiyon at buhay. Ang hayop ay isang halimbawa nito.
At ang lumang aklat na naglalaman ng mga pangalan...
"Nawa ay hindi mangmang si Teresa sa nakita niyang pahiwatig." bulong ko sa aking sarili sa gitna ng pangamba.
-
24 Disyembre 1865
[Pananaw ni Cynthia]
"Magpatay nalang tayo ng manok, Lola?" suhestiyon ko kay Lola Maura habang patuloy siyang nakatitig sa kakahuyan.
"Lola..."
" 'la"
"Oh? A-ano ulit yun, apo?" tila nagugulumihanan niyang tugon sa akin.
"Mukhang malalim ang iniisip niyo Lola. May problema ba?" pagtatanong ko naman sa kaniya.
Sa tuwing natutulala si Lola, alam kong may problema. Alam kong ano mang oras, aatakihin na naman siya ng sakit niya. Mag wawala, magmu-mukhang isip-bata at makaka-limot.
"Wala naman, apo. Ano nga ulit ang sinasabi mo?" natatanging tugon niya naman sa mga sinabi ko.
"Disperas na ng pasko, Lola. Nag iisip ako ng maaaring ihain sa lamesa." pagpapaliwanag ko kay Lola sabay aktong uupo sa bandang harapan niya.
"Naisip ko, sapat na siguro ang dalawang buong manok. Tinola at prito ang luto." pagdaragdag ko pa sa kaniya.
Nakangiti lang niyang pinag mamasdan ang mukha ko. Walang kibo. Walang tugon.
Makailang segundo pa ay nagsalita narin ang matanda.
"Kahit wala, apo. Basta kasama ka." malamyos na banggit niyo sa akin sabay uggoy ng kaniyang tungga-tungga.
BINABASA MO ANG
Ang Lihim ni Lola Maura [PUBLISHED]
Mystery / ThrillerTaong 1865, anim na taong gulang pa lamang ay ulila na sa mga magulang ang ngayo'y desa-sais anyos na si Cynthia. Buhat noon ay siya na ang tumataguyod na mag-aruga sa kaniyang Lola Maura na siyang nag alaga sa kaniya sa mahabang panahon. Bagaman m...